Joohyun's POV
"Maa'am, saan po mahahanap yung mga Senior High School books po?" Tanong ko sa isang staff dito sa library.
Sa laki panaman ng library, aabutin yata ako ng siyam-siyam kung iisa-isahin ko pa ang paghanap."Duon sa ikalawang palapag, nanduon lahat ang mga libro para Senior High School iha." Sagot ng staff saakin.
"Salamat po ma'am!" Sagot ko sabay ng isang napakalaking ngiti.Habang paakyaat na ako sa hagdan, napansin ko na may parang sumusunod saakin. Nako Hyun baka may kukunin lang sa itaas
wag masyadong feeler ha. Nung nakarating ako sa 2nd floor, hinanap ko kagaagad yung librong kailangan ko. Nung nakita
ko na ito, agad akong naghanap ng pwesto kung saan wala masyadong tao. Umupo ako at isinuot ang aking earphones at nagsimulang magbasa.Seulgi's POV
Mula sa di kalayuan ay natanaw ko si Irene na seryosong nagbabasa habang nakikinig ng musika. Mala-anghel ang kanyang itsura.
Napakaamo ng kanyang mukha. Kumuha rin ako ng isang napakalaking libro at umupo sa isang mesa na ilang metro ang layo mula sa kanya.
Nagkukunwari akong magbasa at pasimpleng sumusulyap sa kanyang napakaamong mukha. "Ang ganda niya..." Yan ang nasa isip ko...
Tinitigan ko lang siya ng tinitigan hanggang sa hindi ko namamalayan na napatulala na ako sa kanyang kagandahan. Sa aking pagkatulala,
hindi ko namalayan na nakatingin na pala si Irene sa akin. Tumigil ang aking mundo sa sandaling kami ay nagkatinginan. Nang napagtantuan ko
na kami ay nagkatitigan na, agad akong umiwas ng tingin at nagtago sa likod ng aking kinuha na libro. Nagkunwari akong magbasa.Ang pula na ng aking mukha. AWWKKKWAARRDD... Pero ang cute niya :3. Muli akong sumilip sa kanya at laking gulat ko nung makkta siyang nakangiti
habang nakatingin sa akin. MAMAAAAAAAA BAKIT BAAA?? I'M SO BLESSED!Dahil sa sobrang hiya at ang pula ko na, dali dali kong tinago ang aking mukha sa likod ng libro. Agad akong tumayo at dahil sa pagmamadali ko
hindi ko napansin na may mesa pa pala sa aking harapan.BOOGGSHHH!!!!
Dahil katangahan ko... nabangga ako. HAY NAKO KANG SEULGI GUMAWA KA PA TALAGA NG INGAY SA LOOB NG LIBRARY. Narinig ko ang mahinang tawa ni Irene.
Kahit napakasakit ng aking tuhod, agad kong binilisan ang aking lakad paalis sa lugar na iyon. NAKAKAHIYA KA SEUL!Joohyun's POV
Habang tahimik akong nagbabasa, naramdaman ko na may umupo sa kaharap kong mesa. Ilang minuto pa sa pagbabasa, napansin kong may nakatitig na
sa akin kaya tiningnan ko rin siya pabalik. Nung napagtantuan ko na si Seulgi pala yun, bigla akong napatulala at namula.dugdug dugdug
Ilang segundo rin kaming nagkatitigan hanggang sa una siyang umiwas ng tingin at hindi mapakaling nagtago sa likod ng kanyang hinahawakan na libro.
Napangiti ako sa aking nasisilayan ngayon. Ang cute niya kapag natataranta... Ang sarap iuwi >3< Tinitingnan ko nalang siya ngayon. Tila walang ibang tao
dito sa loob ng library kundi kaming dalawa lamang. Nung napansin kong itinaas niya muli ang kanyang ulo, at sa pangalawang pagkakataon nagtama ang aming mga mata.Binigyan ko siya nang isang napakatamis na ngiti ngunit bigla nanaman siyang nagtago at napatayo. Sa pagmamadali niya, nabangga siya sa isang mesa.
Napatawa ako ng mahina dahil ang cute niya talaga. Dahil sa sobra niyang kahihiyan, bigla niyang binilisan ang kanyang paglakad. Agad naman akong tumayo at sinundan
siya. Para siyang isang maliit na oso na naglalakad. SARAP NIYANG PISILIN NAKAKAGIGIL.Nang makalapit na ako sa kanya, agad ko siyang tinawag. "Seul!" Mahina kong sigaw dahil na sa loob pa kami ng library. Agad naman siyang napaharap sa akin.
Kitang kita sa kanyang pagmumukha ang pamumula. SARAP TALAGANG IUWI EHHH ANG CUTE :3"Ah... eh... sorry pala kung tinitingnan kita kanina. Nahuli mo pa ako at tila naiilang ka na." Kamot ulong sabi ni Seulgi sa akin. "Ayos lang yun! Nakakatawa
ka kayang tingnan." Sagot ko sa kanya. Hyun try to make the atmosphere less awkward please. "Ahhhmmm sorry talaga masyado hehehehhe" Nahihiyang sagot ni Seulgi sa akin.
"Nako wag ka nang mahiya :)" Sa bi ko para medyo gumaan naman yung tension sa aming pagitan. HUUUUU HYUN LET'S GO! LET'S BE BOLD! TANUNGIN MO NA!Biglang sumeryoso ang aking mukha at tinitigan ng masinsinan ang taong na sa harap ko ngayon... Ang taong matagal ko nang hinahanap. Nagtataka naman ang mukha ni Seulgi
ngayon. Kung bakit bigla akong sumeryoso. GUSTO KO NA TALAGANG TUMAWA DAHIL ANG CUTE NIYA! SARAP PICTURAN! Ilang segundo pa ay bigla kong hinawakan ang kamay ni Seulgi at
tinanong. "Uhhmm... I bet you can still remember me right? First day of classes, si ate gurl na nalate. Uhmm Seul, can we be friends?" Tanong ko habang nakatingin sa baba.
Hindi ko magawang tingnan si Seulgi sa mata dahil sa sobrang pamumula ko na. Sana, sana um-oo na siya. Sana maging kaibigan ko na siya. Sana... Taimtim akong nagdadasal
habang hinihintay ang kanyang kasagutan sa aking katanungan... Sana...~to be continued~

BINABASA MO ANG
If Eyes Could Speak | SeulRene Tagalog FanFiction
FanfictionIt starts where two students meet at their school. Both Irene and Seulgi's relationship had gone through secret dates for Seulgi is forbidden to be in a relationship. Would they choose what their hearts are beating or choose what their eyes are spea...