A-5

375 7 6
                                    

MATHinong usapan.

Nung nagiisip ka ba ng kurso na kukunin mo Architecture agad ang naisip mo? Kung oo, dapat alam mo na hindi biro ito at kung hindi pa, well goodluck.

Nung nalaman mo ba ang Architecture napaniwala ka ba ng pinagtanungan mo na walang math dito? Naniwala ka ba na kapag eto kinuha mo e mapapadali ang buhay mo? Syempre nagkakamali ka ng paniniwala! Nung first year ako, naging uto uto ako sa mga taong nagmamagaling at sinasabi sa akin na wala daw math sa Arki pero nung isa isa ko ng kinukuha ang bawat units na kailangan ko parang gusto kong balikan yung taong nagsabi sa akin na mag-Arki ako kasi walang math! MERON! Imposibleng wala, lahat ata ng kurso merong math. Hindi ko nga alam kung anung logic ng tinuturo nila, kung nagagamit ba ang bawat equation, bawat formula na binibigay ng mga professors sa buhay ng tao!

Kung tatanungin niyo sa akin kung mahirap, OO, para sa akin lang naman. Hindi naman kasi ako henyo, di rin ako magaling pumick up ng formula agad agaran. Slow ako pagdating sa math so syempre hindi ko kayo matuturuan ng bawat formula pero sasabihin ko nalang kung ano anong math subject ang mapagaaralan niyo kapag nagcollege na kayo. Para mapaghandaan niyo na din.

Math-1
College Alebra
Calculus
Trigonometry
Geometry

Solid Mensuration


Thankful ako sa school ko noong high school dahil kung hindi sila advance magturo baka umpisa palang palpak nako sa klase ko. Napadali buhay ko nung pinagaaralan namin ang apat na yan. Every sem isa o dalawang math ang meron ako kaya dumudugo ang utak ko palagi paguwi ng bahay. Alam niyo yung feeling na parang nagMAPEH ka kaya gutom na gutom na paguwi? Ganun nakakaubos ng lakas yung math sa akin. Dagdagan pa ng ibang minor na nakikimajor. Tapos isama mo pa yung kabrutal niyong professor.

Basic math yan kung tutuusin, well favorite ko si Trigo at Algebra at hate ko si Geo at Calculus. Sa isang year dapat napagaralan mo na sila at dapat maipasa mo. Actually dyan mo maievaluate ang sarili mo kung kaya ng utak mo ang math. Sa ating mga Arki people hindi demanding ang prof kung hindi tayo magaling sa math. Parang paniwala na ata sa lahat na kapag Arki ka mahina ka sa math pero, mind you, kung kaya mo naman taasan grade mo kayanin mo. Hindi ko sinabing magsunog kayo ng kilay, para lang maipakita sa iba na kaya natin, na magaling tayo kahit math pa yan. Ganyan ang Arki, ganyan ang pagiisip namin, na kahit anong mangyare ipakita sa iba na hindi lang tayo magaling sa drawing dapat ipakita natin na magaling tayo sa kahit saan! Ganyan kami magbuhat ng bangko! Hahaha

So syempre ang College Algebra, alam niyo na yan, tinuro na sila nung high school. Ganun pa rin naman iyon medyo inelaborate lang at may ibang equation na dinagdag. Sabi ko nga hindi ko kayo matuturuan about sa math. Pasensya naman, magkaaway kami ni Math simula pagkabata at hanggang ngayon hindi kami bati dahil hanggang ngayon pinahihirapan niya ako!

Trigonometry at Geonometry, pinagaralan niyo na din yan noong high school diba? Parehas lang din yun kahit yung Calculus. Walang pinagbago. Nagbabago lang naman depende sa kung paano ituturo ng prof niyo sa inyo. Kung ako tatanungin, mahirap pero masaya ang math. May favorite subject nga ako diba. Kaya kung katulad ko kayo na hindi din bati ni Math wag kayo mawalan ng pagasa :)

Tiwala lang sa sarili. Yun ang mantra niyo dapat sa buhay.

Math-2
Architectural Structures

AS kung baga. After niyo sa lima na nauna ito naman ang magpapadugo ng ilong niyo. And I mean it, parang gusto mo mamato ng calculator dahil sa sobrang komplikado ng kinuha mo.

Wood. Una niyong tatahakin sa AS. Pagaaralan niyo kung paano kinukuha at ineestimate ang bawat haba ng wood. Yung formula sa AS magkakapareho lang pero kailangan mo ng matinding analization para lang makita ang hinahanap na sagot.

Pagaaralan niyo kung paano makukuha ang bawat stress sa materials na ginagamit niyo like wood. Wood ang unang materials na pagaaralan niyo, after niyo matutunan yung basic AS, dito niyo pagaaralan kung paano makukuha ang resultant force sa bawat loads. Dito niyo din makukuha yung shear at vector na kailangan sa given problem. Kung baga ito ang magbibigay sa inyo ng kaalamanan kung paano niyo lalagyan ng column, beam o ano mang live loads na kailangan niyo sa project niyo. 

Mali ata ako ng pagiintro.

What is AS o Architectural Structure?

May internet kayo? Pasearch naman, hahaha, nakalimutan ko ang meaning nun e, pero para mapadali kayo ibbgay ko nalang yung kung ano pagkakaintindi ko sa AS. Kung may naintindihan nga ako :3

There are 4 types of materials na kailangan niyong malaman sa AS.

1. Wood

2. Concrete

3. Steel

4. Nakalimutan ko sorry :3 sa next chapter ko ipapaliwanag yung iba

These materials, sila yung mga ginagamit mo to build houses, umpisa sa wood hanggang sa modern na steel (for steel frame).

Iisa lang ang formula nilang lahat, yun nga lang may kanya kanya pa rin silang force. At syempre magkakaiba yun. Mahirap kasi iexplain para sa akin, pero ang AS, dito mo malalaman kung yung weight ng loads mo like slab, walls, roof na gagamitin mo sa house ay kakayanin ng column na nilagay mo. So about ito sa resultant force (ps. Para kang nagpphysics!)

Ano pa ba sasabihin ko? Hahaha may natutunan ba kayo? XD di talaga ako bagay maging teacher :3

ARKI-TORTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon