25

820 26 0
                                    





Miracle's POV


"Huwag kang lalayo sa akin. Sa akin ka lang titingin. Huwag makipag-usap sa ibang lalaki."

"Yes boss."

"Geez, Captain relax wala talagang magtatangkang lumapit kay Mira natatakot sila sayo." Sabay irap ni Erin sa amin dalawa.


"Ehehehe."

Nandito kami ngayon sa 'Lust' isa sa mga bar ni Lucy hindi na daw kasi kami masyadong nagkkabonding kaya naisipan ni Lucy mag-aya dito. Syempre ayaw ni Damon pero dahil magaling akong mamilit napasama ko sya pero may isang kondisyon.

Imbis na yung sexy dress na binibigay sa akin nila Erin ang suotin ko naka lonsleeves akong puti at jeans 'yun daw dapat suotin ko para hindi ako mabastos. Akalain mo yun nasa bar ako pero balot na balot ako atleast nakasama pa rin ako.


"Wala nang magtatangka sa kanya Captain bantay sarado mo eh. Bwahahahaha." Natatawang sabi ni Xander habang umiinom.

"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo Himala? Bwahahahahahha." Aiden habang busy na kumakain.

Sinamaan lang sila ng tingin ni Damon tapos lalong dumikit sa tabi ko ang higpit din ng pagkaka-akbay nya sa akin.

"Sir gaano ka close?" Ginaya ko pa yung boses ni Sarah G sobrang lapit kasi naman sa isa't-isa.

"Don't tease me, hindi ako natutuwa sa nangyayari ngayon." Nagsusungit pa rin sya sa akin halatang labag sa kanya 'tong lakad na ito.

"Huwag kang KJ Damon minsan lang naman."

"Tss." Natawa na lang ako sa reaksyon nya, napakacute.


"Let's dance Mira!" Aya sa akin ni Erin pero bago pa ako makasagot naunahan na ako ni Damon.

"No." Matigas na sabi ni Damon.


"Eh! Captain naman!" Protesta niya agad.

"Pumayag ako na sumama kami dito, dancing in that fucking dance floor I cannot allow that."

"Captain!!"

"Don't push it. I'm on my limit Erin." Tinitigan ng seryoso ni Damon si Erin mukhang natakot si Erin sa kanya.

Sobrang nakakatakot kasi si Damon, palaki na palaki yung dark aura na bumabalot sa kanya. Ngumiti lang ako ng alanganin kay Erin tsaka sinenyasan na okay lang ako.

"Fuck this." Napalingon ako kay Damon. Seryosong seryoso pa rin mukha nya.

"Hey. Uwi na tayo?" Feeling ko kasi anytime sasabog na sya.

"Ha?" Napatingin sya sa akin at agad lumambot ang ekapresyon ng mukha nya.

"Let's go? Nag-stay naman tayo dito ng matagal okay na siguro umuwi na tayo?"  Nakangiti kong sabi sa kanya.


"I'm okay. It's just that..." hinhintay ko yung kasunod nyang sasabihin.

"Balot na balot ka na at kasama mo na ako, they still checking you out!" Natawa ako sa sinabi nya, iyon lang pala yung problema nya akala ko naman kung ano na.

"Maganda kasi girlfriend mo eh."

"Yeah. Too beautiful. Hey fuckers! Stop looking at her or I'll kill you!!!" Napatayo si Damon sa upuan nya habang hawak hawak pa rin kamay ko at sinamaan ng tingin yung mga lalaki sa kabilang table.


The Seven Deadly Sins Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon