Chapter 6

36 1 0
                                    

Joohyun's POV

"Free ka ba bukas ng gabi? Invite sana kita for night market..."

Agad akong napabangon sa aking kama at nag titili na parang takure. "ATE ANONG MERON? MAY IPIS BA? NASAN NA? NASAN NA?" bungad ng kapatid kong si Eileen sa pinto ko.

Akala niya siguro may ipis dito sa aking kwarto. Siya kasi ang taga patay at ako naman yung taga sigaw... "Ah wala, wala... nagulat lang ako sa video na nakita ko"
palusot ko naman sa kanya... "Sigurado ka ate ha..." napakamot naman ng ulo ang aking kapatid... Sensya na talaga lil sis... kinikilig ate mo eh :3 Muling sumilip ang aking kapatid sa napakaliit na siwang ng aking pinto "Siya nga pala ate... kain na daw tayo sabi ni mama" aya niya saakin... "Hindi na ako kakain Leen, tapos na ako sa
school kanina" nakangiti ko namang sagot sa kanya. "Okay" agad namang umalis ang aking kapatid at isinara ang aking pinto. Good at dahil sinara niya. Agad naman ako tumakbo pabaliksa aking kama at humiga na yakap yakap ang aking phone...

ding!

"you know... friendly date :)" reply ni Seul. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Sobrang pula ko na siguro. "sure why not?" reply ko pabalik kay Seul... Shyet this is it na ba? Chour... "okay gonna wait for you sa gym... see yah" OHSHT OHSHT IS THIS REAL??? HINDI BA AKO NANANAGINIP??? INAAYA TALAGA AKO NI SEUL??? nagpagulong gulong ako ngayon sa aking kama dahil sa sobrang kilig. I can't believe that Seulgi is asking me out. Dahil sa sobrang saya ko nahalikan ko ang aking phone at napakaagang natulog. Tomorrow's gonna be a good day for me.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Seulgi's POV

"Sure why not" napatalon naman ako sa saya nung nabasa ang reply ni Irene sa alok ko. Sa sobrang focus ko sa pakikipag text kay Irene, hindi ko namalayan na may kumakatok na pala sa aking pinto.

"Ma'am Seulgi kakain na daw po sabi ni Madam Sol" rinig kong boses ng aming katulong mula sa labas ng aking kwarto. "Opo manang, bababa na po ako." lumabas naman ako ng aking kwarto at bumaba na.
Pagdating ko sa dining area, agad ako sinalubong ni mom ng isang ngiti. "What took you so long? Halika na umupo kana at kumain. Manang pakikuha nga ng plato itong si Seulgi." Sabi ni mommy sa aming katulong.

"Mom it's okay... busog na po ako" agad namang napakunot ang noo ni mommy dahil sa narinig niya. "Saan ka kumain? Sino kasama mo?" sunod sunod namang tanong ni mommy. "Sa cafe ng school po. Kaibigan ko po yung kasama ko mom" kinakabahan kong sagot sa kanya dahil napakaseryoso na ng kanyang mukha ngayon. Yung napakatamis niyang ngiti kanina ay biglang naglaho. "Just make sure Seulgi Kang na kaibigan mo lang yun. Remember, may kasunduan tayo. Bawal ang pakikipagrelasyon hanggang sa makapagtapos ka at kami ng daddy mo ang pipili kung sino ang para sayo." Here we go again. Ito ang ayaw ko sa lahat. Mahal ko sila mommy at daddy pero yung pati buhay ko pinakekealaman nila... I really hate it. "Understood?" tanong ni mommy sa akin. "Yes mom" napabuntong hininga naman ako at bumalik na sa aking kwarto. Mabuti nalang at nandyan si Wendy at sinusuportahan ako... No matter What it takes, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko kay Irene.

~to be continued~

If Eyes Could Speak | SeulRene Tagalog FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon