TSDS- 27

1.5K 76 20
                                    



Miracle's POV

"Calm down Damon, fuck fuck. Ayaw mo syang matakot ulit sayo diba kumalma ka." Sabay inhale exhale ulit ni Damon habang nagsasalita sya mag-isa.

Nandito kasi kami ngayon sa isang vacant na room dito nya ako dinala pagkatapos ng gulo kanina, isang oras na kami nandito pero hindi pa rin nya ako kinakausap malayo din sya sa akin kasi kinakalma pa nga daw sarili nya.


"D-damon?"

Hindi na ako makatiis kaya tinawag ko sya agad naman syang lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin kaya napayuko ako.

Waaaaah galit pa rin sya!!

"What?"

Napa-angat ulit ako ng tingin ng marinig ko syang sumagot hindi na sya pasigaw medyo kalamado na din tono nya saka maamo na din itsura nya.

"S-sorry! Sasabihan naman talaga kita kaya lang naging busy kasi talaga ako mag-practice huhuhu sorry na Damon! Wag ka ng magalit!"

Mabilis kong paliwanag sa kanya naramdaman ko na tumayo sya at lumapit sa akin.

"Sorry." Kalmado nyang sabi. "Hindi ko napigilan galit ko kanina, nainis lang talaga ako sa tingin ng mga lalaki na yun sayo. Sorry."

"Ha? nako okay lang yun! Kasalanan ko naman. Sorry ulit Damon."

"It's okay."saka pinat nya ang ibabaw ng ulo ko saka ngumiti kaya nginitian ko din sya.

Napalingon kami sa pinto nang may kumatok agad syang tumayo at pinagbuksan nakita ko na si Aiden pala iyon na may dalang pagkain saka bag ko.

"Captain ito na yung pina-order mong food at saka yung gamit ni Himala. Oka—" hindi na natapos si Aiden ng bigla syang pagsaraduhan ng pinto ni Damon.

"Let's eat, nalipasan ka na ng gutom. Tss." At isa isang nilabas ang laman ng plastic gaya ng dati share kami saka sinusubuan ko sya.




"Magpalit ka nga. Tsk. Sobrang ikli nanaman nyang damit mo."




"Eh ito binigay sa akin, cute naman diba." Sabay pakita ko sa kanya ng damit ko namula naman sya at umiwas ng tingin.



"Hindi cute sobrang ikli! Baka makitaan ka pa! Magpalit ka na."



Pagkatapos kong magpalit inaya ko na si Damon na lumabas nung una ayaw pa nya pero syempre pinilit ko habang naglalakad nakikita ko na napapatinhin sa akin yung mga taong nasasalubong namin at dahil kasama ko si Damon isa isa nya itong binibigyan ng masasamang tingin kaya napapaiwas na din sila sa amin.



"Mira!" Agad kaming sinalubong ni Erin pagkakita namin sa kanila sa quadrangle.



"Waaah ang galing mong sumayaw!"


"And look!" Sabay pakita sa akin ng isang pict—

"Bakit ka meron nito?!" Picture ko kasi ito nung nagsasayaw sa stage.

"Syempre kinuha ko sa may nagrecord ng sayaw nyo. Ang cute cute mo kanina madami akong copies eh madaming bumili kaya konti na lang natira." Kaya pala ang daming pera na binibilang nila Aiden nagbenta pala sila ng picture ko.



"Give me 100 copies of those."



Napalingon ako kay Damon nang magsalita sya, eh 100? Ang dami naman nun anong gagawin nya?




"Sure captain, yung bayad ah 1000 pesos each cop-"




"Money is not an issue here Erin, just give me those 100 copies." Sumaludo lang si Erin.





The Seven Deadly Sins Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon