A-2

528 10 17
                                    

Nasa Pre-Design pa rin tayo. Pero nasa agreement na ng owner.

Parang site analysis at kontrata.

So pinili ko talaga ang Arki. Pipiliin mo din ba? Wait lang wag kang atat! Wag moko gayahin, research ka din muna para handa.

There are rules in Arki! Alam mo ba? Kung hindi pa wag kang problemado dahil sasabihin ko naman, so here are the followings: (syempre gawa gawa ko lang yung rules)

Marunong ka dapat magpuyat!

Nasabi ko na ba kanina? Nasabi ko na ata! Di ko maalala sorry, busy busyhan kasi ako. So ayun nga marunong ka dapat magpuyat.  Kailangan alam mo ang tamang paraan ng pagpupuyat at dapat masipag ka magpuyat! Kasi ang project at assignment sa Arki hindi isang bagsakan, hindi isang upuan lang, (actually isang upuan talaga kasi di ka na makakatayo once na simulan mo ang trabaho XD) hindi rin yan parang katulad ng minor dahil ang project, esquisses, o plates? Demanding! As in demanding sila na ituon mo lahat ng oras mo sa kanila. Nakakapagod diba pero masaya, parang love life lang, parang may boyfriend ka lang.

Ganun ang feeling, para kang nakikipagrelasyon tapos minsan maheheart break ka pa! Ewan ko ba kung bakit ako tumagal. Nakakazombie ang pagpupuyat, siguro naranasan nyo na, pero iba sa Arki. Puyat ka na nga, dugyutin ka pa! Para makapasa ng plates, yung iba hindi na maliligo, next time na lang after nila magpasa. Promise nangyayare yan, kasi may deadline at ang mga professor natutuwa pa sa pagkukumahog namin. Natutuwa pa silang makita kaming lahat na tuliro at puyat, ni hindi ka na nga makakain e kasi iniisip mo kinahihinatnan ng project mo.

Kung gaano kaPULA ang tracing paper mo. Promise kadalasan nagdudugo ang mga papel namin, di maiiwasan, sa mga prof mo pa namang feeling genius kahit sinasabi nila palagi na, "Walang maling design" pero tignan mo naman yung papel diba? Hindi daw mali e kulang nalang sabihin na baguhin mo yung design mo!

So naiiba tayo sa topic haha. Pero kung ayaw mo magpuyat may solusyon dyan na kadalasan hindi nagagawa.

After ibigay ng project, kung drawing lang magschedule ka na kung anong oras mo sya gagawin paguwi mo. Ioorganize mo na ang mga kailangan, magsketch ka ng pwedeng concept at design sa scratch.

Iintindihin mo na ang problem ng project. Ilalatag mo ang consideration, minsan pa nga hahanap ka pa ng objectives at philosophy. Kailangan may materiales ka na, kailangan may mga brush at paintings ka na.

Sorry, sa first year kasi, dakila ka kunwaring artist.

Viss Comm ang tawag namin sa arts. Visual Communication yun kung saan tinuturo ang basic knowledge sa drawing, sketch at colors. (Pero ang totoo self study na naman kami, kami na naman magsearch ng kung paano aatakihin ang kawawang project.)

Masaya sa Viss Comm kesa sa Design, nakakaenjoy magkulay. Naalala ko tuloy yung ginamit naming medium ay Kape. As in puyat kami dahil sa design plates tapos nagising kami ng dahil sa kape. Umaalingasaw hanggang labas yung amoy nung gamit namin. Nakakaadik pa naman ang kape, lalo na yung amoy, yung iba nga nagdala na ng asukal at gatas para daw after. Ganun, masaya talaga magkulay kulay, kahit papano marami kami natutunan—sa sarili namin.

So back ulit sa puyat, ayun nga gawin mo ng maaga or umpisahan mo agad kung ayaw mo magpuyat. Usually kasi kapag may plates na ibibigay palaging 1 or 2 weeks ang pasahan. Kaya marami kang oras.

Syempre, hindi lang naman Design o Viss Comm ang subject mo. May mga demanding na minor din kaya kailangan mo talaga ischedule.

Pero kung tinatamad ka at gusto mo pang pumetiks gayahin mo kami. Last minute, rush hour. Ganyan kami kagaling! (Nagmamagaling I mean XD), tipong binigay last week at pasahan ng friday, thursday namin kakanain.

