Pre-design phase.
Kapag bata ka hindi mo iniintindi ang mga nakapaligid sayo. Kailangan sila ang iintindi sayo, sila ang magaalala at sila ang matatakot na baka may mangyareng masama sa iyo. Sila din ang huhubog sa pagkatao mo ngayon. Kasi bata ka pa, anung alam mo diba?
Nung bata tinuruan lang naman ako ng pinsan ko nung 3 years old daw ako, pinakita sa akin ang Anime. Minulat ako sa mundo ng cartoons, sa mundo ng mga taong malalaki ang mata at may kulay na buhok. Minulat ako na may isang mundo na para lang sa imahinasyon.
So natuto ako, nanuod ako. Masaya kaya ipinagpatuloy ko.
Kapag bata ka din hindi ka nagpupuyat. Tuwing hapon matutulog ka, tuwing gabi dapat tama pa rin ang oras ng tulog mo. Pero iba na kapag lumalaki. Tumitigas kasi ang ulo ng bata. Hindi na masaway kasi nagagalit na sila. Nagiging mainitin ang ulo kahit wala ka pang ginagawa.
Natuto ako nun, nahubog ang pagkatao ko. Pero hindi pa pala tapos. Nakatapos ako ng high school at ngayon ay magkacollege na ako.
Pero wala ako maisip, anu nga bang magandang kunin na kurso?
Sabi ng kuya ko ilist ko daw lahat ng skills na alam ko. Syempre akong si uto uto sinunod naman siya.
Actually may gusto akong isa kaso ayaw ni mama, ayaw niya kong maging animator.
So naglista ako.
-Painting
-Drawing
-Dancing
-Singing
-Script Writing
-Directing
Ayan, lahat ng skills na kaya ko andyan! Pinakita namin kay mama. Pinaliwanag pa ni kuya kung anung pwede kong kunin sa bawat skills na meron ako. Pero lahat ng sinabi niya ayaw ni mama. Ang dami dami niyang dahilan, kulang nalang sabihin niya na wag na kong magaral.
Ayoko kasi ng gusto niya, ayokong magturo.
Buti nalang dumating iyong kinakapatid ko. Buti na lang may dala siyang leaflet ng school niya. Pinakita niya kay mama, tinuro pa ang program na pwede ako. Sabi walang math! Yes! Walang math!
Pero nagkamali ako, huli na nung nalaman ko, huli na nung makita kong may 4 na math akong kailangang ipasa.
---
Pero tinuloy ko, kesa maging teacher na ayaw ko. Marunong naman akong magdrawing, yun nga lang wala akong kaalam alam sa ginagawa dito. Nangangapa ako, ni hindi ako nakapagresearch-buti na lang talaga wala itong entrance exam. Pampalubag loob na iyon sa akin.
Nagsimula ang klase, at grabe umpisa pa lang nangapa na ako. Natanga ako sa kinauupuan ko, nabobo sa mga narinig ko. Gusto ko nga tanungin kung ano ang mga pinagsasabi ng tao sa harap e halos wala akong maintindihan. Kaya sinulat ko nalang ng sinulat. Saka ko na iintindihin pag nasa wisyo na ang utak ko.
Pag gising na ang diwa ko.
Kaso nalaman kong kahit kailan hindi magigising ang diwa mo, kasi palagi kang lutang. Umpisa palang gagawin ka ng zombie ng professor mo, sarap ngang sabihin na malayo pa ang holloween masyado silang excited!
Kulang na nga lang dugo effects at props para masabing zombie na. Lupit diba? Di ko aakalaing ang kursong kinuha ko may sideline pala.
Kasi pag Arki ka dapat handa ka sa ganito! Dapat handa kang magpuyat! Aba kung mahina ang katawan mo wag mo nang subukan dahil baka di ka pa makaabot sa pinakadulo.
So may magagawa pa ba ako? Syempre tinuloy ko na! Sayang ang bayad! Mukha namang masaya!
Kaso hindi lang pala yun ang problema. Hindi lang yun ang dapat kong intindihin. Ang dami pa palang dapat isa alang alang. Ang dami pa palang kailangan, hindi lang pala dapat ready ka ang baon mo.
Tuloy ka pa?
Ready ka pa bang malaman ang iba?
Start palang to, first year pa lang! May second, third, fourth at fifth year pa! Keri pa?
Sabi mo e! Basta wag mong sasabihin na naTORTURE ka sa Arki! :)
BINABASA MO ANG
ARKI-TORTURE
RandomSa buhay Arkitekto hindi basta marunong kang gumuhit, kailangan maganda ang kalusugan mo. Kailangan palagi kang may baong armas. Kailangan mabilis kang matuto. Kailangan hindi ka mareklamo sa puyatan. Kailangan hindi ka nawawalan ng diskarte sa baga...