Year 2048.
A named Law Santiago will be the new elected President.
Year 2048.
Ika-25 ng Disyembre, ang araw kung saan ipinatupad ang Purge day o ang araw ng pagbabawas. It is legal to kill someone on that certain day.
Year 2050.
Rape will be legal. Killings and crimes are everywhere.
Year 2052.
World war III is coming. Philippines will be the battleground. Dadanak ang madaming dugo.
Year 2053.
Storms, earthquake, volcanic eruptions and flash floods are getting serious and severe as time passes by.
Year 2055.
End of the world.
—
End of the world is about to happen.
“Hey, are you listening?” inangat ko ang aking paningin. Nakita ko agad ang malamlam na mata ni Kin.
“W-what?”
Bumuntong-hininga ito, “Nalaman na nila ang sikreto mo.” hindi na ako nagulat sa sinabi nito. I smiled, a fake one.
“Hinahanap ka ng kapatid mo. Kailan mo balak bumalik sa bahay niyo?” pagtatanong nito.
Umiling ako, “I don't want to face him, Kin. I am scared.” pag-amin ko dito.
Niyakap naman ako nito, “Baby, prediction lang 'yon. Huwag mo masyadong problemaduhin 'yan.”
Hindi ko mapigilan maiyak, “Kin, halos lahat ng prediction ko nagkakatotoo. Kailangan natin maghanda, hm?” I desperately said.
“Listen, Bata pa ang kapatid mo, hindi siya ang magiging simula ng lahat, okay? Mababago pa natin ang p'wedeng mangyari.” pagpapatahan nito sa'kin.
“How?” I asked. Hindi agad ito nakasagot.
“Should I kill him, Kin?” basag ang boses na tanong ko.
“Sino ang papatayin mo, ate?” nanigas ako sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa aking kapatid, nakakunot ang noo nito.
“L-law.” mahina kong pagtawag sa pangalan nito. Hindi ito sumagot, nanatili ang kan'yang tingin sa akin.
“Kin, Iwan mo muna kami, please?” nag-aalangan man ay agad kaming iniwan ni Kin.
“Ate, anong ibig mong sabihin?”
Huminga ako ng malalim. Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang aking kamay. Umiling ako ng paulit-ulit.
“Wala, Law. Wala...” nabasag ang aking boses.
Tumingin ito sa'kin, “Narinig ko lahat, Ate. Ayun ba ang dahilan kung bakit mo ako nilalayuan?” In such a young age, napakatalino na ni Law. He is a good child. Hindi ko talaga lubos maisip kung paano niya magagawa 'yon.
“I'm sorry, Law.” patuloy lang sa pagtulo ang luha ko, “This is my fault.” agad akong niyakap nito.
“Shh. Hindi mo kasalanan, ate.” kumibot-kibot ang aking labi.
“Madaming dadanak na dugo. Madaming buhay ang mawawala. Kung isang buhay lang ang mawawala, madami ang mabubuhay. Ate, do me a favor.”
—
Year 2050.
Akala ko napigilan ko ang p'wedeng mangyari.
Akala ko kapag natapos ang buhay ng isang tao, mapipigilan ko na ang unos na darating. Mas lalo lang pala itong lumalala.
Ibinaba ko ang kurtina ng bintana ng bahay na tinutuluyan ko. Napatingin ako sa repleks'yon ko sa basag na salamin na nakadikit sa gilid ng dingding. Walang buhay na mata. Mahaba at itim na itim na buhok na laging naka-ipit. Ang pilat sa kaliwa kong pisngi.
Araw ng kapaskuhan ngayon pero wala kang makikitang makukulay na Chrismats lights at mga tao sa kapaligiran. Paano nga ba nila masisikmura na magsaya? Today is Purge day. If you leave your house, you will be dead.
Pero ngayon, handa na ako. Ang pagkamay ni Law ay ang pagkamatay ko na 'din. I'll try my best to bring back peace in the world. Kinuha ko ang mga gagamitin ko at agad akong pumunta sa may garahe. Agad kong pinaandar ang aking kotse. Diretso lamang ang aking tingin.
Pilit kong inaalis ang tingin ko sa mga taong nanghihingi sa akin ng tulong. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng putok ng baril, agad na nagpasirko-sirko ang sinasakyan kong kotse.
Bumangga ito sa may puno. Agad na nanlabo ang aking mata.
“Huwag niyong gagalawin 'yan.” narinig ko bago ako mawalan ng malay.
—
“U-ugh...” iminulat ko ang aking mata, agad akong napapikit dahil sa nakakasilaw na liwanag.
“Finally, Gising ka na.”
That voice.
Agad na nakapag-adjust ang aking paningin, nasilayan ko ang seryosong mukha nito. “I-itigil mo na 'to.” nanghihina kong utos. Ngumiti ito ng nakakaloko.
“Why would I stop? World is so cruel,” tumango-tango ito, “You must need to be cruel too, kung hindi ikaw ang kawawa.”
Napalunok ako.
“Hindi mo mababago ang mundo. Hindi mo mapipigilan ang pag-gunaw nito. Wala kang magagawa. Hindi lang ako ang puno't dulo nito. Sila 'din ang tatanga-tanga na nagpasilaw sa kasamaan.” dagdag pa nito.
“Kaya ko.” tumawa ito ng malakas sa sinabi ko.
“How? Sa pagprepredict mo ng mangyayari? Ano, mamamatay ba ako? Kapag ba namatay ako titigil ang kasamaan na lumalaganap?”
“Kin.” pagbanggit ko sa pangalan nito
May kirot sa puso ko, I trusted him. Akala ko katulong ko siya, akala ko. Akala ko lang pala...
“Please. Wake up! Hindi ikaw 'yan.” I shouted, ngunit parang pumasok lang ito sa kaliwa niyang tainga at lumabas sa kabila.
“Shut up. Tapos na ang mission mo sa mundong ito. Hindi ka na kailangan dito. You need to rest.”
Natawa ako.
Nanghihina na ang mga tuhod ko. Unti-unting bumagsak ang luha sa mata ko. Napatingin ako sa malaking transparent glass na nasa likuran ni Kin. Nakita ko kung gaano kagulo sa labas ng silid na ito.
Hindi ko na nga ba talaga maibabalik sa dati ang mundo?
Eto na ba talaga ang aking katapusan?
Napatingala ako.
‘I am sorry, Law. I thought I can do this. Sorry...’
“I am ready, Kin. Kill me.”
May kinuha ito sa kan'yang likuran. Isang baril. Pumikit ako at pinanatag ang aking kalooban.
“Goodbye, Peace.”
Agad na binalot ng kadiliman ang aking paningin.
Peace of the world is finally signing off.
BINABASA MO ANG
Flash fiction stories
FanfictionSana magustuhan nyo ang aking mga flash fiction stories sorry sa mga wrong grammar and spelling d namn ako perpekto HAHAHAHHA enjoy! Reading guys! Sumimasen