Seul's POV
"To find the resultant force, just use the pythagorean theorem... blah blah blah" Physics... one of my most "favorite" subject. Naglelecture nanaman yung bakla naming prof. Kanina pa ako inaantok at bored na bored dito. Iniwan na yata ako ng aking kaluluwa at utak... Mga traydor :<
"Ms. Joohyun you are too early for your next class." Grabe naman to si prof. kung makapanggulat... mas lalo akong iniwan ng aking kaluluwa ehh.
"Why are you late? Find yourself a seat quick quick. First day na first day late na kaagad." sungit naman neto ni prof. nireregla yata. Nagpatuloy lang ako sa aking pag doo-doodle. "Sorry prof." Yun laman ang narinig ko mula sa bibig nung Joohyun na yun. Dali dali siyang naghanap ng kanyang mauupuan. kung minamalas nga naman, sa tabi ko pa talaga umupo...
Nilingon ko siya at nakitang tinatago niya ang kanyang mukha mula sa kahihiyan. "Hyun ano ba! nakakahiya ka." rinig kong bulong niya sa kanyang sarili. Tsk tsk yan kase bagal sigurong kumilos kaya nahuhuli sa klase. Natawa na lang ako sa kanyang itsura ngayon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa wakas uwian na! makakapaglaro narin ako! Habang ako ay naglalakad palabas ng school, may biglang kumalabit sa akin. Agad akong napalingon sa gulat at nakita yung babaeng late kanina. Ano nga pangalan nun? Joyon? Juyon? Juon? Ah basta yun na yun.
"Uhm, I'm sorry na hindi ako nakapagpaalam na uupo ako sa tabi mo kanina. By the way, I'm Joohyun, you can call me Irene." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili sabay lahad ng kanyang kamay. Bro ang ganda niya! Mukha siyang anghel na bumaba sa lupa.
"Uhm? Hello? Are you okay?" Sht nakalimutan ko kaharap ko pala siya. Nakatulala na pala na ako. Nako Seul mukha ka yatang asong ulol nakakahiya.
"Sorry, Seulgi pala." sabay lahad ng aking kamay. TOL ANG LAMBOT NG KAMAY NABABAKLA NA AKO DITO EH. "Can we be friends?" Tanong ni Irene. "Ah bye, may lakad pa kasi ako." Agad akong bumitaw sa aming titigan at daling daling umalis.
"Sungit naman!" Rinig kong sigaw niya. Dudez hindi ako naniniwala sa love at first sight pero parang tinamaan ako dun ah.
Habang naglalakad pauwi, pilit kong inaalala kung saan ko narinig yung pangalan niya.
Irene... Irene.... SHT IRENE!
Irene, yung dating iyakin na bata na kalaro ko sa kasa-kasalan nung mga bata pa kami.
Dude...
Puberty hit her hard...
Ang ganda niya...
dugdug dugdug...
~To be continued~
BINABASA MO ANG
If Eyes Could Speak | SeulRene Tagalog FanFiction
FanfictionIt starts where two students meet at their school. Both Irene and Seulgi's relationship had gone through secret dates for Seulgi is forbidden to be in a relationship. Would they choose what their hearts are beating or choose what their eyes are spea...