five

2 0 0
                                    

"Marie tulad ng sagot ko sayo noon ayoko hindi ako bagay sa trabahong iyan ok na saking magtinda sa tirik na araw at mamaos kakasigaw ok nako sa trabahong iyon kaya tatanggihan kita ulit pasensiya na"tumingin ako sakanya hindi naman siya galit na hindi ako pumayag at tulad ng ginagawa niya dati ngingiti lang siya at iiling "haynako lina hindi ka mabubuhay at aangat kung hindi ka susubok masasanay kadin naman e isa pa dilang naman matatanda ang nagpupunta doon maraming binatang maguwa-guwapo ang pumupunta doon dahil hindi basta bastang bar yon exclusive bar to be exact  malay mo makahanap ka ng nobyong mayaman! Edi sulit din pero hayaan mona mapapapayag din kita!"

Kumindat lang si marie bago tumalikod at umalis bilib din ako sa babaeng iyon tulad ko ay bago din si marie sa lugar na ito mas nauna lang daw ito ng ilang mga taon nalaman ko din na kaya siya napasok sa ganong trabaho dahil sa kanyang kapatid na pinapaaral oo isa siyang parausan pero hindi niya pinasok ang trabahong iyon dahil malandi siya kundi dahil gaya ng sinabi niya yon ang pinaka madaling paraan para kumita nang pera ang magbenta ng sariling katawan.

Malungkot akong napangiti ng sinarado kong muli ang aking pintuan ganito kahirap ang buhay kahit anong pilit mong umahon may pagkakataon na isasampal sayo ang katotohanan masakit oo pero totoo. Dahil tanghali pa naman at wala nakong gagawin naisipan kong libutin ang dalampasigan nakita ko ang ilang anak ng mangingisda na naglalaro ng lambat ang iba naman ay nangunguha ng shells para gawing kuwintas at bracelet ang ibang mangingisda naman ay inaasikaso ang kanilang bangka upang pumunta ulit sa gitna ng karagatan at manghuli ng isda. Ngumiti ako at nakipag usap sa mga kilala kong mangingisda na pinagkukuhanan ko ng paninda sinabi nila na masagana ang huli ngayon kaya siguradong madami akong mabibili sa kanila kinamusta din nila ako dahil nabalitaan nila ang nangyari sakin kanina. Pagkatapos kong magpasalamat ay umalis na ako upang maglibot, lakad lang ako ng lakad habang ine-enjoy ang bughaw na kalangitan at ganon din ang karagatan.

Hindi ko namalayan na malapit nako sa kakahuyan pinag masdan ko ang matayog na itim na bakod at tinanaw ko kung hanggang saan ito pero mukhang malawak nga dahil di ko parin makita ang dulo sumuko nako kaya itinuon ko nalang ang aking pasin sa dagat hindi kopa naranasan na maligo dito sa karagatan kaya napag desisyonan kong maligo.

Pumunta ako sa batuhan at napiling doon maligo tinanggal ko ang aking t-shirt at shorts iniwan ko ang bra at panty wala naman sa plano ko ang maligo kaya di ako naka bikini at isa pa wala akong ganon. Tumalon ako sa dagat at pinakiramdaman ang tubig hinayaan ko ang sarili kong lumutang at hinayaang igalaw ng karagatang tila hinehele ako para matulog. Sumisid din ako upang makita ang mga isdang lumalangoy sa ilalim ng tubig madami din akong nakitang corals at iba pang laman dagat namamanghang pinagmasdan ko ang yaman ng karagatan hindi ko talaga alam pero gustong gusto ko ng dagat mula sa mga hayop na nakatira dito hanggang sa mismo nitong tubig maging kung pano nito isalamin ang bughaw na kalangitan. Hindi ko namalayan na pagabi na pero di ako natakot nanatili parin akong lumalangoy at nang magsawa ay umupo ako sa batuhan hindi ininda ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat 'pano kaya kung umalis ako sa lugar na ito para hanapin kung may pamilya ako? Yeah right san ka naman pupunta lina? Magpasalamat ka nalang at may tinitirahan ka ngayon just be thankful to what you have right now'

