Fiona's POV:
Nasa labasan na ako dito sa mall at pauwi na ako. Ang tagal huminto ng ulan pero susugod na din ako dahil ano ng oras baka nagugutom na yun si Grey.
Ang tagal talaga huminto ng ulan pero buti nalang at walking distance lang ang bahay namin dito sa Mall diba sabi ko kanina malapit lang ang bahay namin dito sa mall.
Kaya ayun napagdesisyunan ko nalang na maglakad kahit na umuulan. Syempre sinecure ko muna ang dalawang dress na binili ko. Baka kase mabasa eh.
Tumakbo ako para tumawid sa kabilang kalsada dahil dun ang daan ng bahay namin pero useless lang pala dahil nabasa din ako kaya bagsak ang mga balikat akong huminto para maglakad. Wala na din naman akong choice eh. Bakit pa ako tatakbo kung mababasa din ako? Bakit pa ako magmamahal ng patuloy kung sasaktan din naman ako? De jokeeeee lang hahahahaha ano ba yan!
Ninanamnan ko ang bawat butil ng tubig ng ulan na pumapatak sa katawan ko dahil minsan ko lang ito nagagawa. Ang maglakad sa gitna ng ulan habang nag iisip, at sa tingin ko ayun na ang pinaka-relaxing na bagay na nagawa ko ngayon.
Wala ng masyadong tao dito sa dinadaanan ko kaya ako nalang talaga ang nag-iisa at naglalakad papasok sa village namin.
Malakas pa din ang ulan pero patago pa rin akong nakangiti dahil ayaw ko namang masabihan ng baliw dahil sa pagngiti ko kaya habang naglalakad ay nakayuko ako para kapag ngingiti ako,ako lang ang makakaalam hehe.
Naiisip ko lahat ng tungkol saamin ni Grey ng maayos at walang sagabal.
Nang may makita akong isang bench sa isang mini park dito sa village ay hindi na ako nagtagal at pumunta sa bench para maupo. Inilagay ko ang nakaplastic kong binili at ang bag ko sa tabi ko habang ako ay nakatingala sa langit na lumuluha.
"Mayaman ka! Hindi pa ba halata? Siguro kaya ka pinagtiisan ng ilang taon nyang ni Grey ay dahil nalang dyan sa Yaman ng pamilya nyo. Patay gutom sa pera ang Mama at Papa ni Grey noh!"
Napabuntong-hininga nalang ako at napapikit ng maalala ang sinabi saakin ni Lala.
Hindi ba pwedeng mahalin mo nalang ako dahil sa ako ay ako? Alam ko namang napilitan ka lang dahil sa kailangan nyo ang pera ko. Ng pamilya namin.
Nagtaka ako ng wala ng pumapatak na tubig sa mukha ko pero rinig ko pa rin ang pagbugso ng malakas na ulan,kaya naman agad kong iminulat ang mata ko.
"I've been looking for you, where have you been?" nanlaki ang mata ko ng tumunghay sa harap ko ang walang reaksyon na si Grey na may dalang itim na payong at pinapayungan ako.
Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat ko. I mean I didn't expect na makikita nya ako dito pa mismo.
"Are you mute? I'm asking you." wala pa rin nyang reaksyon na tanong habang nagpalinga-linga sa parke.
Nagkanda-ugaga tuloy akong tumayo para makaayos at makasagot ako.
"A-ahh... S-sorry kung.... Sorry kung hinanap mo pa ako.... N-nasa mall lang ako p-para mag shopping... S-sorry talaga." nakayuko kong paliwanag sakanya pero hindi man lang sya tumingin ng diretso saakin kaya meron sakin na nasaktan.
"Let's go home." malamig nyang tugon kaya mas lalo akong napayuko.
Dinampot ko nalang ang bag at pinamili ko saka sumunod sakanya habang nakatungo lang at nakasimangot.
Akala ko pa naman nag alala sya saakin kaya nya ako hinanap.
"B-bakit mo ako hinahanap,Grey?" gusto kong mag-assume kaya ako nagtanong pero mali pala talagang mag-assume dahil masasaktan ka lang.
"Walang maglilinis ng CR kaya baka kaya mong maglinis kako at ikaw nalang." walang gana nyang ani habang patuloy pa rin at diretsong nakatingin lang sa daan.
