Joohyun's POV
KRIIINGGGGGG
"Okay class, dismiss... Don't forget about your assignments tomorrow or else you will get 0"
Agad kong inilagay sa aking bag ang aking mga gamit at inunahang lumabas ang aming prof. Sana makita ko si Seul
ngayon... Gusto kong makipagkwentuhan, makasabay siyang umuwi. Habang naglalakad ako sa napakahabang pasilyo ng aming paaralan, hindi maalis sa aking isip ang napakatamis na ngiti ni Seul. Papunta ako ngayon sa gym dahil mayroon kaming meeting sa Science club para sa program namin bukas.Nung malapit na ako sa gym, nakasalubong ko ang aking mga matalik pero dimunyung mga kaibigan. "Huy anong ningiti-ngitian mo diyan? Mukha kang tanga." Kinurot ko naman ang tagiliran ni Joy dahil sa kanyang tanong.
"Si Seulgi ba yan... Ang laki kasi ng ngiti." Isa pa 'tong si Yeri. Lord bakit ko ba sila naging kaibigan?? BAKETTTT!!! Agad ko naman silang hinampas ng sabay. "WOW HA YAN AGAD PAMBUNGAD NIYO? THANK YOU HA" Sarkastikong tugon ko sa kanilang dalawa. Inirapan ko na lang silang dalawa at nilampasan. "ITO NAMAN DI MABIRO" Sigaw ni Joy habang hinahabol ako. Agad naman akong humarap sa kanilang dalawa ni Yerim at tumawa. Hay nako kahit ganyan kayong dalawa, mahal ko kayo (bilang kaibigan.. may iba kasi akong mahal yieutt)."I FREAKING MISS YOU GUYSSS" sabi ko habang nakayakap sa kanilang dalawa. Sa isang linggo namin dito sa school, ngayon lang ulit kami nagkita sa personal dahil ang busy na namin kaagad. "Uy Hyun, alam mo ba na may nagustuhan agad itong si Joy sa klase namin?" Pambubuking ni Yeri kay Joy. Agad namang tinakpan ni Joy ang bunganga ni Yeri. Napahalakhak
na lang ako sa dalawang to ngayon. Oo nga pala, magkaiba kami ng section kasi iba kami ng strand. ABM ako samantalang STEM naman itong dalawa. Siya nga pala... hindi natuloy yung aming meeting dahil marami ang hindi makakapunta.Habang nagkwekwentuhan kami nila Joy at Yeri, nakita ko mula sa malayo si Seulgi. Napakaseryoso ng kanyang mukha habang
nakatingin sa kaniyang phone. "Yerms, Yoj, mauna na ako ha... text text nalang mamaya" Pagpapaalam ko kela Joy at Yerim.Agad naman silang nagkatinginan dalawa at napangiti ng kaloko. Ano kaya iniisip nitong dalawa? "Sige Hyun mag ingat ka. Puntahan mo na baka maunahan ka pa" nakangising sabi ni Yeri habang tumatawa si Joy sa kanyang tabi. Nakuu talaga mamaya na kayo sa akin.
Agad akong pumunta sa cr kung saan malapit nakaupo si Seul. Pumasok ako at nagtago muna ng ilang sandali. Sinisilip ko lang si Seul mula
sa loob para hindi niya ako mapansin. Nung paalis na si Seul, agad kong lumabas sa cr at sinundan siya. Mukhang hindi niya pa yata ako
napapansin. Tumakbo ako patungo sa direksyon niya at ginulat siya."AY BAKLANG PALAKA" gulat na napasigaw si Seulgi. Agad naman akong napatawa ng napakalakas sa kanyang itsura ngayon. "Ano ba Hyun...
lakas maka gulat ehhh" Angal niya habang hinihimas ang kanyang dibdib.. Oh my mukhang napsobra yata ako.. "I'm sorry Seul" sabi ko habang nakapout. Sana tumalab ang pagpagcute ko. "Ayos lang basta sa sunod ha wag mo nang uulitin" nakangiting sabi ni Seul at niyakap ako.OH MY GOSH HER SMELL IS SOOOOO... maka <3 "Siya nga pala... may pupuntahan ka ngayon?" tanong ko kay Seul at bumitaw na sa kanyang mga bisig.
