Fiona's POV:
"Dapat pala sinapak ka nalang ni Grey, para naman matauhan ka na." pambabara nanaman saakin ni Lala habang nagtatype at nakikipag-chat sa Mama nya sa probinsya.
Nasa bahay kami ngayon dahil tinawagan ko sya at ganun pa din. Kinikwento ko sakanya lahat ng nagyayari saaming dalawa ni Grey.
Katulad kaninang umaga na nangyari samin ni Grey.
Flashback
Nagluto ako ng umagahan ni Grey para naman peace offering ko sakanya sa nangyari kagabi. Nakakahiya din yung nangyari saaming dalawa.
Nagluto ako ng itlog at hotdog saka sinangag. Nakahanda na ang pinggan,kutsara't tinidor nya. At syempre gatas na rin.
Sya nalang talaga ang kailangan para makain na itong inihanda kong pagkain para sakanya.
Naupo na ako sa pwesto ko at matiyagang naghintay kay Grey.
Lumipas ang ilang minutong paghihintay ay pababa na ang hinihintay ko at nakasimangot itong bumungad saakin ng makarating sa harapan ko.
"A-Ah Grey.... K-Kain ka na... I prepared a breakfast for you... Peace offering ko pala dahil kagabi. Sorry I didn't mean to say those words. Nag alala lang talaga ako. Take a seat." nakangiti ngunit kabado kong ani rito pero hindi man lang ito nagsalita.
Hindi talaga ito kumibo pero imbes na magsalita ay pinulot nya sa lamesa yung gatas na tinimpla ko.
Nung una ay akala ko iinumin nya pero laking gulat ko nalang ng maligo ako sa mainit at matamis na gatas. Itinapon nya pala ito saakin.
Wala man lang ako nagawa dahil sa gulat ko. Nakatitig lang ako sa sahig na animo'y hiyang-hiya sa nangyari.
Hindi pa sya nakuntento at kinuha nya rin ang pinggan at tinapon din ang laman nito sa akin. Napapikit nalang ako ng mariin at ramdam na randam ko ang mga luhang tulo nalang ng tulo galing sa mga mata ko.
"I don't need your explanations. I don't eat trash." malamig nyang ani pero bawat salitang binanggit nya ay syang bumabaon sa dibdib ko.
Lumakad na sya papuntang banyo at doon ko lang nailabas ang sakit na kinikipkip ko.
End of Flashback
"Ano tehh? Gusto mo talaga yung may sapak na? Tinatapunan ka na ng pagkain bess! Ano?! Kakainin mo pa rin?!" pambabara pa rin ni Lala.
"Alam mo Lala----."
"Hindi ko alam, Fiona."
"Patapusin mo muna kase ako,Lala." ani ko rito habang iniinom ang gatas na naitimpla ko para sa sarili ko.
"Pa'no kita patatapusin eh alam kong katangahan nanaman yang lalabas dyan said bibig mo?! Sasabihin mo nanamang 'Mahal ko kase,Lala' ganyan-ganyan! Nako,kabisado na kita!" pangunguna nya sa sasabihin ko sana.
Napahagikgik nalang ako sa pinagsasabi nya. Bestfriend ko talaga 'tong isang 'to.
"Tignan mo nga, Fiona! Kung matinong asawa sya,asan sya ngayon?!" inis nyang tanong saakin.
"Nasa kompanya ng parents nya,Lala. Ano ka ba naman." kalmado kong sagot rito habang nakatingin sa tinitipa nyang keyboard.
"Alam ko!"
"Oh bakit ka pa nagtanong?"
"Trip ko lang! Tangina Bess! Pwede pabatok?! Syempre,nandun sya para lumayo sayo!" ani niya habang tinutuktok pa ang sintido ko.
Napanguso nalang ako sa ginawa nya. Grabe sya mangaral.
"May trabaho kase sya, Lala. Natural lang yun, para ipangbuhay saakin." nakangiti kong ani para kumbisihin sya pero parang hindi talaga tatalab.
"Wag kang tanga." walang reaksyon nyang ani.
Napangiti nalang tuloy ako ng pilit.
"Ikaw na talaga! Ikaw na tanga!" ani niya pa ulit.
"Aray naman,Lala! Oo na kase! Tanga na kung Tanga! Pero nagmamahal lang ako!" depensa ko sa sarili ko.
"Fiona. Payong kaibigan. Ang pagmamahal ay gawa ng dalawang taong nagmamahalan! May nararamdaman para sa isa't-isa! Kase yung sayo? Ikaw lang ang nakakaramdam. Naaawa na ako sayo kase pakita ka ng pakita ng pagmamahal pero sakit naman lahat ng bumabalik sayo. You don't deserve pain, Fiona. You deserve love!" mahabang paliwanag ni Lala saka lumapit saakin para yakapin ako.
Hindi ko tuloy mapigilang malungkot,dahil sa mga sinabi nya. Oo nga naman. Ako lang ang nakakaramdam ng pagmamahal para sa kanya pero sya? Malay ko ba? Diba?
"Oo na. Ako na nga tanga. Kasalanan ko 'bang magmahal ng hindi ako mahal?" mahina kong sabi at naramdaman ko nalang na hinahagod na ni Lala ang likod ko and to find out na umiiyak na pala ako.
"Alam kong masakit, kaya nga lagi akong nandito para patahanin ka kung sakaling paiiyakin ka 'nung monggol na iyon! Don't worry! Papanigan ka rin ng swerte,soon." pagpapalakas nya ng loob saakin.
I appreciated every little thing na ginagawa ni Lala na kahit pagalitan at sermunan nya ako tungkol sa pagiging manhid na tanga ko ay hindi pa rin sya nagsasawang payuhan at tabihan ako sa oras na kailangan ko sya and I think I'm really lucky to have her in my life.
...
"Type ka ng type dyan!" pangsisita ko kay Lala na hanggang ngayon tipa pa rin ng tipa sa laptop nya.
"Nagpapakatanga ka nga, di kita pinapakelaman eh!" pambabara nya.
"Type ng type, di ka naman type!" syempre pambabara ko rin na nakapagpabalikwas sakanya sa pagkakahiga nya.
Bumungisngis ako ng makita ang reaksyon ng mukha nya na namumula sa inis.
"At sinong nagsabi sayo na hindi nya ako type?!" umuusok nyang ani habang nakapamewang.
"Hahahahahaha you're too serious!" puna ko rito,bumalik naman sya sa pagkakadapa nya at pagtitipa nanaman.
Humiga nalang din ako at tumitig sa kisame.
"Di ka rin naman type ni Grey eh. Kwits lang hehe!" pagsasalita nya bigla.
At ayun hindi pa pala sya tapos mambara.
"At least asawa ko na! Eh ikaw? WAHAHAHAA!" agad kong ganti pero agad nya rin akong binato ng unan habang nakaharap sya sa laptop nya.
Ginantihan ko din sya at ang kinalabasan ay nagbatuhan kami ng unan dito sa kwarto ko.
.
YOU ARE READING
My Sweetest Revenge
Fanfiction"It's been a while since you've played my heart, and it took me years before it turns out that I'm now PLAYING with your feelings. " -Fiona Hwang.