Napatango nalang ako ng simple.
Ano pa nga ba, Fiona? Hahaha. Don't expect from him,okay?! Nakakaawa ka pala talaga, Fiona.
...
Habang nagkukuskos ng sahig dito sa CR ay hindi ko maiwasang malungkot.
Sino ba kase hindi malulungkot eh umuulan na nga tapos andito pa ako at naglilinis ng banyo na inutos ni Grey.
Pero sige lang, bakit ba kase eh eto yung gusto ko diba? Minahal ko eh edi pagtiisan.
"Matagal pa ba 'yan?!" at ayan nagrereklamo na si Grey hys.
Napanguso at buntong-hininga nalang ako. "Hindi pa!!!" sagot ko pabalik.
At ayun na nga minadali ko na ang pagkukuskos dito sa sahig na ito na hindi naman ganun karumi, sadyang trip nya lang siguro akong pagtripan hys!
Bahala na, pinili ko eh. Wala akong magagawa dahil sarili ko rin naman 'tong desisyon eh.
Sa totoo lang maraming nirereto saakin sila Mom and Dad na mamahalin din ako pabalik pero sadyang may ibang gusto talaga ang puso ko pero hindi naman talaga ako ang gusto.
Tinapos ko na ang paglilinis ng banyo namin at pinahid ang basa kong mga kamay sa shorts ko habang palabas sa banyo.Nakita ko si Grey na nakaupo sa sala habang may hawak na remote. Nanonood siguro ito. Lumapit pa ako sa gawi nya pero hindi pala sya nanonood kundi nagse-cellphone habang nakangiti,pero nawala din agad ang ngiting ito ng makita niya akong papalapit sakanya. Bumusangot agad sya.
"Tapos mo na?" malamig nyang ani kaya naman napasimangot din ako sa loob-loob ko.
Tumango lang ako sakanya at simpleng ngumiti. Tumayo na sya at nagpunta sa banyo pero may nakalimutan siya. Ang cellphone niya.
Ihahabol ko pa sakanya sana pero napahinto ako ng makita ko ang nasa cell phone niya. Biglang kumirot ang dibdib ko ng makita ang wallpaper niya.
Siya at yung babae habang napakasweet nila. Para silang magkasintahan dito.
Ang ganda parehas ng ngiti nila kaya mas lalo akong nanlumo.
"Asan ang sabon?!!" muntik ng malaglag ang cellphone niya at buti nalang at nahawakan ko at mabilis kong naibalik ang cellphone niya sa sofa.
"T-Teka lang,Grey.." tangi kong nasabi dahil hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang picture na nakita ko sa cell phone niya.
Kinuha ko ang sabon sa cabinet ng kusina at mabilis na iniabot sakanya habang sya ay bagot na bagot na nakatingin saakin.
Palagi nalang ba tayong ganito, Grey? Nasasaktan na ako.
Gusto ko sakanyang sabihin yan pero wala akong karapatan dahil sa eto lang ako sa buhay niya.
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sakanya habang sya ay inis na inis na inaabot saakin ang sabon.
"Ano ba! Sobrang pagnanasa na 'yan! Akina ang sabon at umalis ka na dito,baka pasukin mo pa ako!" sigaw niya saakin kaya naman agad akong nataranta at naibigay ko sakanya ng mabilisan ang sabon na hinihingi nya.
Padabog nyang sinara ang pinto ng banyo kaya bagsak naman ang mga balikat Kong umakyat ako sa kwarto.
Mabuti pa siguro kung magpahinga nalang muna ako para naman maibsan kahit unting sakit na nararamdaman ko ngayon.
Yung picture talaga nila eh. Ayaw na nitong mawala sa isipan ko kaya ang lagay ko ngayon ay paulit-ulit na napupunitan ng puso at masasabi ko lang na ayoko ng ganito dahil iba ang sakit kumpara sa dating sakit. Dahil mas sumakit talaga ngayon!
.
YOU ARE READING
My Sweetest Revenge
Fanfiction"It's been a while since you've played my heart, and it took me years before it turns out that I'm now PLAYING with your feelings. " -Fiona Hwang.