"Wala naman.. Bakit?" Tanong ni Seul pabalik sa akin. Agad naman akong napakamot sa aking ulo.. Sheez anong isasagot ko... Hindi ako ngayon mapakali sa aking ikinatatayuan dahil hindi ko alam kung ano ang ipapalusot ko. "Gusto mo bang kumain tayo kahit sa caf lang? Kung ayos lang sayo? Hindi pa kasi ako kumakain" Tanong ni Seul kung kaya ay napaharap ako sa kanya dahil sa bigla.
dugdug dugdug
Is this even real? She's asking me to eat with her... "Ano g ka? Libre ko" tanong ni Seul kaya nabalik ako sa aking ulirat. "Ah eh sigesige.. pero wag mo na akong librehin. nakakahiya" Mamulamula kong sabi kay Seul. BAKIT KA BA NAHIHIYA HYUN HAHAHHA sht.... "Sus nahiya pa... tara na gutom na ako" tawang tawa na sabi ni Seul at inakbayan ako... Hindi bumitiw si Seulgi sa kanyang pagkakaakbay sa akin habang papunta kami sa cafeteria.
Nang makarating na kami sa cafeteria agad siyang naghanap ng mauupuan at pinaupo ako ng una. Ange sweet shuta. "Anong gusto mo kainin? Ako na ang bibili upo ka lang dito" Sabi ni Seulgi. "Nako wag na Seul ako na ang bibili." Agad kong pagtatangi sa kanya. Nakakahiya na kaya... "Wag na, ako na" nakangiting sabi ni Seul. "Kahit ano lang" sabi ko sa kanya.. Ohmy nakakahiya talaga :3 "Okay ako na pipili para sayo ha" sabi ni Seul. Agad namang umalis si Seul at pumunta sa may cashier. Napatulala nalang akong tumitig sa kanya habang namimili siya ng aming makakain. Nung pabalik na si Seul, agad naman akong umayos ng upo. "Salamat talaga masyado Seul. Babawi talaga ako sayo." Sabi ko sa kanya habang nilalatag niya ang mga pagkain kanyang binili sa mesa. "Aasahan ko yan haaa :3" Sabi niya habang ipinapakita ang kanyang eye smile. GHAD WHY IS SHE SO CUTE! Agad namang nagsimulang kumain si Seul at sinimulan ko na rin ang pag kain ko.
Seulgi's POV
Habang kumakain kami ni Irene, hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Kahit kumakain ang ganda niya parin. Napansin ko na may sauce sa kanyang may bandang labi.
"Rene, may sauce sa labi mo" sabi ko sa kanya habang tinuturo ito. Sinubukan naman ni Irene na pahiran ito ngunit hindi niya makuhang-kuha kung nasaan ito. Kaya ako na mismo ang nag tanggal nito.
dugdug dugdug
Bigla akong napatulala nung nahawakan ko ang kanyang mga labi. Nagulat rin si Irene sa aking ginawa. Dali dali naman akong umupo pabalik at napainom ng tubig dahil sa sobrang kaba.
"Sorry" yun na lang ang nasabi ko. Agad namang napangiti si Irene sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik at nagkatitigan kami... How I wish you could be mine right now
dugdug dugdug
~to be continued~

BINABASA MO ANG
If Eyes Could Speak | SeulRene Tagalog FanFiction
FanficIt starts where two students meet at their school. Both Irene and Seulgi's relationship had gone through secret dates for Seulgi is forbidden to be in a relationship. Would they choose what their hearts are beating or choose what their eyes are spea...