1 week later...
Seulgi's POV
Business math ang subject namin ngayon, nakikinig ako sa aming guro nang biglang may malakas na kalabig akong narinig. Agad napalingon ang aming teacher at napatingin kung saan kami nakapwesto ni Joohyun.
"Ehem... Ms. Bae? Ayos ka lang ba?" Tanong ng guro namin kay Hyun. Hindi niya pala namalayan na nakatulog na siya at naumpog ang kanyang ulo sa desk. Buti nalang talaga at hindi stricta ang aming teacher ngayon.
"Okay lang po ako ma'am. Sorry po nakatulog ako" Sabi ni Hyunnie habang kamot kamot ang kanyang noo na namumula na. Napatawa ako ng mahina dahil sa hitsura niya ngayon. Ano kaya ang pinag gagawa nito at bakit napuyat siya kagabi?
"Bub are you okay? Namumula ang noo mo oh. Ang lakas ng pagkaumpog mo sa desk. Ano ba ginawa mo kagabi at bakit puyat ka?" Sunod sunod kong tanong sa kanya habang hinihimas ko ang kanyang namumulang noo. Kawawang bub :<
"Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil umuwing lasing si papa tapos ayun, nagbabangayan sila ni mama." Sabi ni Hyun habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.
"Bub, just sleep. Okay lang kay ma'am matulog sa klase niya. Ako na bahala sa lessons tuturuan na lang kita okay? Rest ka muna bub." Sabi ko sa kanya. Buti nga okay lang kay ma'am na matulog sa kanyang klase basta ikaw na bahala sa sarili mo mag catch up sa lessons.
"Thanks bub, I owe you one" Sabi ni Joohyun at natulog ulit. Pinaglalaruan ko ang buhok niya ngayon para mas mabilis siyang makatulog. Gusto niya kasing may naglalaro sa kanyang buhok dahil mas aantukin siya at syempre mas makatutulog siya ng mabilis.
Whole day natulog si Hyunnie sa klase. Pagod na pagod talaga siya. Sinabihan ko nalang yung mga prof. namin na she is not feeling well pero ayaw niyang magpadala sa clinic. Buti na lang talaga at hindi mga terror yung mga teachers sa subjects namin ngayong araw. Sinabihan ako ng prof. na as her seatmate, ako ang magreremind sa kanya na she should catch up sa mga lessons dahil may quizzes kami next meeting. I cannot let my bub have a hard time to catch up sa mga lessons kaya nakinig talaga ako ng mabuti at nag sulat ng mga notes para ibigay ko sa kanya mamaya. At syempre tuturuan ko rin siya noh. Mahirap kaya mag self study :3
Last subject na namin ngayon pero tulog parin si Joohyun. Hindi ko muna siya ginising dahil maaga pa naman rin. Maaga kasi natapos ang aming klase at nagbibigay na lang ng announcement yung teacher namin. Adviser kasi namin yung last subject teacher namin.
"Guys, listen. Tomorrow, there will be no classes kasi may meeting ang lahat ng faculty bukas. So make sure to do all your task and study for the next meeting okay? You are now dismissed." Sabi ng teacher namin. Dahil sa announcement ng guro namin, nagsisigawan ang lahat ng mga kaklase namin dahil sa tuwa. Nagising si Hyunnie dahil sa ingay ng mga kaklase namin.
"Bub... What happened? Bakit ang ingay? Dismissal na ba?" Tanong niya habang isinuot niya ang kanyang salamin at nagsuklay. "Yes bub dismissal na and bukas wala tayong klase. Meet tayo bukas sa Coffee and Tea bub ^^ We will catch up for the lessons you missed today may quizzes kasi next meeting. Sabi ko at inayos ang pagkalagay ng kanyang eyeglasses. Umuwi na lahat ng kaklase namin kaya okay lang na maging affectionate ako kay Hyunnie. No one in our class knows na kami na ni Hyun. Only her friends Yerim and Joy ang nakakaalam. Pati na rin si Seungwan.
Pagkatapos ilagay ni Hyun ang kanyang mga gamit sa aming shared locker, (Yes we share the same locker para makatipid rin noh) at magayos sa kanyang sarili, lumabas na kami ng school at sabay umuwi. Pero hindi ko siya dineretso sa kanilang bahay. I drove her towards the nearest park sa aming school kung saan makikita mo ang tabing dagat.
"Seul, saan tayo? hindi pa tayo uuwi?" nagtatakang tanong ni Hyun. Sabi ko kasi sa kanya na ihahatid ko siya sa kanila, little did she know na may maliit akong sorpresa na nakahanda para sa kanya. Imbes na sagutin ko ang kanyang tanong, I held her hand at lumabas na kami ng kotse. Dinala ko siya sa may tabing dagat at umupo sa isa sa mga upuan duon. The view was very nice at night. Perfect para sa munting surprise ko.
BINABASA MO ANG
If Eyes Could Speak | SeulRene Tagalog FanFiction
FanfictionIt starts where two students meet at their school. Both Irene and Seulgi's relationship had gone through secret dates for Seulgi is forbidden to be in a relationship. Would they choose what their hearts are beating or choose what their eyes are spea...