3

6 0 0
                                    


NAPALINGON SI Yna. And so maybe she regretted looking and recognizing the man inches away from Marco.

The nightmare hiding in a dream named Ivo Santillan.

Nasa likod nito si Marko na papalapit sa gawi nila. Ang huli ang tumawag sa kanya. Co-nurse niya ito. "You left this."

"Talaga? Thanks," baling niya kay Marko. Ibinigay nito ang mga papers na naiwan niya pala sa nursing station sa third floor. "I'm actually looking for it."

"Dinala ko talaga para sa 'yo." Marko had the shots for her. But not vice versa, unfortunately.

Ngumiti lang siya nang tuksuhin sila ng mga co-workers nila. Inilapag niya ang mga papel sa counter at nagpatuloy sa paglilipat ng information ng mga pasyente.

"Excuse me." Natigilan siya ng marinig ang isang napakapamilyar na boses. Parang ang layo ng boses na iyon. Para sa isang imahinasyon, o katotohanang mahirap paniwalaan.

"Yes, pogi?" tanong ni Frida the predator, co-worker niya.

Hindi siya maaaring magkamali. Of course, she already saw him. What was she thinking? She was fooling herself if she would deny he didn't recognize the voice given that his mere presence stirred something in her.

Muli siyang lumingon sa kinaroroonan ng nais niyang aparisyon lamang. Si Ivo nga iyon. He flashed his you-drool-now smile. It was the same smile that used to strengthen her. He still had those eyes that drown her into endless feeling she really thought was endless. His built was more mature and formidable. His voice still gave the impression of security.

All of his changes complemented him perfectly.

Nevertheless, all of it lost effects on her.

He turned to face her. "Yna, I'm wondering where my mom's clinic is? Could you take me there?"

Nakita niya kung paano namangha si Frida at ang ibang mga babaeng nurses roon mapa-single at married. "Kilala mo 'tong si Yna?" halos sabay na tanong ng lahat ng nakarinig na nurses roon.

Pinanlakihan niya ng mga mata ang mga ito upang tumigil sa pag-uusisa. But the one unexpected answered an unexpected. "She's my ex-girlfriend, actually."

Narinig niya ang pagsinghap ng mga katrabaho niyang mga tsismoso't tsismosa.

Napaismid na lang siya sa ginawa ni Ivo at iniwan ang mga katrabaho niyang tiyak na mag-uusisa mamaya tungkol sa sinabi ni Ivo the always kontrabido. Gone was the playful Ivo she knew, parang lalo itong yumabang. Ganoon ba si Ivo noon? she can't helped but wonder.

"Aren't you gonna scold me for what I behaved?" tanong nito ng maka-agapay sa kanya.

"Why would I do that?"

"Well, I'm kinda expecting you to do that," nag-aalangan ang tono nito ng sabihin iyon.

Napamata siya rito. She wanted to say a word but she just did not know what to say. Tumahimik na lamang siya hanggang sa makarating sila sa clinic ni Dra. Santillan.

"Ivo!" Sinalubong nito ng yakap ang anak. "Yna?" anito nang makita siya. Mukhang takang-taka ito kung bakit siya naroon.

"I asked her help to find your clinic." Si Ivo na ang sumagot para sa kanya.

Tumango-tango ito matapos titigan ang anak.

"Sige po. I'll go ahead," paalam niya.

HISTORY REPEATS ITSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon