Sana ol

2.3K 79 4
                                    

"Sana ol may jowa!" sigaw ko pagkababa ko nang jeep, kanina pa kasi may naghaharutan na magjowa roon. Mapapa-sana ol na lang talaga ako.

Napailing ako sa sarili kong kagaguhan.

Inayos ko na muna ang aking sarili bago dumiretso sa building namin. Pero bago pa man ako makapunta sa may bulding namin ay may nakita akong lalaking may hawak ng chocolate.

"Sana ol may chocolate," I shrieked, napalingon naman sa'kin 'yung lalaki.

Tinignan niya 'yung hawak niyang chocolate bago tumingin sa'kin. "Gusto mo?"

Agad na naghugis puso ang mata ko, "Bibigyan mo ako?" tanong ko.

He nodded his head, "Take it." pag-aabot nito sa'kin ng chocolate na tinanggap ko naman agad.

"T-thank you." nahihiyang sambit ko rito, narinig ko ang pagtawa niya.

"Alright, I gotta go." He smiled before patting my head, I giggled.

"Sana ol g'wapo pagngumingiti." I joked.

Napailing naman 'to, "Silly. Go to your classroom." pagtataboy sa'kin nito with hand gesture.

I waved my right hand, "Bye!" bago pa siya makasagot ay tumakbo na ako papuntang building namin.

Buong klase ay nakatingin lang ako sa may tsokolate at ngingiti na parang timang. Naalala ko si kuyang nagbigay sa'kin kanina, ang guwapo niya at ang cute plus na ang bango-bango niya pa.

"Hoy, Kimberly! Mukha kang baliw." inangat ko ang aking paningin at nakita ko ang kaibigan kong si Marianne.

"Sana ol mukhang baliw."

Binatukan ako nito, "Aray naman!" sinamaan ko siya ng tingin pero inambaan niya lang ako, brutal!

"Sana ol pa more, ayan ikaw tuloy ang lowest sa quiz kanina!" bulyaw nito sa'kin atsaka ako piningot ko sa tainga.

Napahawak ako sa parte ng tainga ko na masakit, "Oh, bakit ikaw, ilan ba score mo?" nayayamot na tanong ko.

"47, three mistakes." nagyayabang na ani nito, nginusuan ko naman siya at nagmake face.

"Sana ol tatlo lang ang mali." pang-aasar ko rito, naiinis kasi siya tuwing nagsasana ol ako. Mukha raw akong tanga, napaka-salbahe talaga nitong kaibigan ko.

Marianne sighs, "B'wiset na 'yan." tumawa ito at hinawakan ako sa braso, "Tara na nga at tapos na ang klase, Ms. Sana ol."

"Let's go." maligalig na sambit ko.

Umalis na kami sa department namin at nadaan namin ang deparment ng mga Engineering students, sakto namang labasan na din nila.

"Ang gu-g'wapo talaga ng Engineering students," malanding hirit ni Marianne with matching hampas pa sa'kin.

Nakanguso akong tumango, "Tignan mo 'yon." turo ko sa isang guwapong stud'yante.

"Oppa, bes! Sarap jowain."

"Sana ol masarap jowain."

"Hey." napalingon ako sa may likuran ko, namilog ang aking mata ng makita ko 'yung lalaking nagbigay sa'kin ng chocolate.

"Kim, una na ako. Ikaw na bahala d'yan, biglang nagtext sa'kin si Mama." bago pa ako makaalma ay nakatakbo na ito palayo.

"Hoy babae, tumingin ka sa'kin." pagsasalita nito ulit, tumingin ako sa kanya at nagpeace sign.

"U-uy, ikaw pala, hehe. Ano ginagawa mo dito?" I asked. Tumingin naman ito sa'kin at kumunot ang noo niya.

"Sinusundo ka malamang." he said in a matter of fact tone.

I was about to open my mouth when he spoke again.

"Sino 'yung lalaking tinitignan mo kanina?"

Dahil sa tanong niya ay napalingon ulit ako sa lalaking 'yon.

"Now you are staring at him again, huh?" dumilim ang eskpresiyon nito kaya ibinalik ko ang tingin sa kaniya.

"Guwapo e, tapos Engineer pa." natatawa kong sambit.

Hinatak ako nito palapit sa kaniya.

"Guwapo 'rin naman ako at Engineer, ah?" bulong nito dahilan kung bakit ako napalunok.

"Sana ol guwapo at Engineer." I murmured.

Pinitik nito ang noo ko, "Crush mo ba 'yon?" He arched his left eyebrow.

Tumawa naman ako nang malakas dahilan upang makuha ang atensiyon ng ibang studiyante.

"Hindi ah, pinagsasabi mo?" pabiro ko pa siyang hinampas sa kaliwa niyang braso, "Salamat pala sa chocolate kanina, kuya. Sa uulitin."

"Kuya?" patanong nitong sagot.

"Oo, hehe. Ano pala pangalan mo?"

Umismid ito at tinignan ako ng maigi, "Quit your silly games, baby. I know you are mad at me because I fell asleep last night while we are waiting for our anniversary. Sorry na okay?"

"Sana ol nakatulog kagabi."

Napaface-palm naman ito, "Hindi ka titigil?"

"Sana ol hindi titigil."

"Isa."

"Sana ol isa."

"Dalawa."

"Sana ol dalawa."

"Tatlo." nagtitimpi nitong pagbabanta.

"Sana ol tatlo."

"Itigil mo na 'yang kakasana ol mo, alright? Sorry na kasi." sinuklay nito ang buhok gamit ang kaniyang kamay, bakas ang frustration sa kaniyang mata.

"Sana o-"

Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay ninakawan na ako nito ng halik.

Napaawang ang aking labi bago ko siya iduro, "Pagkatapos mo akong tulugan kagabi, sa tingin mo isang kiss mo lang, okay na ako?"

Ngumuso ito na parang bata, "I love you."

"Che!"

"I love you, Kimberly."

"Magtigil ka!"

"Mahal kita."

"Heh!"

"Mahal na mahal-"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita, "Oo na, bwiset!"

He chuckled, "Bati na tayo?" tanong nito, tumango naman ako.

Ngumiti naman siya at may kinuha sa likuran ng kaniyang pantalon.

White roses, my favorite.

"Happy 1st anniversary, my own sana ol." iniaabot niya sa'kin 'yung rosas na agad kong tinanggap. Inamoy ko ito at napangiti.

"I love you, Engr." ani ko, lumamlam ang mata nito at napangiti. Minsan lang kasi ako mag 'I love you' sa kaniya, mas gusto ko iparamdam kaysa laging sabihin sa kaniya.

"Wala ng topak?" sinamaan ko siya ng tingin, tumawa siya at pinisil ang pisngi ko, "I love you more, misis ko."

Nagkatitigan kami at sabay na natawa ng biglang may sumigaw mula sa malayo.

"Sana ol may jowang Engineer!"

Flash fiction stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon