The Contract

198 5 2
                                        


So let's start.

Parang love story ang pamagat. Parang about sa dalawang taong nagkakilala dahil sa contract.

Parang pag-aaral ng Architecture, makikilala mo ang kurso kapag nagpupuyat kana ng dahil kanya.  Kapag kailangan mo na siyang bigyan ng atensyn at hindi lang magpetiks petiks.

Dahil sa umpisa palang parang pumirma ka na ng kontrata.

Pwede ka magback out pag di mo na kaya pero tandaan na may consequences yun. Dahil ang Architecture hindi lang basta bastang kurso. Hindi lang yan pera.

Puyat, pagod, oras at pera ang nakataya. Pati kalusugan mo naitataya mo na.

Marami nangangarap na maging isang ganap na Arkitekto pero mind you, mahirap pero sulit.

Kasi makita mo lang yung naidesenyo mong bahay na itinatayo na e marerealize mo na yung limang taon o higit pa e worth it.

Yung paghihirap mo e may napupuntahan din.

Pero hindi ko sasabihing madali ang Arki. Hindi naman talaga.

Hindi ito katulad ng sinasabi ng iba na basta marunong ka lang magdrawing o matalino ka sa math.

Dahil pagnarinig mo ang Architecture sa pananaw ng iba akala nila madali pero sa pananaw nating mga Arki mahirap.

Sino madadalian sa unang pasok mo lang sa skwela e may pagpupuyatan ka agad na assignment. Lahat ata ng parte ng katawan mo kailangan mo sa kursong ito.

Hindi lang skills at talent. Matutong magkaroon ng common sense. Nang tyaga at paninindigan dahil umpisa pa lang—pagkaupong pagkaupo mo palang sa tapat ng drafting table iyon na ang simula.

Nakasign ka na sa kontrata na pagaralan ang kursong ito. Na isasapuso mo ang pangarap na maging isang Arkitekto.

-------

FIRST YEAR

Materials: (ayon sa pananaw ni Author)

T-square = Major na kailangan mo, kahit na uso ang CADD ngayon siguro naman ituturo pa rin sa inyo ang manual drafting. Rotring or Staedler-magagandand klase mga iyan, 36 inches ang sukat para sakop hanggang dulo ng drafting table. Ito rin ang magsisilbing  bestfriend mo hanggang 5th year.

Triangle = Sila yung mga ruler na hugis triangle, pwedeng maliit, pwedeng malaki basta kambal sila ng T-square. Bestfriend mo din sila. May 30x60 may 45x45.. gamit na gamit mo iyan lalo na pagmagpe-perspective ka kaya sabi ko bestfriend mo sila e. 

Curve Ruler = Iyon ata ang tawag doon, nagagamit ko ito masyado. Ito yung parang ruler na puro curve lang, magagamit mo sa mga pakurbang disenyo na gusto mo. Idol ko kasi si Zaha Hadid kaya mahilig akong maglaro ng design sa plano ko.

Materials: Ink and Papers

Tracing Paper = If first year ka, hintayin mong sabihin ng prof mo kung ilang grams ang dapat mong bilhin. If wala siyang sinabi e depende na sayo kung ano ang kukunin mo. Usually ang binibili ko ay 20-25 grams ata iyon. (Sorry, matagal na akong di nakakagamit at nakakakita ng tracing paper) Manipis iyon, nagdadrawing muna kasi ako ng sketch para kapag nilapat ko na sa tracing paper ay hindi madumi.

Watercolor Papers = Para sa Vis. Comm., mahal pero syempre kailangan mo ito kasi nagaabsorb ito ng tubig kaya ibang iba ang magiging output ng gawa mo. 

Uni-Pin = Kung namamahalan ka sa Tech-pen ay ito nalang ang bilhin mo. Mahal din ito pro hindi masyadong nakakatakot gamitin. Disposable din sila, matagal mawalan ng tinta kaya sulit naman ang pagkakabili mo. Maraming point ang uni pin, from .005 to .8 (di ko alam kung may 1.0 sila kasi hindi ako umabot sa ganun). Since manual drafting, eto ang magsisilbing outline mo. Matyaga mong ililinya lahat depende sa tamang point na gagamitin mo. Why? Maganda kasing tignan yung gawa mo na may Line Weights. 

Pencil (Mech Pen or traditional) = since Arki ka, dapat alam mo ang pinagkaiba ng H at B, ano ibig sabihin ng F. Sa simula ay sasanayin ka na malaman iyon at kung saan dapat ginagamit. Daan iyon para matutunan mo yung mga line weights. H for Hard and B for Black. 

Artline(pangalan ng pen) = Parang unipin na pentel pen, may point din ito from 1.0 to 3.0. Usually naman ay yun lang ang binibili ng iba. Minsan kasi ginagamit ito sa mga border. O kaya para hindi ka mahirapan magsulat na pang Arki. Since puro curve kasi ang name ko hirap na hirap akong gumamit ng manipis na point kaya malaking tulong sa akin ang Artline.

Materials: Coloring Materials

Watercolor = Use Prang Watercolor, mga nasa 200 ata iyan. Hindi ako nakagamit nito kasi may acryllic waterbase ako pero worth it ang pera. Maganda siya gamitin, nakikita ko kasi yung mga kaklase ko na maayos ang gawa dahil sa Prang. Hindi ko siya madescribe kasi hindi ko pa nga nagamit pero kung bibili din kayo ng coloring materials e isa na ito sa iinvest niyo.

Bukod sa Prang, pwede din kayo gumamit ng Faber Castle, wala naman nagbabawal o nagdedemand sa mga gagamitin niyo. Depende din naman sa imagination niyo at kamay niyo kung paano niyo aatakihin ang artworks niyo. 

Pero syempre, gusto ko mag-advise ng mga gamit na sa tingin ko ay worth it naman.

Yung ginamit ko kasi ay isang Acryllic Waterbase, regalo kasi sa akin kaya hindi na ako nagpalit ng iba pa.

Color Pencil = Siguradong kakailanganin niyo din ito, hindi lahat ng projects at esquisses niyo ay watercolor ang medium niyo.

Kure Color - (tama ba spell?) Seriously? Isa ito sa mga necessities, lalo na kung gusto mong gumanda ang gawa mo. Hindi ka lang din kasi magaling dapat sa plano, maganda din ang pagkakarender mo para bongga ang pesentation ng drawings mo. At ito ang pinakamahal, kung hindi ako nagkakamali nasa 118 ito per piece.  Hindi ako nakabili nito kasi mahal kaya nanatili ako sa materials na meron lang ako. Pero kung kaya mo naman bumili ay mag-invest ka. Malaking dagdag din sa grades ang nagagawa ng magandang render sa plano.

Copic Markers -  isa pa ito sa mahal. Hindi ito uso nung first year ako saka hindi ko kayo pinipilit na bumili. Sinabi ko lang kasi maganda siyang pangkulay. Parang Kure Colors lang din. Kaso mahal talaga.

May nabibili sa National Bookstore na tig 130 pesos ata iyon. Kung di mo afford ang sobrang mahal na gamit okay lang, kagaya ko nagstick ako sa 130 pesos na iyan at nakasurvive ako.

Ito muna, sa next update ko na idadagdag ang iba.

ARKI-TORTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon