Chapter 7

74 40 35
                                    



Come back to me Hon... I'll stay here with you...

I miss you...

Naalimpungatan si Saia. She feels like she had gone through a sewing machine and back. Ang sakit ng katawan niya. She somehow feels comfortable ngunit sobrang init ng paligid niya.

"Stop seducing me with your body Saia, or we will end up somewhere in here."

Napadilat siya sa nadinig. Puting kisame ang nabungaran niya. There is a small table when she looked at her left with a pitcher of water and some bottles she doesn't recognize. The wallpapers look elegant enough not to be a regular hospital room.

Nang maramdaman ang pagkilos sa kaniyang kanan ay agad siyang lumingon ruon.

Naruon si Kiel at nakahiga sa tabi niya. What the hell?

"Kanina ko pa ito ibinababa, ikaw naman taas ng taas." Nang hilain nito pababa ang damit niya ay duon lamang niya napansing nakaangat pala ang suot niyang pang itaas.

Dagli niyang hinila ang kumot patakip sa katawan. "Nasaan ako?"

Sa halip na sumagot ay tinitigan lamang siya ng lalaki. Anong iniisip nito? "Kiel, nasaan sabi ako?"

"Pinagiisipan ko kung sasabihin ko ba sa iyong natulog tayong magkatabi at may nanyari sa atin."

"Huwaat?!"

"Or yung totoo na nagkasakit ka at dinala kita sa kwarto ko para maalagaan."

Nang maintindihan ang sinabi nito ay hinampas niya ito sa braso. Tawa lamang ang isinagot nito. Hinayupak na lalaki, ginagawa na lang ba namang biro ang ganuong mga bagay.

"How are you feeling?"

Ngayon naman ay biglang magseseryoso ang lalaking 'to. May bipolar disorder ata itong taong ito. "Masakit ang katawan ko. At mainit."

Idinampi nito ang kamay sa kaniyang noo. "You still have fever. Medyo bumaba na siya but you still have to take your meds sabi ni Drei."

Bago pa man siya makapagsalita ay dumukwang na ito at inabot ang kung ano sa kaniyang kaliwa. Plakda siya sa kama habang ito ay nasa ibabaw niya at nakatitig lamang sa kaniya na may kung anong kakaibang ngiti.

"Hoy Kiel! May sakit lang ako pero hindi ako baldado! Subukan mong gumawa ng milagro at pipilayan kita!"

Lalo lamang lumapad ang ngiti ng kumag na lalaki. "I don't know what you're saying Hon. Im just getting your meds." Ipinakita nito ang dalawang bote na kinuha nito mula sa mesita at isang medicine cup. Sa halip na umalis sa ibabaw niya ay ikinulong pa siya nito sa magkabilaan nitong mga tuhod habang nagbubuhos ito ng gamot. "Come on, drink your meds."

Kinilabutan si Saia sa kakaiba nitong pagsasalita. Bakit parang nangaakit ang boses nito? At ang mga mata nito bakit ganuon makatingin sa kaniya?

Syete. Babangon ba siya? Kung gayon ay magkakalapit sila ng mga mukha dahil ayaw naman nito umalis. Kung hihiga lang siya mas lalong awkward. Kung uusog naman siya ay baka may matuhod siyang kung ano dahil nakakulong ang mga binti niya sa magkabilaang tuhod nito.

Pinili niyang bumangon. Nang tangkain niyang kunin ang gamot ay inilayo lamang nito iyon sa kaniya. "Drink." Utos nito. Kaya't nang itapat nito ang gamot sa kaniyang bibig ay wala na siyang nagawa kundi ang inumin iyon.

Nagulat na lamang siya nang gumapang ang lalaki palapit sa kaniya.. Dagli-dagli siyang bumalik sa pagkakahiga upang mailayo ang mukha dito. Nakita niyang ngumisi si Kiel at saka iniabot pabalik ang mga gamot sa mesita.

My Bitter Sweet GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon