Fiona's POV:
"Haler, ano?! Gusto mo pa masapak bago ka magtigil?! Aba teh! Hindi ka desperada! Jusko naman!" pangaral saakin ng bestfriend kong si Lala.
Nasa Starbucks kami at nagpapahinga muna pagkatapos kong sabihin at ikwento sakanya yung tungkol saamin kanina ni Grey. Ang asawa ko. Matagal na kaming nagsasama at palaging ganoon ang nangyayari. Naipakasal kami dahil sa kagustuhan ko at ng mga magulang nya. May gusto na ako kay Grey dati palang nung high school palang kami,kaya lang sa kasamaang palad ako lang talaga ang may gusto sakanya. Ewan ko din kung bakit pumayag sya na ikasal saakin gayon hindi nya din naman ako gusto. Siguro napilitan sya kase malaking pundasyon din ang makukuha nila saamin para isalba ang papalubog nilang business.
"Ano ka ba, Lala! Wala lang yun! Sanay na kase ako! Hindi na ata ako magugulat kung masaktan nya na ako." natatawa-tawa kong tugon sakanya habang hinihigop ang mocha frappe na binili ko.
"Sipain kaya kita! So proud ka pa! Gaga! Hiwalayan mo na kase yun! Ang daming lalaki, Hindi lang si Grey! Jusko frenny! Gising! Maganda ka!" binatok-batukan pa ako ni Lala pero Sana kung ganon lang kadali aba'y magpapabatok nalang talaga ako pero hindi eh.
"Lala wala na tayong magagawa. Sya na gusto ko eh!" sinsero kong usal rito habang nakangiti at inaalala ang imahe nyang nakasimangot saakin.
"Frenny kung patangahan lang siguro, ikaw na! The best ka! Ikaw na TANGA!" proud nyang sabi habang nakatutok pa ang kamay nya sakin.
"Mayaman ka! Hindi pa ba halata? Siguro kaya ka pinagtiisan ng ilang taon nyang ni Grey ay dahil nalang dyan sa Yaman ng pamilya nyo. Patay gutom sa pera ang Mama at Papa ni Grey noh!" dagdag nya pa kaya medyo nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko,dahil baka totoo nga sinabi nya. Yaman nalang namin ang gusto nya. Nila.
"Ewan ko,Lala pero Mahal ko si Grey eh. Kahit anong gawin nya Mahal ko pa rin sya. Hindi ko na talaga alam, Lala!" napasabunot nalang ako sa buhok ko at saka lagok sa iniinom ko..
"Nako ha! Ayokong umabot sa puntong masasaktan ka na ng husto dyan sa ginagawa mo. Ayokong iiyak ka at hihingi ng tulong kung anong gagawin. Jusko ayoko ng may higantihan!" nalolokang ani ni Lala kaya naman napahagalpak nalang ako ng tawa na ikinapagtaka nya.
"Oh?! What so funny?" irita nyang tanong.
"Ganti? Haha haha asa naman! Di ko ata kayang gantihan si Grey." mayabang kong sagot dahil hindi ko naman talaga kaya.
"Hmm! Tignan lang na'tin. Kilala kita,Fiona! Unting kanti, alam kong iiyak ka na agad." nakasmirk nyang sabi kaya medyo kinabahan ako pero hindi ko naman magagantihan ang lalaking mahal ko diba? Tama!
...
"Ang tagal naman ni Grey umuwi." bulong ko sa sarili ko habang palakad-lakad sa silid ni Clark.
Kanina pa ako naghihintay at anong oras na. It's already 11:00 pm and there's still no Grey in his room.
Asan nanaman kase 'yun pumunta?
"Mayaman ka! Hindi pa ba halata? Siguro kaya ka pinagtiisan ng ilang taon nyang ni Grey ay dahil nalang dyan sa Yaman ng pamilya nyo. Patay gutom sa pera ang Mama at Papa ni Grey noh!"
Biglang bumalik sa isip ko ang sinabing iyon saakin ni Lala at bigla akong kinabahan.
Minahal nya lang ba ako dahil sa dami ng pera ko?
Tama ba si Lala, na napagtiisan mo lang ako dahil sa yaman ko?
Ang saket!
Nang idampi ko ang kamay ko sa pisngi ko ay matubig-tubig na ito. Tama nga si Lala. Unting kanti lang sakin, maiiyak na agad ako.
Pero hindi naman siguro masama yun! Masyado lang akong soft-hearted.
Bumalik ako sa huwisyo ng marinig kong umingay ang pagbukas-sarado ng pintuan sa baba. Nandyan na si Grey.
Naghintay ako ng ilang minuto dahil baka naman uminom pa si Grey ng tubig o ano at ng makalipas na nga ang ilang minuto ay bumukas na ang pinto ng kwarto at bumungad saakin ang walang reaksyon na si Grey.
"G-Grey....kanina pa kita hinihintay." utal kong ani sa kanya na gusto ng pumutok sa inis, dahil siguro saakin.
Hindi sya sumagot at pumunta sa tukador nya. Binuksan nya ito at tinanggal ang necktie nya ng hindi pa rin ako sinasagot.
"Alam kong naiirita ka saakin, Grey. But atleast answer my question. I'm worried,okay?" this time inis na akong nagsalita dahil hindi ko alam kung nagbubulag-bulagan lang ba sya o bingi-bingihan para hindi ako pansinin at pakinggan! Oh baka parehas.
Walang reaksyon nya akong nilingon. "You will never be my wife so please place yourself,and don't go far from this."
"I'm already your wife! You can't do anything about it, Grey! Ano pa ba?! Ginawa ko na lahat,Grey!" hindi ko na napigilang maging emosyonal.
Sa ilang taon naming nagsama, parating pambabastos na sagot lang ang palagi kong naririnig sakanya. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o masasanay nalang. Kase ang saket talaga. Mahal ko na kase sya. Ay ako lang pala talaga ang nagmamahal sakanya.
"And that's damn! I don't love you but here,look! I'm your husband! I'm being tied with someone who I don't love,and I can't do even fucking anything about it! Fvck that!" galit nyang tinapon sa lapag ang natanggal nyang necktie.Natahimik ako.
Bigla akong nakaramdam ng takot sa ipinakita nyang reaksyon. Sinamaan nya muna ako ng tingin bago umalis ng kwarto.
Tatawagin ko pa sana sya pero pinigilan ko nalang ang sarili ko dahil may point naman sya. Naikasal sya sa babaeng hindi nya naman Mahal. Sino ba hindi masisira nun?
Napayuko ako at doon nagpatuloy ang mga luhang pinipigilan ko kanina lamang.
'Wag ka nang umiyak, Fiona. Sanay ka na.'
.
YOU ARE READING
My Sweetest Revenge
Fanfiction"It's been a while since you've played my heart, and it took me years before it turns out that I'm now PLAYING with your feelings. " -Fiona Hwang.