two

2 0 0
                                    

Pinilit kong bumangon at magluto, ako din naman kawawa kung di ako kakain tutal ako lang naman magisa nakatira dito 'i feel lonely chos'. Dahil mag isa akong nagluto malamang magisa din akong kakain.

Habang nag huhugas ng pinagkainan todo puri pako sa sarili ko dahil sa masarap na ulam ko pagkatapos kong makipag laban sa mantika. 'Aba mahirap kalaban ang mantika kailangan mo ng sandatang sandok at pananggang takip ng kawali'.

Dahil huwarang nanunuluyan ako sa munting bahay naito naisipan kong maglinis ng buong bahay maliit lang naman ito madaling linisin dahil sa simpleng istilo. Simpleng sala, simpleng kusina, simpleng banyo, simpleng kuwarto at dahil simple ang bahay kailangan simple din ang titira bonus na dahil humble pako wholesome pa medyo lumiko lang dahil wala akong maalala.

Pagkatapos kong malinis at makipag gera sa alikabok 'yeah right lina madaling linisin pala ha? Simpleng sinungaling kaito!' pawis na pawis akong tumungo sa banyo para maligo aba! nakakaloka nanga ang walang maalala mas nakakaloka kung di ako marunong maglinis ng katawan at bahay. Kumuha ako ng tubig sa timba gamit ang tabo at binuhos sa hubad kong katawan kumuha ako ng shampoo na Palmolive at sinabon ang mahaba kong buhok  natatawa pako habang ginaya ang commercial nito na napanood ko 'check sa palmolive check ang hair ko!'  dahil di nako nagabala na mag-init ng tubig binilisan ko ang pagligo para di masiyadong lamigin at nag balot ng tuwalya para magbihis. Habang nagbihis inalala ko kung pano ako napunta sa lugar na ito.

Flashback

'Ilang buwan nako nakatira dito noong una nangangapa pako hindi ko alam kung saan ako galing at saan ako pupunta tulad nga ng sinabi ko i just found myself here in an unknown place dito mismo sa bahay na ito i don't know how pero sabi lang ng nagpapaupa sa bahay bayad na ang renta nito ng ilang taon at sinabi niya saakin na ang pangalan ko ay lina tinanong ko kung pano ako napunta dito pero sinabi niya hindi niya alam may nag iwan lang sakanya ng sulat tungkol sa pagpapatira sakin pati narin ang advance payment. Gulong gulo ako sa unang mga linggo ko dito araw araw akong umiiyak pero sa tuwing makikita ko ang dagat nawawala ang lungkot ko i practiced this mannerism na pupunta ako sa dalampasigan para manood ng paglubog ng araw my body naturally love the ocean baka taong shokoy ako at nawawalang prinsesa ng kaharian. Laking pasasalamat konadin sa taong nagiwan ng sulat at pera para sa bahay at gastusin ko at dahil sa unang produkto dito ay lamang dagat yun ang naging maliit na negosyo ko pagtitinda ng mga isda ito ang naging panustos ko sa pang araw araw marami nadin akong nakilala at naging kaibigan sa lugar nato may kaliitan din itong probinsiya kaya hindi naging problema sakin ang lugar'.

End

Pagkatapos kong magbihis ng simpleng white shirt at shorts lumabas ako para pumuntang dalampasigan at mag lakadlakad tinanggal ko ang tsinelas ko para laruin ang puting buhangin sa aking mga paa. Huminto ako saglit para magpahinga at tumanaw sa dagat malapit nanaman lumubog ang araw isang araw nanaman ang lumipas hindi ko maiwasan ang malungkot and then suddenly I laugh and smile a bitter one

Wala parin ako maalala akala koba kung may amnesia may katiting na fragments na maalala e bat ako wala? Dapat ba iuntog ko ang ulo ko para makaalala? Dapat ba magpasagasa ako tulad sa napapanood ko? Napakagat ako sa ibabang labi ko naiiyak nanaman ako iniwasan kong hindi tumulo ang kumakawalang luha pero di ko kaya mas lalong kinagat ko ang pang ibabang labi ko para hindi lumakas ang aking hikbi wala akong magagawa ngayon kundi ang magdasal so i did  "Dear God, please give me some of my memory.. I don't want to ask your plans about my life.. I dont want to question your decisions.. I just want to know myself.. I dont want to pretend that its easy.. Its hard.. Please keep me guidance please give me strength.. I will pray and pray and pray untill I can remember myself until I can finally free myself from this misery" hindi ko alam pero ng maramdaman ko ang pagihip ng hangin na bumalot sa buo kong katawan nakaramdam ako ng ginhawa like God deliver the wind to make me feel better telling me that I'm strong enough to face this problem and him silently cheering me from above.

Play Blue Where stories live. Discover now