TSDS- 2

3.9K 140 2
                                    



Miracle's POV


"Good Morning mama, papa." Nakangiti kong bati sa picture nila mama at gumayak na ako, may pasok pa ako mamaya. Mabilis lang ako gumayak hindi kasi ako pwede malate mahirap pa naman sumakay ng maaga punuan mga jeep.




Naglock ako ng apartment at mabilis na bumaba at naglakad pa sakayan habang naglalakad napalingon ako sa pasilyo kung saan may tinulungan akong lalaki




Kamusta na kaya siya? Nakaganti kaya sya? Magaling na kaya sya? Umiling iling ako hindi ko dapat sya iniisip mukha naman kaya nya sarili nya nagpatuloy ako sa pag-lalakad at agad na sumakay sa jeep, buti na lang nakaabot pa ako, medyo malayo school na pinapasukan ko hindi naman pwede na lakarin.




Greendale Community College, ito ang pangalan ng school na pinapasukan ko. Maaga akong nakarating at naglalakad na ako papasok sa school nginitian ko yung guard sa gate habang papasok agad ako dumiretso sa first class ko at gaya ng dati ako ang unang una, kailangan lagi good records ko lalo na scholar ako baka pag nag-tamad ako matanggal pa scholarship ko ay hindi na ako makapag-aral.



"Good Morning bessywaap!!!!!" Napalingon ako kung saan nanggagaling ang malakas na boses. Si Emma.




"Tsk. Ingay mo naman baboy." Sabay hawi ni Ian.



"Grrr. Umagang umaga epal ka! Hmmp."




Emma Mae Valdez and Ian Benjamin Salcedo. Ang dalawang matalik na kaibigan ko nginitian ko silang pareho at tumabi sa akin.




"Ang aga mo talaga bessywap ikaw na talaga, you already!"



Walang kaubusan talaga ng energy itong si Emma na 'to umagang umaga ang daming energy.



"Day-off mo ngayon diba? Samahan mo naman ako sa mall may bibilhin lang ako, libre ko naman lahat." Nakangiting yaya sa akin ni Emma.



"Eh bat hindi na lang si Ian?" -me



"Kasama din yan para may taga-bitbit ako... HOY BENHAMIN! SUMAMA KA AH!." Emma



"Ano ba?! Ang lapit ko lang kung makasigaw ka wagas, saka tigil tigilan mo nga pagtawag sa akin ng Benhamin, IAN KASI IAN!"



At nagsimula nanaman silang mag-away lagi na lang ganyan yang dalawa na yan laging nakakaisip ng pag-aawayan natigil lang sila nang pumasok na prof namin sa room at nagsimula na mag-klase.

~



"Ang dami talagang salita ni Sir kalbo puro non-sense naman feeling major."




"Shhh. Baka marinig ka ni sir pag-initan ka pa." Saway ko dito pero ngisi lang sinagot nya.



Papunta kami ngayon sa second class namin which is laboratory tahimik lang na nakasunod sa amin si Ian.



"4 hours nanaman hayy, di bale sana kung nag-luluto tayo eh sure ako discussion 'to." Reklamo ni Emma habang paupo sa bandang likod hindi kasi kami pwede sa harap lalo na tong si Emma ang hilig pa naman neto matulog sa klase.



"4 hours nanaman kitang katabi at maririnig hilik mo." Pang-aasar ni Ian at syempre dahil hindi marunong manahimik si Emma sinagot nya ito.




"Sino ba nag-sabi tumabi ka sa akin Benhamin?! Eh di lumipat ka ng upuan!"




"Ian kasi! Hindi Benhamin!!"



The Seven Deadly Sins Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon