Nagising ako ng maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko nag inat ako saglit bako tuluyang bumangon sa higaan tinupi ko ang aking kumot at binuksan ang bintana sa kuwarto upang pumasok ang sariwang hangin pagkatapos ay dumeretso ako sa banyo para magsipilyo. Naglakad naman ako papunta sa kusina para uminom ng tubig habang umiinom nadako ang aking tingin sa supot ng barbeque na nasa ibabaw ng aking lamesa at hindi pa nagagalaw dahil sa nangyari kagabi nawalan ako ng gana kumain at dumeretso nalang sa pagtulog. Tinapik ko ang aking pisngi para mawala ang alaalang iyon hindi dapat ako mag isip ng masama sa kapwa at lalo na maging praning!
Inayos ko ang aking panindang isda dahil magtitinda ako ngayon pumayag ang may ari ng bahay na magbenta ako sa tapat ng bahay namin ng humingi ako ng permiso. Dala dala ang aking paninda at isang upuan inayos ko ito sa tapat atsaka ako umupo para mag umpisang magtinda tamang tama at madami daming tao ang dumadaan sa tapat namin kaya naganahan akong magtawag ng bibili.
" Oh bili bili na kayo! mura lang sariwa galing dagat! O ikaw ale bili kana madami akong tinda ngayon! Sariwang sariwa pero mas sariwa ka!" Natawa naman ang ale na tinawag ko at lumapit sakin para bumili pupunta daw sana siya sa bayan para mamalengke pero dahil nakita niya ako dito na siya bumili.Tuloy tuloy lang ako sa pagtawag pero paminsan minsan ay hihinto ako para uminom ng tubig o mag pahinga medyo tirik na ang araw at pinagpapawisan na ako tiningnan ko ang aking paninda at napangiti ako ng nakita kong unti nalang 'ayos lina di ka padin kumukupas madami nanaman tayong pera'
Nang nakita kong medyo natutuyo na ang tubig ng mga isda kumuha ako ng tubig para basain ito ganon ang nakikita kong ginagawa sa bayan kaya ginaya ko dahil ayaw ko namang iwanan ang paninda ko ng matagal mabilisang kilos akong kumuha ng tubig sa loob ng bahay at lakad takbong lumabas. Dahil medyo sinapian ako ng katangahan sumabit ang aking kamay sa hamba ng pinto at nabuhos ang dala kong timba ng tubig sa labas 'ay ang talino mo naman lina!' Kukunin ko na sana ang pulang timba na bitbit ko kanina mula sa kalsada ng makarinig ako ng malutong na mura
" what the fuck!" mabilis akong tumingin sa gilid ko ng may makita akong lalaking naka suot ng shades at naka yuko naka tingin ito sa medyo basa niya nang sapatos. Napakagat ako sa ibabang labi at palihim na minura ang sarili dahil alam kona kung bakit basa ang sapatos niya kinuha ko kaagad ang pulang timba at dahan dahang lumapit sa binata nakayuko din ako at ayaw kong tingnan ang mata niya.
" ahm s-sorry! P-pasensiya na nagmamadali k-kase akong bumalik w-walang magbabantay sa mga paninda kong isda" nakapikit ako habang humihingi ako ng tawad sa lalaki todo yuko pako para ipahiwatig na di ko sinasadya aksidente ang lahat!
" Do you think I care to your fishes! Damn woman! kung hindi ka tatanga tanga at alam mong may dala kang mabigat hindi ka tatakbo! Look what you've done!" Dahil bago lang ako dito wala pang sumigaw sakin ng ganito tumingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin ang ilang kapitbahay samin na may makikitang awa sa mga mata. Sino ba naman ang hindi titingin e sumisigaw na siya kahit ayaw mo makinig maririnig mo padin.
Tumingin ako sakanya ng deretso para sabihing di ko talaga sinasadya nakita ko siyang natigilan at ang inis kanina ay napalitan ng matinding galit kita ang mata niya dahil sa suot nitong shades alam kong galit na galit siya dahil sa sobrang pangungunot ng noo nito halos magsalubong ang mga kilay ang hindi kolang alam bakit parang sobra siyang nainis ng nakita niya ang mukha ko. Hindi pako nagsasalita ng pinutol niya kaagad ang sasabihin ko "look I don't fucking care about your excuses ikaw ang may mali dito dahil dika nag iisip makitid ang utak mo! Bakit paba ako mag tataka knowing YOU walang kuwenta ang rason mo! Maski ikaw walang kuwenta and Actually I don't have time for this nonsense. I'm leaving thank you for wasting may time" tumalikod na ang lalaki at naglakad patungo sa nakaparadang sasakyan agad niya itong pinaharurot papalayo ng makapasok ito at nag iwan ng makapal na alikabok!
