"At kanina pa rin ako naiinip dito sa labas. Alam mo bang sobrang lamok dito at napakalamig na rin ate Christine?"
"Allyson?!"
Halos mapanganga ako sa gulat. Pero kahit na nagtataka ay pinapasok ko na muna sila.
"Bakit ka nandito?" tanong ko ulit sa kanya pero si ate Raquel na ang sumagot.
"Alam mo bang kanina pa ako kinukulit nang bata na yan na dito niya daw gusto mangupahan. Dito mismo sa kwarto mo pero syempre sabi ko na hindi pwede kasi gusto mong mag-isa ka lang dito at pang-isahan lang naman talaga dito. Kaso kinukulit niya ako, kilala mo naman daw siya."
"Ay oo ate, kilala ko siya, kelan nga lang. Eh bakit naman dito mo pa gusto tumira Allyson?"
"Ate pumayag kana lang!" aba malditang bata to. Sungitan ba naman ako. " Wala na akong tutuluyan at nandyan na sa labas lahat nang gamit ko. Kumbinsihin mo na si ate na pumayag na din." dagdag niya pa sa naaasar na tono.
Mamaya ko na nga lang siya kukulitin. Nakakahiya na rin kay ate Raquel, oras na nang tulog niya. Kaya kinausap ko na ito na dito na patuluyin sa space ko at sandali ring pinag-usapan ang bayad. Rich kid ang bata, binayaran na lahat hanggang sa end of school year.
Umalis na si ate kaya umpisa na para magtanong sa batang pasaway na to.
"Bakit ka nandito?"umpisa kong tanong sa kanya.
"Dahil gusto ko." Napasabunot naman ako sa buhok ko sa pamimilosopo niya sa akin.
"Tell me your reason kid!" at hindi man lang siya natakot sa pagtaas ko nang boses at inirapan pa ako.
"First, magpapakilala ako. Ako si Allyson Buenavista." sounds familiar?? aish ewan! Asan na ba yung lovely at maamong mukha na una kong nakita? "At may idea ka naman na siguro sa kung sino ako?"
"Wala." bored na sagot ko.
"Asar naman ate! Bue-na-vis-ta! Hindi mo ba maalala yan?"
"Hindi." simpleng sagot ko. Oh di ba, turn mo naman para maasar.
"Kapatid ko si Zayen Rence Buenavista!"
"Paki ko? Sino ba siya?" At binatukan na ako nang batang to at nginusuan pa. In fairness, naalog ang utak ko at naalala ko kung sino tinutukoy niya, ung kaklase kong binansagan kong epal sa buhay ko pala.
"Ate naman ee! Kilala mo siya! Okay. I need your help, and you also need my help."
Pinagsasasabi nang batang to? Panu ko naman kailngan nang tulong niya?
"Kaya inalam ko kung saan ka nakatira, and its nice to know na mag-isa ka lang na nangungupahan dito kaya naman napagdesisisyunan ko na dito na rin tumira."
"Teka! Eh ano yung issue na wala kang matutuluyan? Hindi ka pinalayas o tinakwil o kahit ano?" nagtatakang tanong ko.
"Bakit naman ako papalayasin? Pabor pa nga ito sa mga magulang ko para matulungan si kuya. At ikaw ang makakatulong sa akin."
"Huh? Paano naman ako makakatulong bukod sa pagpayag na dito ka tumira? Ano bang issue nang pamilya niyo? Problema nang kuya mo?"
Humugot naman ito nang malalim na hininga bago nagsimulang magkwento.
"Once upon a time, there is a prince, a perfect prince. Masayahain, sweet at mapagmahal na prinsipe, mabait sa mga magulang at caring na kapatid. Then she found her princes. Nagmamahalan silang tunay and they cant take to lose each other but accident happen. Gaya nang mga cliche na story, namatay ang girlfriend niya sa car accident na nangyari sa kanila. Sinisisi niya ang sarili niya at sana siya na lang daw ang namatay. At nagbago na siya simula nun, naging tahimik at nagkaroon nang sariling mundo. He can't move on at ayaw niya ring gawin 'yun. So I need your help."
"Paano naman ako makakatulong? At bakit ako pa? Saka bago lang din kayo dito diba? Bakit ?" medyo naguguluhan talaga ako sa hinihingi niyang tulong.
"Hindi makakamove-on si kuya kung paulit-ulit niyang binabalikan ang lahat sa lugar namin kaya lumipat kami. And seriously? Hindi mo rin kami kilala samantalang naging famous din kami agad dito."
"Wala akong panahong kumilala ni famous man 'yan o hindi." sabi ko na lang para tigilan niya ako sa issue na yan. " So bakit sa akin ka nga humihingi nang tulong?"
"Kasi for the first time since then, ikaw pa lang ang kinausap niya. And I knew it, malaki ang maitutulong mo."
"Paano nga?" iritadong tanong ko
"Tulungan mo siyang mag-move on. And let him fall in love with you."
Napatayo na ako sa sinabi niya sa akin. Nababaliw na ba siya? At bakit ko naman gagawin yun?
"Easy bata. Mahirap ata yang pinapagawa mo. Mali ka nang tao na hinihingan nang tulong." ang sagot ko sa kanya
"Trust me. Alam kong tama ako." And once more ay napasabunot ako sa buhok ko. Overload masyado ang utak ko sa mga sinabi niya. Bakit ba sila dumating sa buhay ko?
"At ano makukuha kong kapalit? Ano namang maitutulong mo sa akin?"
"Matutulungan kitang palitan ang image mo dito. Ilalabas natin kung sino ka talaga at di mo talaga tanggap ang treatment na nakukuha mo. I know naman na hindi ka talaga ganun. You're just pretending ate. You're pretending." napakurap naman ako sa sinabi niya.
Oh god! Magkapatid nga sila!
"At paano mo naman nasabi yan?"
"Dahil madali mong makikilala ang kalahi mo. I'm a great pretender too, ate."
Yeah, I'm a pretender and she's the great pretender.
"Bonus na rin ang mainlove sa'yo si kuya. At mas magiging maganda kung mamahalin mo rin siya. So let's help each other at hindi ka pwedeng umayaw."
Okay. Inaatake na naman ako nang OA syndrome ko at hindi makapaniwalang tingin ang pinakita ko sa kanya.
Mababaliw na talaga ako at pilit sini-sink in sa utak ko ang nangyayari. Napaupo na lang ako sa sahig at hinihilot ang sentido ko.
And then she flush her sweetest smile and wink on me.
xxxxxxxxeKsxxxxxxxx
ⓔⓚⓢⓣⓘⓝⓔ✔
)^-^(
Tagal nang UD, hehe.
Hope you enjoying it.
Comment naman po please. Thanks:)
BINABASA MO ANG
Love this Invisible Girl
Teen FictionI'm here. I exist. My soul is screaming. Please, notice me.