After that scene, bigla na lang may nagbago.
Anong meron?
Madalas na nila akong sundan ng tingin.
At kapag titignan ko naman sila ay nagbubulungan na sila nang nakatingin sa akin.
Hindi ako sanay sa atensyon, madalas kasi di naman nila ako pinapansin. Kahit saan pa ako maglakad dito sa campus ay wala talaga. Ni wala nga ring mag-hi-hello o ngitian ako.
I am like invisible na kahit dumaan na ako sa harapan nila ay di nila ako mano-notice.
Madalang lang din may makipag-usap sa akin at wala man lang nakikipagkaibigan.
Fourth year na ako. Last year ko na bilang high school student pero ito at wala man lang magandang memories akong mababaon sa high school life ko. Sabi kasi nila masaya daw ang high school life.
Anong nangyari sa past three years ko? Wala. I have no friends. School at bahay lang ako. Walang jamming, stroll, tawanan with friends, walang kalokohan. It's totally boring. No excitement. No happy moments. No adventure and thrill.
But now? Anong meron sa atensyon na nakukuha ko? Is this start for something?
-------
"Hi."
Bigla na lang may sumabay sa akin as I walk sa hallway.
"Ahm bakit?" Tanong ko sa kanya. As usual may kailangan lang to sakin kaya ako kinakausap.
"Wala naman. Gusto lang kitang sabayan." Wow, that's new.
He's one of my classmate. He's Kirvinn Jay. Isa siya sa mga taong minsang kumakausap sa akin. At yun ay kapag may tatanungin lang siya about sa homework, project or any related sa lesson namin. At kapag nasa m0od siyang mangtrip.
"Ah, ok" At ganyan ako kaboring kausap.
Wala na siyang sinabi pa pero tuloy lang siya sa pagsabay sa paglalakad sa akin. Pero di kasi ako sanay kung sa isang tulad lang din niya ang makakasabay ko. Loko to eh.
"Pupunta akong cr. Mauna kana." pero di niya ako pinansin at nagtuloy lang siya sa pagsabay. "Bakit?Sasama ka?" nasabi ko lang, baka sakaling iwan na rin ako nito. Pero isa siyang may saltik sa utak kaya iba ang sinagot at ginawa niya sa inaasahan ko.
"Hahahaha .. Bakit? Gusto mo ba? Sasamahan kita.. Tara! hahaha" At isa pang nakakagagong tingin, ngisi at kindat ang kasama nito. Pramiss!! marunong din akong maasar -.-
"Ibig sabihin lang nun ay gusto na kitang umalis at iwan ako. Di makaramdam?? O tanga lang?" mga ganyang banat ko eh kaya nasasabihan din akong masungit.
"Its hurt, you know? hahaha .. pero kasi gusto kong sabayan ka sa paguwi kaya di ako aalis.," banat niya pa na may halong pag-iinarte.
"At bakit naman?"
"Dahil gusto ko ... at may gusto rin kasi akong malaman." na ikinaseryoso naman niya. Ano naman kaya yun? "Bakit kasama mo siya?"
"Sinong 'siya' ??" aba malay ko naman daw kung sino yung tinutukoy niya.
"Kasama mong kumain di mo kilala?! Ikaw ata ang tanga sating dalawa eh. "
"Isang tanong, daming sinabi?"
"Aish . Si Zayen ai!! Zayen Rence Buenavista na transfer at bagong classmate natin na kasabay mong kumain sa canteen! Di mo kilala?Bakit di mo alam?!"
"Cause I dont care? Eh bakit ganyan ka magreact?" wala rin naman silang care saken eh. Pero akalain mo classmate ko pala, hindi ko man lang alam.. haha
BINABASA MO ANG
Love this Invisible Girl
Teen FictionI'm here. I exist. My soul is screaming. Please, notice me.