HOME

789 20 1
                                    

"You are not supposed to be here, Czarina." His voice was cold, napatitig ako sa maamo niyang mukha, ngayon ko lang ito napansin nang maayos dahil noong una naming pagkikita ay nakatakip ang buo niyang mukha.

He has a fang! Nakasuot pa rin siya ng itim na croak at kulay bughaw ang kanang mata niya samantalang berde naman ang isa. Ang ganda... nakakalunod 'yung mata niya. Kakulay ng mundo.

Napalunok ako at napakurap, "You are not the one who supposed to say that to me."

Napamaang ito at tumawa ng pagak, "Then who will it be?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Why do you care? Can you leave me alone?" nauubos na pasensyang sambit ko rito. Hindi ko kasi kinakaya 'yung presens'ya niya. Nababalisa ako.

Tumawa ito, tila nang-aasar, "You are so rude. After I saved your life, you'll treat me like that?"

Kinain naman agad ako ng hiya, "Edi thank you! Tse, huwag mo nga akong kausapin. Nagdudugo ang ilong ko sa'yo." lumakad ako palapit sa pinto ng aking time machine.

"Aalis ka na?"

Tangina! Suwabe magtagalog, nakakalaglag panty.

Inayos ko ang sarili at umubo muna, "Oo."

Biglang gumuhit ang lungkot sa mata nito, "Are you leaving because of what did I say earlier? I am just joking though it was half true."

Umiling ako. Lumapit naman ito sa'kin at tinignan ako ng mabuti.

"Are you coming back?"

"Do you want me to come back?" balik-tanong na sagot ko rito. Umaasa na sasabihin niyang 'oo'.

Nakita ko ang pagdadalawang isip niya, bago pa siya sumagot ay inunahan ko na siya.

"If you don't want me here, hindi na ako babalik. This would be the last." pigil ang luhang sambit ko bago tuluyang pumasok sa aking time machine.

"I don't want to put your life in danger. It will be better if you choose not to come back here,"

-

Napahiga ako sa aking kama. Kakabalik ko lang sa kasalukuyang panahon. I feel so drained, dagdag pa ang naging usapan namin ni Dominic kanina.

He is Dominic, he has no surname, just name. Nakilala ko siya noong sinubukan ko ang machine na matagal ko ng pinageeksperimentuhan. He is from the year 2080, the world there is so different yet it was so fascinating. Sobrang advance na ng teknolohiya roon at... mga immortal na ang tao.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kaya bumabalik balik ako roon, and to do some research. Kaya lang noong nakaraang linggo, nagkaroon ng isang aksidente, muntik na akong kuhanin ni kamatayan! Luckily, si Dominic, 'yung una kong nakilalang immortal ay iniligtas ako. Doon niya lang din nalaman na isa akong mortal na nagtitime travel, kaya pinagbawalan niya akong pumunta roon dahil mapanganib.

Iwinaksi ko ang aking mga iniisip at sinubukan kong matulog.

1:00 am.

Gising na gising pa rin ako! Halos lahat na yata ay ginawa ko na. Nagbending, kinausap 'yung pader, nagbilang ng kabayo, kalabaw, baka, kambing at ipis pero hindi pa rin ako dalawin ng antok.

"Puntahan ko kaya si Dominic?" tanong ko sa aking sarili. Agad akong tumayo at pinuntahan ang aking machine.

Hindi puwede, Czarina! Magagalit si Dominic sa'kin.

Pero anong pakealam ko sa kaniya? Hindi naman siya ang pinunta ko roon!

'Hindi nga ba?' udyok ng isang bahagi ng utak ko.

Agad ako sumibangot. I don't know kung tama ba 'tong nararamdaman ko, tuwing bumabalik ako dito sa kasalukuyang panahon ay hinahanap hanap ko na 'yung presens'ya ni Dominic at ang panahon doon.

I heaved a sighed, "Bahala na kung mapahamak! I want to be with Dominic," pikit mata akong pumasok sa time machine.

Pagkadilat ko ay nagulat ako sa aking nakita. Nandito na ako sa taong 2080, pero ang gulo! Nagkakagulo ang mga tao at parang may hinahanap sila.

"Fuck, Czarina!" isang kamay ang humatak sa'kin at kinaladkad ako nito palayo. Takbo lang kami ng takbo, gusto kong magtanong ngunit hindi ko maibuka ang aking bibig.

Nagsisimula nang sumakit ang tuhod ko, mabuti na lang at huminto na kami, narealize ko na nasa isang dalampasigan kami.

"What are you doing here?!" pasigaw na tanong ni Dominic, halos lumitaw na ang ugat sa kaniyang leeg.

"Bakit ka sumisigaw?" naiinis na tanong ko dito. Aburido nitong sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang kamay.

"Go home. You are not safe here." utos nito imbes na makipagtalo.

"I am safe here!" pilit ko.

"How can you fucking day that? nalaman na ng mga immortal dito na may nakapasok na mortal. They are finding you, so just fucking go home."

Biglang umiinit ang gilid ng aking mata, "Y-you are my home, Dominic." pag-amin ko dito, umiling ito at umiwas ng tingin.

"Stop, Czarina. Huwag mo na akong pahirapan. We don't belong in each other. Magkaiba tayo."

"So what?! Gusto kita, Dom... please, let me stay here."

Tumingin ito sa mata ko, "Stop being hardheaded, Cza. For once, sumunod ka naman sa'kin. Hindi dapat laging nasusunod ang puso, minsan isipin mo din ang laman ng utak mo."

"What did you mean?"

Nakarinig kami ng kaluskos mula sa malayo.

"They are here! Umalis ka na, Czarina.Huwag ka nang bumalik dito, please. Mas maganda ang buhay mo sa reyalidad. Sa kasalukuyan."

Pumatak ang luha ko.

"Paano ka?"

He gave me a warm smile, "I'll be fine here, I am just assuring that you will not come back here."

"B-bakit ba ayaw mo ako dito?" gumaralgal ang boses ko.

"Because you're not belong here. Open your eyes, Czarina."

"She's here! The mortal is here!" mas lumakas ang sigawan ng mga tao.

Naalarma naman si Dominic at tinulak ako sa aking time machine. Gusto kong magtanong dahil ang daming tanong na naiwan sa isipan ko pero nawala lahat nang 'yon dahil sa binanggit niya.

"I love you, mi amore. Don't come back here, come back to me instead."

Nasulyapan ko pa ang mata nito bago sumarado ang ng tuluyan ang pinto.
-

"Shit! Mom! Gising na si Czarina! I'll call the doctor."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Una kong nasilayan ang puting dingding at isang bulto ng babae... si mama?

"Ma?" nanghihina kong tanong. "Anong nangyari? bakit ako nandito? teka, nasan si Dominic? Nasan 'yung machine ko?" sunod-sunod kong tanong.

"Relax, anak! Kakagising mo lang galing sa Comatose, atsaka bakit mo nakilala 'yung doctor mo? Siya pala 'yung nagligtas sa'yo noong mabundol ka ng truck."

Magsasalita pa san ako nang may pumasok sa aking kuwarto. Bumilis ang tibok ng puso ko ng tumitig ito sa'kin.

Si Dominic! Totoo siya at hindi immortal! He saved me, iniligtas niya ako sa pagkakakulong ko sa aking panaginip. Sinuklian ko ang tingin na ibinigay niya sa'kin.

'Yung mga mata niya...

It was a strange feeling but... his presence feels like my home. I am in my home now.

Flash fiction stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon