Chapter 3 "Ibuprofen"

109 44 101
                                    

**check the gif😘**

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

**check the gif😘**

"Day, papalita ko ug usa ka kape be. Kanang naay laman-laman."

(Translation: Day, pabili nga ako ng isang kape. Yung may mga laman-laman)

("Day" or "Inday" as well as "Dong" is Bisaya's version of Manila's "ate" o "kuya." In the family, calling you Inday or Dong means you are someone loved and cherished 😀)

Tinakpan ni Saia ang ginagawang Coffee Jelly at iniabot iyon sa customer niyang driver.

"One coffee jelly for Manong Badon. Enjoy!"

Nakangiting inabot ng lalaki ang malamig na inumin at saka naman niya inasikaso ang sumunod na umorder.

Patok na patok ang coffee jelly ni Saia sa mga driver na pagod sa malayo at mainit na biyahe para ihatid ang mga lamang diesel at kung ano pang uri ng gasolina sa mga branches ng mga oil depots.

Nagustuhan ng mga ito ang kakaibang lasa ng brewed coffee na pinadeliver pa niya mula sa Cafe Latia. At tuwang tuwa ito sa mga "laman-laman" na siyang mga jelly na hilig nitong nguyain. Naghahanap kasi ang mga ito ng ikatatanggal ng mga antok nitong kaluluwa at swerte namang may pampagising siya.

"Lamia ani Day, uy," puri ng isang driver sa hawak nitong inumin.

(Translation: Sarap naman nito, Day!)

"Aba syempre naman. Kapag maganda ang gumawa, masarap ang kalalabasan." Hinawi pa niya ang nakalugay na buhok. "O di ba."

Tumawa lamang ang mga ito. She never felt at ease with her customers, si Nica lang naman talaga ang kabiruan niya.

Kakaiba pala talaga ang epekto kapag walang responsibilidad na naka-atang sa iyo. Walang "manager" na dapat punan ang pwesto. Walang pressure kaya malaya siyang kumilos ng ayon sa gusto niya.

Di bale, ngayon lang 'to. Enjoy while it lasts! Nakangiti niyang hinainan ang isang driver na umorder ng meryendang pansit. Isinunod niya ang paggawa ng coffee jelly nito.

Umattend ang tita niya sa "Pahina" kung saan ay nagmemeeting ang mga ka-baranggay nila at pagkatapos ay sama samang maglilinis sa paligid, kung kaya't kahit inaatake na naman siya ng migraine niya ay sya na ang tumao sa carinderia ngayon.

"Day, naa na ka'y boyfriend?"

(Translation: Day, may boyfriend ka na?)

Nilingon ni Saia ang driver na nagtatanong. "Meron ho akong boyfriend. Gwapo, mayaman at isang malaking tanga."

"Bakit naman tanga, day?"

"Kasi ipagpapalit na nga lang ako, duon pa sa mukhang tabla."

Nagkatawanan ang mga driver na nakarinig sa kaniya.

"So bakit boyfriend pa rin ang tawag mo sa kaniya? Di ba dapat ex na?"

Binalingan niya ang nagtanong. Kiel, her "new friend" is at the counter at nakakunot ang noong nakatingin sa kaniya.

My Bitter Sweet GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon