Budgeting.
One of my rules at ang pinakakinaiinisan ko sa lahat. Hindi ko kasi alam, akala ko kapag college thesis lang ang magastos. Na tipong pwedeng recycle ang gagamitin pero hindi, I swear, mamumulubi ka.
First time kong nabutasan ng bulsa, not literally pero ganoon pa rin yung thought! First time kong magskip ng lunch para makatipid, para makabili ng tracing paper or ng sangkatutak na uni pin (mahal kasi ang tech pen:3) para lang may magamit ako sa plano.
Uso ang manual drafting, hindi katulad ngayon na asensado na ang lahat. Noon talaga halos tatyagain mo ang lahat para lang makapagpasa ka, kahit di kumpleto, basta makapagpasa lang.
So mabubutas ang bulsa mo, yung tipong ang matitira na lang sa iyo ay yung pamasahe mo pauwi, minsan short pa.
Hindi kasi lahat ng Arki mayaman. Di porket nagaaral sa isang private school e mayaman na kaya nakakainis kasi nagdedemand ang mga prof ng mga specific materials! Hindi ba nila alam na ang hirap hirap humingi ng pera? Hindi ba nila alam na may mga estudyanteng nagpapakagutom para matustusan ang mga gamit nila? Walang alam ang prof sa inyo kaya matuto tayong magbudget. Magtipid kahit ayaw natin.
Kung katulad kita na hindi ganon kayaman, bawal muna ang luho, bawal muna ang gala kung gusto mo talagang makagawa ng maayos na project at kung gusto mo talagang makatapos.
Hanap ka na ng ways para makatipid, kasi kung gaano kamahal ang tuition mo e ganon din kamahal ang gamit mo!
Umpisahan natin sa gamit na bibilhin mo:
Nung unang araw na tumuntong ako sa school ko nagdalawang isip pa ako kung talagang eto ang gusto ko. Wala akong binayaran, perks of having a good grades way back in high school, kaya okay lang sa akin na magshift. Pero nung iniisip ko na mahirap umalis sa Arki, kung katulad kitang kinuha ang course na ayaw ng magulang mo, baka katulad din kitang naisip na once you out wala kanang ibang choice kundi sundin ang gusto ng mama mo o ng papa mo. Mahirap diba? Kaya kahit hindi ko gaano kagusto e pinush ko.
Pero hindi talaga siya simple e, hanggang ngayon nagbabalik ang nakaraan sa lahat, lahat ng ginawa ko, lahat ng nalaman ko at lahat ng naranasan ko. Hindi kasimple kahit lang sa paglaman kung anong mga dapat gamitin sa Architecture.
T-Square. Eto yung mahabang ruler na akala mo e matatangkaran ka pa. Sa Arki "daw" ay yung 36in while sa Engi "daw" ay yung maliit na version. Eto din yung ruler na katakot takot pagnabali o nasira, kasi mahal, kasi isa ito sa needs ng estudyante.
T-Square din ang ginagawang sandata ng mga Arki. Biruan na namin na kapag may nangholdap sa amin ay ito ang ipupukpok namin sa holdaper! Mahaba kasi talaga, parang espada kaya feeling namin nagcocosplay kami. Tapos ang hirap pa dalhin, minsan hawak mo o kaya nasa likuran pero kahit alin sa dalawa e mahirap talagang dalhin ang T-square! Isama mo pa si Staedler.
Kilala niyo ba si Staedler at Rotring? Nung una, nung first year ako, hindi ko din sila kilala. Ni hindi ko nga sila pinapansin kapag nasa National Bookstore ako. Ni hindi ko alam kung anong pagkakaiba ng kulay nila na blue at red, kung sino sa kanila, kung bakit kailangan sila ang gamitin.
Nung first year din ako, hindi ko alam kung para saan ang T-square at canister, swear mahina ako sa ganyan slow kasi ako at hindi palabasa.
Si T-square at canister palaging magkasama, pwedeng parehas rotring o staedler, depende sa iyo kung saan ka makakamura.
Anung nilalagay sa canister? Syempre papel, kung ang classroom niyo ay di kagandahan ng drafting table—dapat may cartolina ka. Always have it in your canister, para kahit papano gumanda ang gawa mo.
Tracing paper, may ibat ibang size yan, what I mean e yung grade ng bawat tracing—makapal, manipis o tama lang. Isa ito sa pinakaneed ng estudyante at dito talaga nauubos ang pera mo ang mahal kasi !
Marami kind ng paper na pwedeng gamitin, meron pa yung watercolor paper na nakakaloko sa mahal, tapos ang size A3 lang pero ang mahal! Haha, ginagamit usually yan sa Viss. Comm. Pag first year ka kasi feeling fine arts ka din.
So meron pang watercolor or kahit anong paint ang gagamitin. Di uubra ang tag25-40 na watercolor, pambata lang yun, dun ka na sa mahal pero matagal maubos maganda pa kalalabasan ng gawa mo.