Dahil sinabi ng subconscious kong be thankful at wag umalis edi wag umalis wala din naman akong titirahan atsaka kulang pa ang naipon kong pera sa pag aaral hindi ko man alam kung ilang taon nako at kailan ako pinanganak alam ko na pasado ang edad ko bilang first year college kaya nag iipon ako para makapag aral hindi kolang alam kung san ako kukuha ng credentials dahil wala naman akong papeles na dala dito. I took a deep breath bago nag bihis nasa gitna nako ng pagsuot ko ng aking shorts ng makarinig ako ng tawanan 'the fuck? Gabing gabi na may tao parin?'  Mabilis kong sinuot ang shorts ko at nagtago sa batuhan narinig ko ang tawanan na galing kakahuyan may kalapitan ito sakanila kaya rinig ko padin ang mga tawanan nila "e sa lakas ba naman ng mga boses neto pede makaka gising ng isang barangay" nakita kong dalawang babae at tatlong lalaki ang naroon ang dalawang lalake nakalingkis ang mga braso sa mga babae habang ang isang lalake naman ay nangunguna sa paglakad hinahayaan lang ang mga ito na mag ingay. Hinintay ko silang maka alis para makauwi nadin ako aba ayaw kongang matulog dito no! Nang masigurado kona na wala na sila nag lakad nadin ako pauwi tinanaw kopa kung san sila galing 'eh? May daanan pala jan sa kakahuyan?' Maglalakad na sana ako ng may nakitang isang bulto ng tao madilim na kaya di ko ito makita ang mukha nito tatakbo na sana ako ng bigla itong lumingon! 'Hala! Baka rapist to!'

Bigla itong naglakad papunta sa direksiyon ko kaya bigla akong napatalikod at tumakbo nakabalik ako sa pinagtataguan ko kanina ng may humawak sa pulsuhan ko 'deja vu!' Nakatalikod padin ako at mariin na nakapikit naka kuyom na ang isa kong kamay handa ng sumuntok. Pumihit ako paharap at susuntukin kona sana ito ng pinigilan niya ang kamao ko napatingin ako dito at natulala ng nakilala ko to "tangina ikaw nanaman?" Hindi ko alam ang gagawin ko napako ako sa kinatatayuan ko nanindig ang balahibo ko sa katawan at bumilis ang tibok ng puso ko 'the fuck lina!'

Nakatingin lang ito sakin parang sinusuri kung totoo ba ako hanggang nakita ko ang unti unting pagkasalubong ng kilay nito 'kahit galit guwapo padin san hustisiya!' Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nito sa pulsuhan ko pakiramdam ko balak niyang baliin ang kamay ko bat bato galit dahil ba sa sapatos niya?!

"The fuck are you doing here lady? I knew it there's someone behind these rocks when we go out" englishero ang loko gawang mayaman kaya pati ugali pang  mayaman pero bat ba ang higpit ng hawak nito? Nakakasakit na ha! "T-teka nasasaktan ako!" Bulyaw ko sakanya pero di niya binitawan ang kamay ko mas hinigpitan niya pa aba't gawang mayaman,ugaling mayaman, mayamang gago! pinilit kong hatakin ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan! Nasasaktan na talaga ako!

"a-aray ano ba, Bitaw! masakit sabi eh!"  sarkastiko siyang ngumiti bago mas hinigpitan ang hawak sakin at malakas akong sinandal sa bato! Putangina ang sakit.
Halos maiyak ako nang maramdaman kong nananakit ang likod ko sa pagtulak nito.

"so tell me what are you doing here huh? Stalking me again?" bawat pag bibintang niya sakin ay kasabay ng pagdiin nito sakin sa batuhan.

"t-teka wala akong ginagawang masama! Galing akong dagat! P-pauwi nako ng makita ko kayo k-kanina!" tinignan nito ang buhok ko at sinuri kung ito. Nang makita niyang basa ito ay yumuko ito bago dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko. Mabilis akong lumayo sakanya at hinawakan ang namumula kong pulsuhan.

"tell me what's your name" tinanong niya ko habang nakayuko

"l-lina" natatakot kong sagot

"lina?" natatawa niyang sambit sa pangalan ko. Tila hindi makapaniwala sa narinig.

"and your last name?" pagtatanong pa ulit nito. Hindi ko siya sinagot dahil wala naman akong maisasagot sakaniya.

"tell me" bigla itong tumingin sakin. Matinding takot ang naramdaman ko nang makita kung pano siya matalas na tumingin sakin. Umiling ako habang dahan dahang lumalayo sakaniya.

"I said tell me"


Play Blue Where stories live. Discover now