Lala's POV:
Kita mo 'tong babaeng 'to! Tinulugan lang ako at humihilik pa talaga! Nako naman!
Lumapit ako sa nakahigang si Fiona at kinumutan nalang sya dahil uuwi nalang ako tutal wala na naman akong gagawin dito.
Gabi na rin naman kaya uuwi na ako.
"Nako,kawawa talaga 'tong tanga kong kaibigan! Lagi nalang umiiyak kapag nasasaktan." ani ko sa sarili ko ng may makitang luha sa gilid ng mata ni Fiona.
Hinagod ko pa muna ng ilang beses ang likod nya at hinalikan ang noo nya bago ako lumabas ng kwarto nya pero laking gulat ko ng malaman kung sinong impakto ang nasa labas.
"Tulog na ba 'yung tanga?" malamig nyang tanong.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Sino sainyo?" pambabara ko rito.
Ikinagulat nya iyon kaya napangisi naman ako.
"Mas tanga ka kumpara sakanya! Gising ka pero napakatanga-tanga mo! Halaga nya hindi mo makita! Ang laki mong tangang bulag! Nasasaktan sya pero minamahal ka pa rin nya kahit na nagmumukha syang tanga! Sinong mas tanga sa tingin mo?! Ang tanga mong tarantado ka! Malas niya lang at napunta sya sayo! Fiona is the definition of perfect yet you still act like ikaw pa ang lugi na kitang-kita at alam na alam naman nating sya ang mas lugi kesa sayo!" hindi ko na hinintay pa ang sagot nya at binunggo siya para bumaba na at umuwi.
Wala akong oras makipag-usap sa mga tanga-tangahan! Mas gusto kong makipag-usap sa TANGA na talaga,jusko.
Nang makababa na ako at saktong nasa kotse na ako ay may napansin akong lalaking nakasandal sa kabilang side ng pinto ng kotse ko.
Nang mapagtanto na isa pala itong lalaki ay tumaas ang kilay ko. Sino 'bang matinong lalaki ang sasandal sa isang kotseng hindi naman nya pag aari?
Naka-angat pa ang isa netong paa sa gulong at nakapamulsa habang nakayuko.
"Ehem,baka naman kotse ko 'tong sinasandalan mo." hindi na ako nakatiis at nagkunwaring inubo para lang agawin ang atensyon ng lalaki.
Dahan-dahan itong tumingin saakin at halos magliwanag ang langit at lupa ng tumitig na ito saakin.
Isang Mala-anghel na chinito ang tumambad saakin. T-teka... Hindi naman ako nakainom ah?! Pero bakit ang gwapo ata ng nasa harapan ko? Impossibleng namamalik-mata lang ako at pag pikit ko ay pumanget na ito.
"Sorry miss. Akala ko kase sa kapit-bahay ito nila Grey." ani nito na nakapagpabalik sa huwisyo ko.
"Ha?"
"Sabi ko po,akala ko---—"
"Hakdog. Alis. Uuwi na ako." pambabara ko sakanya at halos bumulagta na ako dahil gusto ko ng humagalpak ng tawa sa reaksyon nya ng barahin ko sya.
Mabilis akong sumakay sa loob ng kotse ko at binusinahan ko sya para umalis sya sa dadaanan ko.
Shet! HAHAHAAHA laughtrip!
Priceless ang reaksyon nya mga katanga! Yan tignan mo tuloy, Fiona nadadamay ka! HAHAAHAHAHAHAHAAHA! LT SI KUYA SINGKIT!
Fiona's POV:
Nasa kwarto lang ako ngayon habang nakahiga, wala lang hindi ko trip lumabas o maghanda ng pagkain. Ganun din naman eh.
Mag aaway lang din naman kami anong pang magandang mangyayari diba?
Wala si Lala ngayon dahil may pinuntahan,ewan ko dun. Iniwan lang ako bigla kagabi ng walang paalam. Pero keribels, sanay na ako. Chos lang hehehe.
So ayun,wala akong balak tumayo dito sa kama,maghapon. Magmumukmok lang ako hanggang sa mismong pagkain na lumapit saakin. Dejoke lang hahaha.
Wala kase si Lala eh, kung andito sana si Lala ay baka nakapag-gala pa kami eh wala, wala din akong gagawin.
Wala akong trabaho since hindi ko na din naman kailangan, syempre sabi ni Mommy and Daddy my husband will take care of me, syempre inaasahan ko yun kaya eto ako ngayon. Nakahiga lang.
Wala din akong ganang lumabas dahil baka andun si Grey, sobra-sobrang hiya na ang nagagawa ko sa harapan ni Grey at ayoko ng dagdagan pa iyon. Tama na yung mga nakaraan kong ginawa.
Gagala nalang ako mag-isa! Oo tama!
YOU ARE READING
My Sweetest Revenge
Fanfiction"It's been a while since you've played my heart, and it took me years before it turns out that I'm now PLAYING with your feelings. " -Fiona Hwang.