Chapter 4 "The Accident"

98 45 94
                                    

"Oh Josiah may bato-"

"Ay pusa!"

"Hayan. Dumidilat kasi kapag naglalakad."

Hinimas himas ni Saia ang natalisod na paa. Mag aalas kwatro pa lamang ng madaling araw nang bulabugin siya ng tiyahin at mga pinsan mula sa pagkakatulog niya. Nagkayayaan kasi ang mga ito na pumunta sa tabing dagat upang maagang maligo.

Heto ngayon siya at lulugo-lugo samantalang tila nagkalat na mga minions ang maiingay niyang mga pinsan.

"Eto Ate Saia, makinig ka ng Secondhand Serenade para magising ka."

Malamyos na boses lalaki ang nadinig niya mula sa ipinasak na earphone ng pinsan niyang si Gerald sa kaniyang tainga.

"Rald, pampagising ang kailangan ko. Lullaby tong pinapadinig mo."

"Ang ganda kaya!"

"Luma na yang bandang iyan. Bakit nakikinig ka diyan eh millenials ka?"

Ngumisi ang nakababatang pinsan niya.

"Narinig ko kasing kinakanta ito ni Kuya Kiel eh. Ang ganda ng boses kaya nagustuhan ko."

"Idol ni Kuya Gerald yong bestfriend mo ate."

"Bestfriend?" tila naiiskandalong baling niya sa dalagitang pinsan na si Shaira. "Bakla pala si Kiel?"

"Hindi bakla si Kuya Kiel!" pagtatanggol nito

"Babae lang kasi ang bestfriend ko," aniya.

"Sabi kasi ni Kuya Kiel bestfriend ka daw niya eh. Ang sweet di ba Ate?"

Sinimangutan lamang niya ang pinsan. Halatang may crush ito kay Kiel na idol din naman ng pinsan niyang lalaki.

Walang kupas talaga. Kahit sa bata hindi nakakaligtas ang karisma.

"Oh Josiah ligo na tayo," pagaaya ng tiyahin niya matapos nitong ilagay ang mga bitbit sa mesa ng napili nilang cottage.

"Kayo na muna tita. Nilalamig pa ako."

"Oh sige, sunod ka na lang. Duon lang kami sa unahan."

Tinanaw niya ang tita at mga pinsan niyang nagkakatawanan habang lumalakad papunta sa kabilang dulo ng beach upang duon ay maligo. Ayon sa mga ito ay mas mababaw sa side na iyon.

Naupo na lamang siya at nagsimulang magtimpla ng mainit niyang kape. Madilim dilim pa ngunit may natatanaw na siyang naliligo sa dagat maliban pa sa tita at mga pinsan niyang lumalangoy na sa di kalayuan.

Kakaiba talaga ang mga tao dito sa Tabo-o. Hindi tinatablan ng lamig.

Humigop siya ng bagong gawa niyang kape habang pinagmamasdan ang bahagyang kumikinang na dagat dahil sa papasikat pa lamang na araw.

Napakaganda. Napakatahimik.

At may matsong umaahon sa tubig.

Humigop muli si Saia ng mainit init na kape habang pinagmamasdan ang lalaki sa di kalayuan. Paahon ito sa dagat at naglalakad papunta sa dalampasigan.

The guy's a certified hunk.

Ang lapad ng balikat nitong halatang batak sa paglangoy sa dagat araw-araw. His chest looks firm and his abs...

Day, pahinging kanin. Ulam na 'to!

His muscled arms flexed when he combed his wet shoulder-length hair with his fingers. Para siyang nanunuod ng isang beach ad na may slow-mo effect sa mga naka-focus na naggagandahang katawan ng mga modelo.

My Bitter Sweet GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon