Sakay ng isang tricycle natatanaw kona ang sentrong pamilihan dito sa aming probinsiya. Bubungad ang lumang arko na gawa sa kawayan 'Welcome to piñang market' Kahit maaga pa madami dami nadin ang mga taong namimili siguro katulad ko ay iniiwasan nila ang masiyadong siksikan. Tumabi ako sa gilid ng daan at inilabas ang listahan ng mga bibilihin ko. Hinanap ko ang puwesto ni aling tesa na nagtitinda ng gulay.
Nakilala ko siya noong minsan ay bumili siya ng isda sakin sa tapat ng aking bahay at nalaman ko din na may puwesto siya dito sa palengke isa pala siyang tindera ng gulay at simula noon naging suki ko siya at ganon din niya ako.
Nang nakita ko ang pwesto ni aling tesa ay agad akong ngumiti kahit nakatalikod pa siya sakin at inaayos ang ilan niya pang paninda "magandang umaga magkano po ang gulay?"
Itinuon naman ni aling tesa ang pansin paharap ng marinig niya na may bibili kaagad na lumawak ang ngiti niya ng makita niya na ako " Ano bang gulay ang gusto m-Oh lina! ikaw pala yan halika ineng tamang tama at madami akong tindang gulay ngayon. Naku! dumadami ang nabebenta ko tuwing bumibili ka sakin! Sadyang magaan ang kamay mong bata ka kaya swertihin sa negosyo"
Ngumiti ako lalo ng marinig ko ang sinabi ni aling tesa lagi niyang sinasabi yan tuwing bumibili ako sakanya. Hindi naman marihap mamili dahil laging sariwa ang mga tindang gulay ni aling Tesa at doon siya nakilala kaya madami dami ang kaniyang suki.
Habang tinutulungan niya akong ilagay sa plastic ang mga gulay na pinamili ko ay kinukuwento niya sakin ang anak niyang si arnold.
"Alam mo ba Lina yang anak kong si Arnold naku ikaw bukang bibig mula umaga hanggang pagsapit ng gabi ni hindi na tumigil kakatalak sa bahay dinaig pa tandang ni mang pasor kung mang gising sa umaga. Ang sabi ko sakanya hindi mo siya magugustuhan kung hindi siya mag sisipag aba! Kahit anak ko siya ayaw ko siya para saiyo! Alam ko yang anak ko mula sa bunbunan hanggang singit mahihirapan ka sakanya! Kaya Lina wag kang maglalapit don ha ako na nagsasabi sayo!" natatawa ako habang umiiling yan ang isa sa gusto ko kay aling Tesa hindi siya ang klase ng ina na ipipilit ang anak niya sa taong gusto nito. Halata naman kung pano niya banggitin kung anong klaseng tao si arnold nararamdaman ko na itinuturing niya talaga akong tunay na anak.
"Huwag po kayong mag alala wala pa po akong balak magkaroon ng boyfriend" kinuha kona ang plastic atsaka nag abot ng bayad "dapat lang lina! Aba ipagdadasal ko sa belen namin sa bahay na di mo makatuluyan ang anak ko! Baka ako pa mismo ang magtanong kung desidido kang gusto mo ang anak ko at pede pa umatras! aba Pag uwi ko magdadasal agad ako!" Ang dalawang kamay ni aling Tesa ay nasa kanyang baywang habang bakas sa kaniyang mukha ang disgusto sa anak paminsan minsan panga ay mapapairap pa siya sa hangin habang nag kukuwento.
"Aba Tesa talagang hindi bagay ang anak mo kay Lina aba't napaka gandang dalaga nito! Pede pangdayo sa kabilang bayan! Aba't pinaglihi moba sa butiki ang anak mo't lapit ng lapi't kay lina!" Sabay kaming lumingon ni aling Tesa sa puwesto ni aling Ninay na abala din sa pagaayos ng tindabg laruan. Narinig pala nito ang pinag-uusapan namin. Sino ba naman hindi makakaalam e halos isigaw na ni aling Tesa ang sinasabi. "Aba't diko pinaglihi sa butiki ang anak ko Ninay! Sa pugita ko siya pinag lihi hindi naman kataka-taka na habulin si Lina sa ating lugar! Aba't mukha nga siyang maylahi! Tama si aling Tesa hindi maipagkakaila na hindi ako purong pilipino. Angat na angat ang aking morenang kutis, mahahabang pilik mata, matangos na ilong at mapupungay na mga mata kumpara din sa mga tao dito sa aming bayan imbis na dark brown ang kulay ng aking mga mata ay light brown ang kulay ng akin mas gumaganda din ito kung nasisinagan ng araw dahil tumitingkad ang kulay nito.
Nang matapos akong mamalengke ay pumara ako ng tricycle at saktong si mang pasor ang driver kaya hindi kona kailangan ibigay ang direksiyon dahil magka-kilala naman na kami. Siya ang kapit bahay nila aling Tesa na ikinuwento niya na may alagang tandang.
Pagkatapos kong bumaba at mag bayad ay diretso akong naglakad naabutan kong nag lalabas na ng panindang halo halo si aling mercy I just smiled in return when she smiled at me.
Pumasok ako sa inaakupahan kong bahay at inilagay ang pinamili sa lamesa pagod akong bumalik sa kuwarto para magbihis pagkatapos ay humiga dahil sa pagod at medyo masakit ang braso ko sa kakabitbit ng pinamili dapat ay magluluto nako dahil malapit na mananghalian pero nanatili akong nakahiga at nakatitig sa bubong ng bahay ko. I don't know why pero lagi nalang akong ganito laging natutulala at iniisip kung ano ba talaga meron sa buhay ko. I know its a clitche kind of story na may amnesia and found yourself in an unknown place na tila parang kuwento sa mga libro pero here I am a living proof. 'yeah its really crazy not to know your ownself nakakaloka talaga sa totoo lang'.
YOU ARE READING
Play Blue
RomanceLooking intensely at the ocean and waiting for it to meet the sun, I closed my eyes and embraced myself when I feel the sea breeze touch my skin. Hindi ko alam, hindi ko maalala but I just found myself here watching the same scenery everyday. When t...