Kung balak mong maging Arkitekto balang araw ihanda mo na ang iyong bulsa, usually mahal kasi ang tuition so kung hindi ka pinalaking mayaman might as well magtira ka ng pera sa baon mo para makatulong na din sa gagastusin mo.
Architecture ay hindi lang dahil mahilig ka magdrawing. Marami akong nakilala na magaling nga pero di naman tumagal ng isang sem. Yung iba naman magaling sa drafting. Sa Arki, dapat mabilis kang magplano, maganalyze sa utak mo dahil kung palagi kang loading...parang Youtube sa tagal magload walang mangyayare sa iyo.
Subjects
Major at Minor. Pero actually parehas lang yan. PagnagArki ka dapat marunong kang magschedule ng time. Oras, yan ang palaging numero uno mong tututukan dahil walang oras sa arki. Though makakagala ka naman ang kaso kapag binigyan ka na ng project, ng esquisses hindi mo na maiiwan ang inuupuan mo once magstart ka ng gumawa.
First year: Basic MATH.
Akala ko nuon walang math dito, kasabihan nga minsan sa Arki na tapunan ito ng mga ayaw magEngi dahil akala ng lahat walang MATH! Pero nganga tayo guys! Kasi hindi lang isa at dalawa! Hindi lang basta TRIGO, ALGEBRA, GEOMETRY at CALCULUS ang pipiga sa utak mo! SPOILER ALERT na ko ha, pero handa niyo na ang brain niyo kay AS o mas kilalang Architectural Structure. Nakakabuwang na halos ikamatay ng lahat sa Arki lalo na kapag Engi pa ang nauwi sayong prof. Nakakamatay sa utak, sa mga matatalino out there BUTI PA KAYO, at sa mga katulad kong average lang GOODLUCK GUYS! Pero yung totoo, look at me! I survived! Ilang AS din yun, ilang piga ang ginawa ko sa utak ko times three referring kay Prelim, Midterm at Finals.
Pero walang tatalo sa mga MINOR na nakikiMAJOR. SIguro naman naranasan niyo na to nung high school, pwes malala sila ngayon sa college. Mga alam na nga ang pinagdadaanan natin pero para silang mga bingi at bulag. Mga walang konsiderasyon kaya nakakainis! Kaya I'll tell you now, gumawa ng planner at ingatan maigi ang oras dahil mahirap magcram kapag buong units mo binagsakan ka ng sangkatutak na project.
Hindi madali ang buhay sa Arki, tignan niyo naman, may sinabi ba akong naging masaya ako umpisa ng kwentong ito? Because it will make your life a living hell! Hindi ako exagge, at hindi ko sinasabi sa inyo ito dahil para matakot kayo at wag ng kunin si Arki.
Katulad ko, maraming tao na napunta sa kursong ito na hindi nila gusto. Hindi naman kasi talaga madali. Lalo na sa akin na hindi palaging pala-aral. Ni hindi ko nga naiintindihan ang bawat pinagaaralan ko. Pero sa Arki kasi may isang advantage, makakapunta ka sa iba't ibang lugar. Para kaming tourism student. Nalibot ko na nga ang buong PASAY, RECTO, INTRAMUROS, at iba pa using my own feet. Lakad lang, alay lakad pa nga, di uso samin ang jeep kung kaya naman lakarin. Para lang turista kahit ang totoo e gumagawa ka ng project. Dito mafefeel ko masaya pala magArki lalo na din kapag nakagawa ka ng masterpiece mo. Yung naipapakita mo kung anong personality mo using your plans kapag may esquisses kayo.
Masaya naman talaga sa Arki. Kasi marami kang matututunan na akala mo ay wala lang kapag nakikita mo. Saka dapat mahilig ka sa HISTORY, dahil dito iikot ang buhay Arki mo bukod kay MATH.
SPOILER ALERT ULIT: Kapag nagaaral na kayo ng HISTORY OF ARCHITECTURE, make sure na lahat ng notes hindi matatapon. Ultimo maliit na bagay wag mo isawalang bahala kasi kailangan mo yan kapag 5th year ka na. Kailangan yan dahil may subject kayo na kailangan mo iexam lahat from first year to 5th year. Dito ka mawiwindang kaya sinasabi ko na. dahil windang ako ng nalaman ko to, di ako pinatulog everytime may exam kami. Kakasakit na naman sa utak.
Pero believe me guys, ganon pa man, maiistress ka talaga pero matutuwa ka sa maachieve mo dahil anything else(di ako bias) ano man sabihin ng ibang course--mahirap talaga maging ARKI.
BINABASA MO ANG
ARKI-TORTURE
RandomSa buhay Arkitekto hindi basta marunong kang gumuhit, kailangan maganda ang kalusugan mo. Kailangan palagi kang may baong armas. Kailangan mabilis kang matuto. Kailangan hindi ka mareklamo sa puyatan. Kailangan hindi ka nawawalan ng diskarte sa baga...