Dahil masiyado nakong nag eemote dito sa dalampasigan at medyo naiisip kona na mukha akong tangang umiiyak magisa dito sa dilim I dried my tears and try to smile
"magiging maayos din ang lahat lina" kumbinsi ko sa sirili ko pinagpag ko ang mga buhanging kumapit sa akin at dahan dahang tumayo huminga ako ng malalim at marahas itong ibinuga tumingin ulit ako sa dagat na tanging repleksiyon ang madilim na kalangitan ang nakikita.
Luminga linga ako sa paligid ngayon kolang na pansin na hindi kopa nalilibot ng lubos ang buong dalampasigan pagpumupunta ako dito tanging dito lang sa puwesto ko ako tumatambay at kung hindi man kinakausap ko ang mga mangingisda para sa mga isdang maari kong itinda.
Tumingin ako sa pinaka dulo ng dalampasigan dahil medyo madilim hindi ko masiyadong maaninag ang naroon ang alam ko ang dulo nitong dalampasigan ay kakahuyan kumunot ang noo ko nang may naaninag akong matayog na gate 'para saan naman yon? Siguro private property may bakod e' I shrugged wala namang kaso sakin kung meron mang mayaman doon besides hindi niya naman ako bibigyan ng pera kung may pake ako.Habang naglalakad ako pauwi nagiisip ako kung magluluto pako ng hapunan wala na kase ako sa mood magluto at tinatamad pako. Malapit nako sa bahay nila aling mercy ng maka amoy ako ng pamilyar na usok barbeque!
Pinuntahan ko kung san nanggagaling ang usok ng makita ko si arnold dala dala ang isang supot na barbeque lalagpasan ko sana siya ng siya na mismo ang nakapansin sakin "Hi lina! San ka pupunta? Tara libre kita barbeque" ngiting ngiti habang nakatingin sakin si arnold hindi ko masasabi kung guwapo ba siya o hindi. Isa siyang tipikal na binata para sakin hindi kagwapuhan pero hindi din kapangitan siguro ang agaw pansin lang kay arnold ay ang kanyang mahahabang pilik mata at tangkad kilala din siya bilang basketball player "Hindi na arnold may pera naman ako atsaka don naman talaga ang punta ko bibili ako ng pang hapunan" bigla ko nalang naalala si aling tesa at ang disgusto nito sa anak na binata para sakin.
"Ah ganon ba tara samahan nalang kita kakabili kolang din doon pinapabili ni mama" itinaas niya ang hawak na supot at pinakita sakin tumango nalang ako at lumapit sa nag titinda namili ako ng mga paborito kong ihaw at dahil kasama konga si arnold hindi naman ako nabagot kakahintay maluto ang pagkain dahil mayat maya niya ako kausapin.
"Hoy! arnold wala kang pag asa jan kay lina! Gago kung ako sayo iba nalang gustuhin mo yung mas willing gaya ni bodet! Aba't lingkis ng lingkis sayo kay lina ka padin nakatingin! ni mama mo nga ayaw sayo para sakanya HAHAHAHAHAHA " napalingon kami ni arnold sa sumigaw mga kaibigan niya pala tawa tawa pa sila nang makita ang reaksiyon ni arnold na tila naiinis
"Gago magsilayas nga kayo! Istorbo kayo e!" Sigaw pabalik ni arnold itinaas pa nito ang kamay para ipakita ang gitnang daliri. Maging ang mga malapit na mga tao samin ay nakikitawa din dahil nga maliit ang probinsiya nato alam ng buong lugar na may gusto sakin si arnold kalat na kalat din ang disgusto ng ina sa binata. Buhay talaga ang chismis dito
Hindi ko alam kung makikitawa bako o maiilang wala kase akong maramdaman na atraksiyon para sa binata tinuon konalang ang pansin ko ng makita kong sinusupot na ang binili ko nag bayad na ako para makauwi na at makakain nagpaalam nadin ako kay arnold na naalis nako.
Nasa tapat nako ng bahay ng may biglang may humawak sa pulsuhan ko sasampalin ko sana ang taong iyon ng makita ko ulit si arnold kelan pato nakasunod sakin!
"Arnold!?" Medyo malakas na sabi ko sa pangalan niya habang naka hawak sa bandang dibdib ko at pilit pinapakalma ang sarili hindi ko masisisi ang sarili ko! masiyado niya akong ginulat!
" Pasensiya na kung nagulat ka sorry may sasabihin lang sana ako sayo ah- ehem ah lina alam ko na sinasabi ni mama na may g-gusto ako sayo tuwing bumibili ka ng gulay sa puwesto at alam ko na ayaw niya ako para sayo ahm g-gusto kolang sabihin na kung k-kikilalanin molang ako ng mabuti at di babase sa sinasabi ni mama sayo pede moko magustuhan" tinignan ko siya ng maigi pilit parin pinapakalma ang sarili hindi ko inintindi ang sinabi niya hinila ko ang aking kamay at tinago sa aking likuran mas nababahala ako sa tahimik na pagsunod niya sakin! Lalo na at magisa lang akong nakatira sa bahay at may kadiliman ang daan papunta sa bahay. Tumingin ako sa paligid kung may tao pa at napahinga ako ng maluwag ng makita kong meron pa.
"Arnold hindi tama na sinundan moko dito lalo na at babae ako at magisa kolang nakatira dito ayoko isipan ka ng masama pero sana ay hindi mona uulitin yon dahil hindi maganda sa pakiramdam. Hindi ko sasabihin to kay aling tesa dahil ayoko din na isipan kaniya ng masama pero sana.. Sana eto na ang una't huli na gagawin moto" gusto ko bigyan ng tapik sa balikat ang sarili ko dahil nasabi ko iyon ng hindi nauutal pinaseryoso kopa ang tono ng pananalita ko para isipin niyang hindi ako nagbibiro. Mukhang nakuha niya naman ang nais kong sabihin kaya humingi siya ng pasensiya at pagkatapos tumango tuluyan na siyang umalis. Dali dali akong tumakbo papasok ng bahay at mabilis na inilock yon napahinga ako ng maluwag ng makita kong sarado na ang pintuan. 'What the hell? What was that? Creepy!'
YOU ARE READING
Play Blue
RomanceLooking intensely at the ocean and waiting for it to meet the sun, I closed my eyes and embraced myself when I feel the sea breeze touch my skin. Hindi ko alam, hindi ko maalala but I just found myself here watching the same scenery everyday. When t...