Ang hirap ng hindi napapansin.
Ang hirap ng hindi pinapahalagahan.
Ang hirap na hindi ka naman kawalan.
Ang hirap ng ganitong pakiramdam.
Na sa iba ay wala ka lang naman.
Ito ako, naghihintay ng taong makakapansin, magpapahalaga at magmamahal sa akin.
Ako si Christine A. Montejo. Tahimik. Mahiyain. Hindi napapansin.
Minsan nga, narinig kong may naghahanap sa akin sa klase.
"Andyan po ba si Christine?"
"Christine?? Ahmm, oy ! Christine daw, sino yun? Kilala mo?"
"Teka, may kaklase ba tayong Christine?"
"Christine ba? Mmmmm" (sabay hawak sa baba) ilang segundo bago pa ito magsalita
"Ay oo! Si most behave! Si Montejo "
"Ay oo nga pala."
"Ayun siya oh nasa sulok na naman. Wait lang po at tatawagin ko."
Pero hindi naman literal na nasa sulok ako?! kundi nasa pinakadulong upuan sa pinakalikod..
︶︿︶
--
Ganyan madalas na parang hindi nila ako nakakasama araw-araw, para hindi makilala at matandaan.
Nasasaktan na rin ako minsan. Nagsasawa na rin ako na lagi na lang ganito.
Nakakairita na rin marinig ang mga bansag nila sakin.
"Loner"
"Pluto"
"Ms. Nobody"
"Most behave"
"Invisible Girl"
Hayss .. meron pa kayang makakapansin sa akin?
O kailangan ko pa bang ipagsigawan na ..
"People!! I'm here!! I'm also a human! And I'm exist!! Can't you notice me?"
xxxxxxxxxxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
Love this Invisible Girl
Teen FictionI'm here. I exist. My soul is screaming. Please, notice me.