Joohyun's POV
Nandito kami ngayon nila Yerim at Joy sa cafe kumakain... Sana hindi matutuloy pe namin mamaya para mas mapaaga kami ng labas... Pleaseeeee
Habang tinetext ko si Seul tungkol sa tuloy na pe sched namin mamaya, panay sundot ng sundot naman si Yerim sa aking tagiliran. Ikwinento ko kasi sa kanila yung about sa invitation ni Seul. Kahit ilang beses ko nang sinasabihan si Yerim na tumigil, ayaw niya parin at panay ngisi pa ang isang to. Isa ka nalang talaga sa akin Yerim at kakaladkarin na kita sa labas ngayon.
Nung inangat ko ang aking ulo, nakita ko naman ang nakakalokong mukha ni Joy. May isa pa pala dito sa aking harap. mukhang asong nakangiti sa akin.
"Ano? matapos niyo akong pagtulungan sa chat? Ansaya rin eh no" nakoo talaga kung hindi ko lang ito sila kaibigan kanina ko pa to sila ipinatapon sa kabilang dako ng mundo.
"Ingat kayo ng bebeluvs mo ha" sabi ni Joy habang nakangisi. Nag apir naman silang dalawa ni Yerim at tumawa. Bumuntong hiniga nalang ako dahil sa sobrang panunukso nitong dalawa.
"Tara na nga bumalik na tayo at baka malate pa tayo." tumayo ako sa aking kinauupuan at kinaladkad ang dalawa dahil sa wala pa silang balak bumalik. Ayoko nang malate ulit noh never... once is enough na.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
"1, 2, 3, and 1, 2, 3 taktaktak"
PE time na namin at eto kami nagpapractice para sa performance task namin. Kala ko naman at maglelesson si sir yun pala hindi. Sana nag cutting na lang ako.
Nasa gym kami ngayon nag eensayo. Saan kaya si Seul? Sabi niya kasi dito daw siya sa gym magaantay. Yun panaman ang ayaw ko, ang pahintayin ang isang tao.
Habang nagmumuni muni ako, biglang sumigaw ang aming teacher. "Okay class that's enough. You can change your shirt now and go home" pagkasabi ng pagkasabi ni sir nun, agad akong tumakbo pabalik ng classroom at kinuha lahat ng gamit ko.
namamadali akong pumunta sa cr at nag ayos ng aking sarili. Nagbihis narin ako ng shirt dahil pawis na pawis ako. Ayaw ko naman mangamoy pawis eh ano.
Pagkatapos kong magbihis agad akong nag text kay Seul at tumakbo kung saan siya naghihintay.
Nung nahagip na ng aking mga mata ang kinaroroonan ni Seul, agad kong inayaos ang aking magulo nang buhok at tinawag siya.
"Seul sorry talaga at pinag antay pa kita" hingal na hingal kong sabi sa kanya. sorry talagaaaa shems.
"okay lang :) ang cute mo kaya kanina habang sumasayaw. atleast hindi ako nabored" Laking ngiting sabi ni Seul.
SAAN BA SIYA NAKAUPO KANINA AT BAKIT NAKITA NIYA PA NAKAKAHIYAAA ㅠ.ㅠ namula ang aking mga pisngi sa kanyang sinabi. Hyun... inhale exhale...
"So ano? Let's go?" sabi ni Seul.
"tara na sorry talaga" nakangiti ko namang sabi sa kanya. Agad namang tumayo si Seul at naglakad na palabas ng school.
Sinundan ko lang kung saan papunta si Seul at laking gulat ko nung tumigil siya sa isang napakagarang sasakyan. "Tara sakay na. Wag kang mag alala hindi ako risky driver :)" sabi ni Seul habang tinapltapiktapik ang bubong ng kanyang sasakyan.
Agad naman akong umupo sa passenger seat at pumwesto narin si Seul sa driver's seat. Sa sobra kong pakatulala, mistulang hindi ko na alam kung paano magsuot ng seatbelt. Kaya, si Seul na mismo ang nag suot nito saakin.
SHET ANG LAPIT NG MUKHA NIYA SA AKIN.
"Okay na? let's go" sabi ni Seul habang tumatawa. Namumula nanaman ba ako???
Seul started the engine at umalis na kami sa school.
dugdug dugdug.
Buong biyahe akong nakatingin kay Seul habang focus na focus siya sa pag dadrive. First time that I went out with her.. This night would be an unforgettable one.

BINABASA MO ANG
If Eyes Could Speak | SeulRene Tagalog FanFiction
FanficIt starts where two students meet at their school. Both Irene and Seulgi's relationship had gone through secret dates for Seulgi is forbidden to be in a relationship. Would they choose what their hearts are beating or choose what their eyes are spea...