Uubo ubo ako habang pinipilit na alisin ang alikabok pagkatapos ay tumingin ako sa paligid dahil madami padin ang taong nandoon at naka tingin sakin ng nakakaawa sibon bang hindi maaawa sayo 'lina e tinapakan nanga pagkatao mo't sinabihan kana ng tanga nakatunganga ka padin jan!' ngumiti lang ako para sabihing ok lang at mabilis na pinuntahan ang puwesto ko mabuti nalang at walang pumuntang alikabok dito. Nang naubos na ang mga tinda kong mga isda nagligpit ako ng mga gamit at siniguradong hindi nako gagawa ng katangahan madaming lumapit sakin kanina para tanungin kung ok lang ako at ang iba naman para makichismis. Napabuntong hininga lang ako ng maalala ko ang eksena kanina nasaktan talaga ako sa sinabi ng lalaki kanina how can he judge me as a person by my mistake! And worst ngayon kolang naman siya nakilala! Maka salita akala mo buong pagkatao ko alam niya may pa you! You! Pa siyang nalalaman letse! at saka nagsorry naman na ako kanina!
Pumasok nako sa bahay para magluto ng tanghalian I really enjoyed cooking lalo kung mahirap iluto mas worth it kung nagawa mo ng tama atsaka hindi ka tatagal mag isa kung hindi mo kayang magluto pano ka mabubuhay? Hindi lang para sa pagaasawa ang pagluluto para din sa sarili mo ito hindi mona kailangan ng iba para mabuhay kaya mong tumayo gamit ang sarili mong paa 'ok? Lina anong pinaglalaban mo kaldero? E takot kanga sa mantika atsaka kung kanina ka lumaban edi mas okay!'
Umiiling ako at naghanda ng kumain nag luto ako ng pinakbet pero walang kalabasa I really hate that vegetable kaya di ko nilagyan nagliligpit ako ng pinagkainan ng may kumatok sa pintuan ko kumunot ang noo ko dahil hindi naman ako binibisita ng kahit na sino.
Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito lalong kumunot ang noo ko nang tumambad sakin si marie na parang laging kinapos sa damit naka sobrang iksing shorts at sando na sobrang nipis kita na ang suot nitong panloob kilala ito sa aming lugar bilang parausan nagtratrabaho ito sa isang bar dito sa probinsiya lagi niya akong kinukulit na sumama sa kanya at i-try ang ginagawa niyang trabaho sinabi niya saakin na hindi ko kailangang sumama sa customer nila pauwi basta maging waitress lang daw ako at makitable. Hindi ko naisip na gawin ang ganong klaseng trabaho kaya lagi akong tumatanggi kapag nag aalok si marie hanga't maaari iniiwasan kodin siyang makita kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito sa bahay ko. "Marie? May kailangan kaba?" Hawak ko padin ang doorknob habang kausap siya napatingin ako sa suot niyang damit 'hindi ba siya naiilang sa suot niya?'
Kaagad na ngumiti si marie sakin sa tingin niya palang alam kona kung anong pakay nito "hi lina dear! Aalukin sana ulit kita sa trabaho ko alam mona gaya ng sinabi ko sayo noon di mona kailangang sumama sa mga customer pauwi maki table kalang at ayain silang uminom kung mas mabait ka malaki ang tip! Unting kalabit molang at unting himas mas malaki ang bigay kaya pumayag kana girl! Malaki ang balik na pera dito! Nabalitaan ko kase kung anong nangyari sayo kanina naawa ako kaya imbis nasa ilalim ka ng tirik na araw at mamaos sa kakatawag ng bibili sumama kanalang sakin doble pa ang pera!" Sa totoo mabait naman si marie alam kong gusto niya lang akong hindi maghirap sa pera pero hindi ko talaga gusto ang trabahong iyon hindi ko kaya baka masuka pako kapag nakita ko ang kababalaghang nangyayari doon nag tataka nga din ako bat may ganong 'exclusive bar' sa maliit na bayan na ito ang usap usapan back up daw nito ay ang mayor mismo! Wala naman maka angal dito dahil ilan sa mga tagarito ay doon nag tratrabaho dahil sa kalakihan.
YOU ARE READING
Play Blue
RomanceLooking intensely at the ocean and waiting for it to meet the sun, I closed my eyes and embraced myself when I feel the sea breeze touch my skin. Hindi ko alam, hindi ko maalala but I just found myself here watching the same scenery everyday. When t...