Nandito ako sa canteen ng school, nakaupo habang nakasalpak ang headset ko na nakafull ang volume. Masarap kasi kumain habang nakikinig ng music. At as usual, wala akong kasama pero okay lang kasi naman sanay na ako.
Kesa naman malungkot ako ay itutuon ko na lang ang atensyon sa pagkain sa paborito kong spaghetti at chocolate drinks ko. )^-^(
Pinaikot ko ng pinaikot ang tinador ko at tadaaan !! Ang rami kong nakuha. Natutuwa talaga ako kapag succesful kong nakuha ng maraming ikot ang spaghetti ko, parang bata lang.. haha.
Mababaw lang kasi ang kaligayahan ko.
Naghanda na akong ngumanga ng malaki at isusubo ang sphagetti ko nang biglang may lalaking umupo sa harap ko na may dala ring pagkain na katulad ng akin. Napahinto sa ere ang pagsubo ko sa pinakamamahal kong spaghetti at napatitig sa kanya- habang nakanganga at isusubo na lang ang spag ko, pero parang wala lang siyang pakialam.
Pero teka! Sino ba siya?
Inalis niya sa tray ang pagkain niya at sinimulang kumain. Tulad ng ginawa ko ay inikot-ikot niya rin ang tinidor sa spaghetti niya ng matagal at isusubo niya na rin sana ito ng mapatingin rin siya sa akin.
And now, we're on the same .. nakahinto rin sa ere ang kamay niya habang nakatingin din sakin. As in eye to eye !!! Pero sinubo niya na yung sa kanya pagkatapos lang ng ilang segundong pakikipagtitigan kaya naman unconciously ay napasubo na rin ako at mabagal na nginuya ang pagkain ko.
Weird?
Nakita kong bumuka ang bibig niya na parang nagsalita kaya agad kong tinanggal ang headset ko at tinanong siya.
"Pardon?"
"Nothing."
Aii? Abnormal rin pala to eh.
Hinayaan ko na lang siya at binalik ang headset ko pero pinause ko muna yung music, baka kasi magsalita ulit siya at hindi ko alam nilalait-lait niya na pala ako or worse minumura na.
OA ba? Masanay ka na, lagi yan.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at paulit-ulit lang ang ginagawa ko kaya madali kong naubos ang spaghetti ko at hindi ko na pinansin pa tong tao sa harap ko.
Pero nang kapain ko na sa bulsa ko yung panyo ko eh wala ito.
Alam kong may panyo akong dala eh!
Hinanap ko na rin sa bag ko kaso wala talaga.
"Asan na ba yun?" napapabulong na lang ako kakahanap. Ramdam ko kasing may sauce na nagkalat sa labi ko. Bakit ba kasi wala silang tissue dito?!
Hopeless na lang akong umayos ng upo at napabuntong hininga. Pero bigla na lang may dumamping tela sa gilid ng labi ko at pinunasan ito saglit kaya nagulat ako at napaatras ng upo.
"Oh panyo. Meron pang natira, punasan mo na lang."
Inabot ko naman ito kaagad at napatitig dito bago ako tumingin sa kanya. At tulad ng kanina ay nakikipagtitigan rin siya at umalis na rin agad.
"And what's that for?" natanong ko na lang sa sarili ko habang tinitingnan ang likod niya habang papalabas siya.
Panu ba ako magrereact?
Bago to ah. There's someone na wala akong idea kung sinuman siya na bigla na lang nakishare sa table ko, sumabay kumain sakin, at dahil sa napaka-unlady kong kumain ay pinunasan niya ang dumi sa mukha ko gamit ang panyo niya.
"Panyo niya?"
Napatitig ako sa panyong binigay niya. Mukhang pamilyar. Binuklat ko lang ng ilang tupi at nakita na ang hinahanap ko.
"Eh panyo ko to eh!"
May nakaburda ditong letter X na ako mismo ang gumawa. Panu naman to napunta sa kanya? Binuklat ko itong mabuti at hinarap ko sa akin nang may nakita akong nakadikit na sticky note.
I can be your friends.
-XFriends?
Sigurado ba siya?
Eh sino ba siya?
xxxxxxxxxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
Love this Invisible Girl
Roman pour AdolescentsI'm here. I exist. My soul is screaming. Please, notice me.