Louisse Margarette

497 16 0
                                    

  "Uncle,wake up na po!Please!"pupungas-pungas pa siyang bumangon.Tumigil na rin si Garette sa pagtalon talon sa kama niya.

  "Good morning,baby.How did you enter my room?"nagtatakang tanong niya sa 6 taong pamangkin.Anak ito ng ate niyang si Margarita na nakabase sa isa sa mga branch ng VernoRita na nasa Pilipinas.It was a hard choice for her sister but they both know na may mission din doon ang kapatid.Dumadalaw lang ito dito sa New York,twice a month.

  "You forgot to close your door,Uncle.It was wide open.Nanny Sheila said you were drunk last night.How is that even possible po?"inosenteng tanong diretso ng  pamangkin.

  "Garette,it wasn't nice getting drunk.When you grow up,you will understand how and why adults need to drink something that is not suitable for minors 18 years old and below like you."paliwanag niya sa kay Garette.

  "Okay po,Uncle Vernon!"nakangiting sagot sa kanya nito."Let's eat breakfast downstairs na po.Yaya Maria made us pancakes."pagyaya sa kanya ng pamangkin.Bumaba na silang dalawa at nag-almusal.

  "Uncle..."humihikbing lumapit sa kanya ang pamangkin.Kakagaling na nito mula sa school.He's taking a 4 day day off sa trabaho kaya nandito siya sa isa sa mga bahay niya dito sa New York kung saan nakatira si Garette.Hanggang ngayon kasi wala pang nakaalam sa pamilya niya tungkol sa bata.Nirerespeto niya ang desisyon ng Ate Marga niya ukol dito.

  "Why are you crying?"tanong niya dito.

  "Am I adopted?"nakayukong tanong nito.

  "No,baby.Why asking that?"nakakunot-noong tanong niya rin dito.

  "Marlon and Sharon,keeps bugging me about it.They said adopted lang daw po ako.Wala daw akong daddy.Sila po kasi meron.Meron din po silang mommy.Ako po,mommy lang pero wala akong daddy."umiiyak na sumbong nito.

  "You're not.Wanna know why kung bakit minsan lang natin makasama ang mommy mo?Kasi sa mga time na wala siya,it's either she's working in the Philippines,hinahanap niya din ang daddy mo."pang-aalo niya sa bata.Ngayon lang naging big deal sa pamangkin ang kawalan nito ng ama.Lumalaki na talaga ito,nagkakaisip kaya sana sooner or later,magawa na ding ipaalam ng ate niya sa ama ni Garette ang tungkol sa anak nito.He feels sorry for his niece but he knows,time will come na maiintindihan din nito lahat.

  "Talaga po,Uncle?Pero bakit po ang tagal?It is really that hard to find my daddy?Is he hiding from mommy and me?"inosenteng tanong ni Garette.

  "Someday,you will understand.Trust God and also your mom.Be patient.It will be worth waiting for so don't cry na,okay?"pinunasan niya ang mga luha nito.Nakangiting tumango na ito sa kanya  pagkaraan.

Don't Let Me Go(COMPLETED)Where stories live. Discover now