Ang hirap talaga nang nag-iisa noh? Yung literal na nag-iisa.
Hiwalay na ang mga magulang ko at wala akong kapatid. So, I chose to be independent and alone kasi pinag-aawayan lang nila ako. I can't take their fights anymore.
I thought magiging okay siguro ako, magiging masaya at magagawa ko ang lahat ng gusto ko kapag mag-isa na lang ako. Yeah, okay naman ang everyday life ko kasi hindi nauubusan ng pera ang card ko, I dont know kung sino sa kanila mom at dad ang naglalagay. Then, nagagawa ko rin ang lhat ng gusto ko. . .or maybe not all. But totally, hindi ako naging masaya with this set-up.
Nag-rerent ako ng apartment na not so far sa school.
And here it goes. . . . .
Gigising ako ng maaga, magluluto, kakain mag-isa, gagayak, papasok sa school, uupo sa pinakadulo ng classroom, tatahimik, maghihintay mag-start ang klase, makikinig sa teacher, magrerecite kapag tinawag, tatahimik ulit, lalabas mag-isa, sa canteen or library ang punta nang mag-isa kapag vacant time na, uuwi ng mag-isa, mag-aayos ng sarili at gamit, magluluto, kakaing mag-isa, mag-aayos ulit ng gamit at sarili, then matutulog na..
At paulit-ulit na ganyan... It's totally boring.
But suddenly, 'change' is coming again.
Remember Allyson? Ang babaeng unang kumausap sa akin sa school na hindi ko naman kaklase.. The girl na nakausap ko before the nakakahiyang eksena sa klase ng dahil sa Lei na yun.. Remember already??
Then, here it is. . .pinasok niya lang naman ang buhay ko kasama si 'change'.
---
9:00pm
Gabi na at katatapos ko lang kumain, niligpit ko na ang kinainan ko at hinugasan. Humarap ako sa full length na salamin at tinignan ang kabuuan ko.
"Bakit ang tahimik mo?"
"Bakit ang laki na nang pinagbago mo?"
"Ikaw pa ba yan Christine?"
At ito na naman ako, kinakausap ang sarili sa salamin. Maybe isipin niyo na nababaliw na ako pero sa tingin ko normal lang ang ginagawa ko at meron din diyan na maaring ginagawa to.
Ito ang madalas kong gawin.
Mas lalo ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin lalo na ang mga mata ko. Wala kang ibang makikita dito kundi ang malungkot na pagkatao.
"Binago mo nang masyado ang sarili mo Christine, hindi na ikaw yan."
Sa pagkakatitig ko sa salamin ay mas lalong lumalalim na ang iniisip ko.
*tok tok tok.......*
Ang totoo kasi hindi naman ako ganito dati.
*tok tok tok.......*
Hindi ko kinakaya ang manahimik buong araw.
*tok tok tok........*
Ibang-iba ang ugali ko sa dati sa ngayon.
*tok tok tok........*
Bakit ba dumating ako ngayon sa ganitong punto?!
*tok tok tok........*
Bakit ko hinayaan ang lahat ng ito? Ang paghihiwalay ng mga magulang ko. Ang pagbabago sa sarili ko. Bakit nagpaapekto ako masyado?
*tok tok tok........*
Ako tahimik?! Ako mabait?! Ako na hindi makabasag pinggan?! Ako na forever loner?! Ako na miss pluto?! Ms. Nobody?! This is so not me!!! Hindi ako ganito! Maybe Lei is right, I'm a pretender.. A great pretender!!
*TOK TOK TOK .........*
At sunod-sunod na malalakas na katok ang gumising sa akin sa malalim na pag-iisip.
"huh?"
"Christine! Christine!Nandyan ka ba?Christine!"
"Opo. Teka lang po. Bubuksan ko lang po saglit." Eh bakit ba kasi napakagabi na ako katukin ni Ate Raquel?
Si ate Raquel nga pala ang landlady namin.
Dali ko nang binuksan ang pinto at ang bumungad nga sa akin ang nag-aalalang mukha ni ate.
"Naku kang bata! Kanina pa ako katok ng katok dito, di mo ako pinagbubuksan, ni sagutin man lang. Pasaway kang bata! Pinapakaba mo ako! Aba! Alam kong ilang katok ko lang magigising kana kung sakali mang natutulog kang bata ka! Ano bang ginagawa mo?"
Isang mahabang sermon ni ate, haiss...
"Pasensya na po. Naka-headset po kasi ako at nakafull volume po kaya di ko agad narinig." Pagsisinungaling ko. Alangan naman kasing sabihin kung nakatunganga po kasi ako sa salamin at sobrang layo na nang iniisip ko kaya hindi ko po kayo naririnig. Di nabatukan naman ako niyan?
"Haiss, alam mo bang lahat ng kwarto ay tinanungan ni ate kung nakita ka daw bang lumabas." sabad ng isa kong kapitbahay
"Nandito ka lang pala. Alam mo bang sobra nang nag-aalala si ate sa'yo?" at isa pa, ang maldita kong kapitbhay. Katabi ko lang actually.
"At pati kami neng sa harap eh kinukulit na rin kung nakita ka daw ba namin na lumabas." sabi naman ni ate Lily na may ari ng tindahan sa may pinakagate ng apartment ni ate Raquel.
"At kanina pa rin ako naiinip dito sa labas. Alam mo bang sobrang lamok dito at napakalamig na rin . . . ate Christine?"
"Allyson?!"
Anong ginagawa mo dito nang ganitong oras ng gabi?
At bakit ka nandito?
xxxxxxxxeKsxxxxxxxx
ⓔⓚⓢⓣⓘⓝⓔ✔
Thanks for reading )^-^(
BINABASA MO ANG
Love this Invisible Girl
Teen FictionI'm here. I exist. My soul is screaming. Please, notice me.