27

810 28 0
                                    





Miracle's POV



"What do you mean na hindi nyo pa alam?! Pwes alamin nyo!..... Eh yung Celestial— hindi nyo pa rin nakikita?! Use your source Xander! Damn it! Ayusin nyo hindi ako makakapunta dyan I'm with Miracle."




Napangisi ako nang marinig ko boses ni Damon ngayong umaga, mukhang badmood. Bumalik ako sa kama at humiga narinig ko kasi yapak nya papasok sa kwarto ko.



"Angel? Wake up." Nag kunwari ako kagigising lang tapos nakita ko si Damon na may dalang tray.



"Good Morning, breakfast in bed." Nakangiti nyang sabi sabay lapag ng tray sa tabi ko. Tinitigan ko lang sya. Hinawakan nya ang pisngi ko at lumambot ang ekapresyon nya. "Angel? I'm sorry kung nasigawan kita 'nung isang araw sobrang stress lang talaga ako."



"And?" Tinignan nya ko na parang nag-iisip.



"And what?" Clueless nyang tanong. Napabuntong hininga na lang ako, sinubukan ko lang kung magsasabi pero mukhang wala talagang balaka.




"Nothing. Okay na yon bati na tayo." Tapos nginitian ko sya agad naman nya akong niyakap ng mahigpit.



"God I miss you so much." Sabi nya habang yakap yakap ako.



"So much talaga?" Natatawa kong sabi habang nakayakap rin sa kanya.



"Bakit ba. Ayokong nag-aaway tayo eh." Tapos humiwalay sya ng yakap at hinawakan ang kamay ko.


"Me too." Tapos nagsimula na kaming kumain.



Habang kumakain napapansin ko na napapatotig sya sa akin tapos umiling iling nagtaka naman ako sa  inaakto nya kaya hindi ko napigilan magtanong.



"Bakit naiiling ka? May problema ba?"



"Where were you last night?" Napatigil ako sa tanong nya nagulat ako pero hindi ko pinahalata.



"Nandito natutulog. Bakit?" Sagot ko sabay inom ng tubig.



"Nothing. Natanong ko lang."


Nakita nya kaya ako kagabi? Hindi naman nya ako nasipa saka kung alam nyang ako yun agad nya akong pupuntahan. Kailangan ko pa mag doble ingat after all its Damon.



"Gumayak ka na ako na magtatabi nito." Tumango lang ako, hinalikan nya muna ako sa noo bago lumabas.


Pagkapasok ko sa CR nanlaki ang mata ko pagkatingin ko sa repleksyon ko, may false eyelashes pa ko! Hala napansin kaya 'to ni Damon?


"Oh my ghad! Nakita kaya nya?! Hala halaa! Ang tanga ko naman hindi ko natanggal kagabi! Halaaa! Kaya ba nya tinanong kung nasan ako kagabi?!!! OMG!!! Buko naba agad ako!!!!!" Tapos inuntog ko ulo ko sa may salamin.



Ano ba naman yan Mira! Nagsisimula pa lang ako mahuhuli na ba ako agad?!



"Hindi. Wag ka papahalata wala pa syang sinasabi kaya shut up ka muna ha Miracle." Kausap ko sa sarili ko sabay hinga ng malalim at nagsimula nang maligo.



Pagkalabas ko ng kwarto ko naabutan ko sya sa sala ko busy sa kakalikot ng phone nya. Tumayo ako sa tapat nya agad naman nya ako napansin.


"Let's go?" Sabi sabay tayo.


Hinawakan nya ako at hinila palabas ng condo sya na din mismo nagsara nun.




〰️

The Seven Deadly Sins Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon