4

1K 39 0
                                    


Miracle's POV

"Focus Miracle! Lahat ng tao may kahinaan use it, babae ka they tend to underestimate you, show them what you've got."


Kasalukuyan kami nag-ssparring ni Samuel sa hideout nila kuya. At ngayon Samuel is winning madali nya akong na-lock sa ilalim nya hawk hawak nya yung kamay ko at pati paa kaya hindi ako makagalaw.



"Think of another angle, wag kang umasa sa kamay at paa mo lang." sabi ulit ni kuya.


"Pasensya na baby sis napa— AHHH!"


Dahil nilapit ni Samuel mukha nya inangat ko ang mukha ko at mariin syang kinagat sa tenga kaya lumuwag hawak nya sa kamay ko, ginamit ko yung chance na yun para umatake, tinulak ko sya tapos mabilis ko syang pinaiibabawan, aatake ulit sya pero natigilan sya.

Yung hita ko lang naman malapit na sa 'kaibigan' nya isang maling galaw sisipain ko yun ng pagkalakas lakas.

"You win." Natatawang sabi ni Samuel kaya binitawan ko sya at napahiga sa tabi nya.

Pangatlong araw ko na to sa training ni kuya, marami na din ako natutunan hindi naman ako masyado nahirapan masakit lang talaga sa katawan lalo na tuwing nag-eexcercise kami.



"You did great baby sis." Sabi ni kuya at binigyan ako ng tubig.


4:00am palang, laging madaling araw kami nagttraining para hindi malaman ni Damon pag kasi gabi makakahalata sya.


"Ang sakit ng katawan ko kuyaa!!" Narinig ko na natawa sya.

"Ganyan talaga biglaan ka nag yraining saka hindi sanay katawan mo sa excercise kaya sasakit talaga yan."



Hindi ko nga maangat braso ko, si kuya ang nagtuturo sa akin samantalang sila Cael, Raziel, Elijah at Samuel sila mga nakakalaban ko at hindi sila madaling kalaban paano pa kaya kung si kuya na? Baka wala pang isang minuto tapos na.


"You are giod in enduring pain, hindi lahat ng tao kaya yun lalo na sa isang laban hindi ka dapat basta basta susuko kahit madami ka ng sugat. May advantage ka din dahil maliit lang ang katawan mo mabilis kang makakatalas sa mga kalaban, mas madali mahuli an mga malalaki kesa sa maliliit."



"Nagulat nga ako ang bilis mong matuto, siguro dahil gangster din ako nadadamay ka na." Natatawa pa nyang sabi.



Kung alam lang nya ginagawa ko lang yung mga napapanood kong anime hehe.


"Kuya buhat. Tapos na tayo di ba?" Sabi ko at agad naman nya akong pinasan. Babalik na kami sa condo para makapagpahinga pa ako at may pasok pa ako.


Kumaway ako kela Cael na ngayon ay proud na nakatingin sa akin. Pagkasakay ni kuya sa akin kotse siguro sa sobrang pagod at puyat nakatulog ako agad.

***

"Angel hey."

May narinig akong boses pero imbis na dumilat at tumagilid ako, ayaw ko pang dumilat ang sakit ng katawan ko.


"Angel? Wake up? May klase ka pa."


"Eh!!" May sinipa ako ng malakas at kasunod nung ay isang malakas na kalabog pero hindi pa rin ako dumilat.


"A-aray. Saan ka natutong sumipa ng ganon kalakas?"



Gusto ko pa matulog, tulog is life, tulog ang kailangan ko.






The Seven Deadly Sins Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon