***
ELLAH POV:Pagkababa ko ng sasakyan ay bigla akong nanibago. Himala dahil walang maingay ngayon dito sa parking lot.
Isang oras pa naman bago magsimula ang klase kaya anong nangyari? Kadalasan ay maingay sa bawat sulok ng school. Nakakapanibago talaga.
May iilang namang student na nakatambay pero hindi ko alam kung anong problema nila sa akin. Sanay naman ako sa mga tingin na ibinibigay nila sa akin. Pero kakaiba yung tingin nila ngayon eh. Parang kinikilig na ewan. Tss.
Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na ako. Napatigil lang ako sa paglalakad ng may humarang sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay nang iabot nila sa akin mga roses.
Kinuha ko naman ito at umalis na sila. Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero may humarang ulit sa akin.
"Para po sa inyo. Good luck." Saad nito at tumakbo na pagkabigay sa akin ng roses
"For you Ms. V. Ang swerte niyo po. Hehe." Inabot din nito sa akin ang roses pero this time ay may letter ng kasama
Binuksan ko yung letter at binasa ang nakasulat. Tumaas naman ang kilay ko ng mabasa ko ang nakasulat.
Anong meaning nito?
Garden lang ang nakasulat na letter eh. Pinagloloko ba nila ako?
Pero dahil sa mukhang hindi nila ako titigilan ay dumiretso na ako sa garden.
Nang makarating ako sa garden ay bumagal ang paglalakad ko dahil ang damo na inaapakan ko ngayon ay punong puno ng ibat ibang petals. May mga balloons din.
________
THIRD PERSON POV:
Sa mga oras na ito ay parang tumigil ang mundo ni Ellah dahil sa nasasaksihan ngayon. Hindi niya alam ang gagawin.
Tutuloy ba siya o tatakbo paalis.
Halos lahat ng estudyante ay nandito at may kanya kanyang phone para ivideo ang mangyayari. Ayaw man niyang mag-isip ng masama pero yun ang tumatakbo sa isip niya. Isang malagim na pangyayari ang hindi niya malilimutan. Ganito din ang eksena nung sinaktan siya ng mahal niya.
Kung tama ang hinala niya ay mukhang hindi niya kakayanin na masaktan ulit ng lalaking pinakamamahal niya. Dahil kapag nangyari yun ay tuluyan na siyang babagsak at masaktan emotionally.
May lumapit pa sa kanya at binigyan siya ng roses na ibat iba ang ang kulay. Itinulak din siya para maglakad papalapit.
Lalo siyang nanghina ng makita niya si Vash na nakangiti sa kanya at may dalang bouquet of roses. May hawak din itong mic.
Para siyang tinakasan ng kulay at hindi malaman kung paano magsasalita. Kung saan ba magsisimula at kung ano ang magiging reaction niya.
Napahigpit ang hawak niya sa roses na dala niya ng magsimulang kumanta si Vash. Nakatayo lang siya doon at pinagmamasdan lang ang lalaking nakatayo sa harap niya na damang dama ang pagkanta. Hindi kasi siya makapaniwala na kakantahan siya ni Vash in public.
Nananaginip ba siya o binabangungot. Ang gulo. Ang lakas din ng tibok ng puso niya. Para bang kagagaling lang niya sa karera.
Sinundan niya ng tingin ang mga kaibigan niya na humilira sa tabi ni Vash. Ngumiti sila sa kanya at unting unting tumatalikod.
Tuluyan ng bumuhos ang luha na kanina pa niya pinipigilan ng mabasa niya ang nakasulat sa likod ng t-shirt ng kanyang mga kaibigan.
"I love you so much, Ellah! Please be mine again."
BINABASA MO ANG
NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)
RomancePaano kung ang nakaraang nilimot ng lahat ay biglang magbabalik? Paano kung ang nerd, pangit,mahina, mahirap at salot sa paningin nila, na akala nila ay wala na sa buhay nila ay biglang magbalik? Ang tanong kakayanin mo ba ang pagbabalik niya k...