Mararanasan mo yung phrase na "sumabak sa gera", "susuugin ang lahat matapos ka lang". Mararanasan mong ipagpaliban ang ibang subject matapos lang yan. Yung nagkukumahog ng gawa at kapag natapos na ay gusto mong sumigaw ng "I am the King/Queen of the world!" Lalo na siguro kapag napasa mo pa. Senyales na may maipagmamayabang ka kasi ikaw ginawa mo lang ng isang araw samantalang ang iba buong linggo pero bagsak pa. O diba, may advantage ang last minute—minsan.

Take note: Dahil sanay ka na sa puyatan, maeexperience mo yung utak mo na lulutang na kahit gusto mong gumawa hindi mo magagawa. Tapos makakapagisip ka lang ng matino kapag gabi na. Kapag tulog na ang lahat at ikaw lang ang gising. Duon mo maiisip ang dapat gawin. Minsan nangyayare din ito sa rush hour, pasensya na, kapag nag Arki ka makakaranas ka rin ng weird na bagay.

Consultation

This is where I lack the most.

Consultation to prof. Meaning dapat marunong kang manguto sa prof. Ifriend mo sila, though, pili ka yung bata at hindi yung mga nagmemeno na. Bigyan mo sila ng idea na mabait kang bata. Para kapag fifth year ka na at nandyan pa sila may backer ka sa thesis. I swear maraming ganyan na professor, pero wag niyong sobrahan, baka kasi isipin nila dumidikit kayo para taasan nila grade niyo. Guys wag pahalata, kasi baka makakaaway pa kayo mahirap na.

So dito ako sablay. Tahimik kasi akong bata, ayokong kumausap ng mga ganyan feeling ko kasi sumisipsip lang ako. Which is hindi ko ugali.

Sinabi kong consultation kasi dapat marunong kayong maglatag ng gawa niyo sa prof. Guys kung trip mo talaga magArki dapat makapal mukha mo. Marunong kang magdefend ng gawa mo. Marunong kang magtanong about sa gawa mo. Wag ka matakot, monster lang sila kapag kuhaan ng grade pero mababait naman sila—minsan.

Kapag may hindi ka alam punta ka sa ibang prof, tanong ka, pag di ka sinagot hanap ka ng iba. Ganun kasimple pero mahirap din.

May mga prof kasi na di porket lisensyadong arkitekto e kung makaasta akala mo kung sinong magaling. Nakakagigil kaya sila minsan, aayawan nila yung design mo at pipilitin na iimplement mo yung design na gusto nila. Ganun kadalasan ang mga prof sa Arki kaya wag ka maniwala sa palagi nilang sinasabi na "walang maling design". Walang maling design kung gagayahin mo yung gusto nilang design ng plano.

Demanding na nga ang kurso pati ba naman ang Professor? Ganun talaga, wala tayong magagawa.

So balik tayo sa consultation. Take note lang ha, hindi naman kailangan ng puro prof ang pagtanungan niyo. Usually makakatulong ang iba mong kaklase lalo na yung mahilig magbasa ng libro, NBC or laws na palagi nating ginagamit. Di ka man maapproach ng mga nasa faculty, try mo sa friend mo yung palaging tambay ng library hindi para matulog kundi para magaral. Marami silang masasabi, tignan moko, umabot ako ng fifth year dahil sa tulong nila.

Parang consultation kasi yan sa owner. Isipin mo na yung mga kinukuhanan mo ng ideas, yung mga taong tinatanungan mo e syang may-Ari gaya ng mga professor. Parang owner, sila ang maggrade sayo kung okay ba yung plano mo o hindi. Sila ang magsasabe sa iyo kung kailangan ng revision o hindi, parang sa trabaho, owner din ang magdedecide ng lahat.

May rules pa.

Di pa ko tapos.

Simple palang yan, kaya pa ba o hindi na?

Rules palang yan.

Mga dapat mo lang paghandaan pag Arki ka, yung iba kasi rants ko na. Sorry naman nakakagigil talaga ang Arki.

Hindi pa yan ang torture!

Nagsisimula pa lang ako :)

----

NOTE:

Lahat po ng sinasabi ko dito ay pawang mga opinyon ko lamang. Kung hindi mo man naranasan o mararanasan ay hindi ko na kasalanan. Mga naranasan ko kasi yang lahat sa school ko. Mga naoobserbahan ko sa paligid ko at mga experience ko habang nagaaral.

Happy New Year Everyone! :D

ARKI-TORTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon