And they lived...

46 22 18
                                    

Lintek tong lalaking to, nakatanga lang talaga?!

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Saia. This is it! Kesehodang tanggihan siya ni Kiel. Masakit pero mas magandang magkaalaman na sila. She decided to give this love a chance kahit sabihin pang nagsawa na si Kiel na mahalin siya. Siya na naman. Siya na naman ang lalaban para sa nararamdaman niya.

Tama na ang pagiging bitter!

"Huy," hindi napigilang untag niya sa nakatangang lalaki. "Ke laki-laking tao nagmumukhang tanga. Pakisara ng bibig mo at baka pasukan ng langaw."

"Walang langaw sa unit ko Josiah. Pauso ka na naman."

Ano daw?!

"So ano," aniya. "Anong masasabi mo? Natutunaw na ko sa hiya dito, leche. Kung tatanggihan mo ko, sabihin mo na agad. At nang magawa ko na ang next step ko."

Nagtaas ng isang kilay si Kiel. "And what would that be?"

Takte, pasuspense pa. "Ipagluluto kita ng pagkain. Oo na alam ko! Hindi na masarap pero ipagluluto pa rin kita! Aalagaan ko si Xian para sayo. Bibigyan kita ng discount sa shop ko. Ano pang gusto mo? Gusto mo ipaglaba rin--"

"Ssh."

Ay talaga naman! Nagsasalita pa siya ay sumenyas lang ito na tumahimik siya! Siya?? Pinapatahimik?!

Hihirit pa sana siya nang hinawakan ni Kiel ang mga balikat niya at pinatalikod siya.

Palalayasin na ba siya nito?! Pero hindi naman pinto ang kaharap niya kundi ang glass wall ng unit nito. Anong--

Natigil sa pagiisip si Saia. Mula sa kinaroroonan niya ay natanaw niya ang mga nagtataasang building sa Ortigas.

And that tall, elegant building nearest to them has lights on it... Mga nagkikislapang liwanag na unti unting bumuo ng mga letra... Ng mga salita... Ng isang tanong...

Saia, will you be my forever?

Napasinghap siya. "T-teka... Totoo ba tong-- ay pusa!"

Nilingon niya kung ano na naman ang bumunggo sa binti niya.

It was the dog Xian, with a bouquet of red roses on it's mouth.

"Oh my God..." Marahan niyang inabot ang mga bulaklak mula sa asong kumakawag-kawag pa ang buntot. Saan ito galing? Hindi niya ito napansin kanina.

At hindi pa man siya lubusang nakakatayo ay isang musika na ang nadinig niya.

It was Kiel...slowly walking to her strumming on a guitar strapped on his shoulder...

"I'm staring at the glass in front of me,
Is it half empty?
Have I ruined all you've given me?
I know I've been selfish,
I know I've been foolish,
But look through that
And you will see,
I'll do better, I know,
Baby, I can do better..."

Hindi namalayan ni Saia na umaagos na pala ang luha niya. At that moment, all she can see is Kiel's smiling face looking at her...with love as he sings the Secondhand Serenade's "Stay Close Don't Go" song.

"If you leave me tonight, I'll wake up alone,
Don't tell me I will make it on my own,
Don't leave me tonight,
This heart of stone will sing till it dies
If you leave me tonight..."

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Gusto niyang wag tumigil sa pagiyak pero hindi rin maalis ang ngiti sa mga labi niya. She's looking like a fool smiling while crying but who cares?

My Bitter Sweet GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon