Sixty Seven

1.2K 26 5
                                    

***

ELLAH POV:

Nasa isang boutique ako ngayong para bumili ng masusuot sa party ni Dani. Sabi rin niya sa isang resort daw yun gaganapin and kasama din niya ang friends niya but it's okay to me as long as magiging mabait sila sa akin. 1 day and 1 night lang kami dun.

Pagkasuot ko ng napili kong dress at pinakita kina Dara.

"Okay ba?" Tanong ko sa kanila at pumaikot pa para makita nila ang kabuuan.

"I can't believe it. Isa kang designer at model ng sarili mong kompanya tapos magtatanong ka kung okay lang yang napili mong dress? Bangag ka ba?" Biglang bulyaw ni Margie

"Problema mo?" Di makapaniwala kong tanong at binalingan ng si Denise

"Hay naku girl, pabayaan mo na siya. May LQ kasi sila ng love of her life niyang si Cyrus kaya siya nagkakaganyan."

Kaya naman pala. Natatawa namang napailing si Dara.

______

"Wag ka na lang kayang tumuloy. Iba kasi ang pakiramdam ko sa babaeng yun eh." Saad ni Dara.

Katatapos lang naming mag shopping so nandito kami sa jollibee para kumain.

"You know what girl. Ang creepy mo. And laging bad vibes yang nasa utak mo. Chill ka lang okay." Pagpapakalma sa kanya ni Denise bago sumubo ng fries

"Actually tama si Dara. Paano kung mangyari sa kanya yung nangyari 3 years ago?" Pagsang ayon ni Margie kay Dara at mahahalata mo din sa mukha niya ang pangamba at takot.

Natahimik kami bigla at nagtinginan sa isa't isa. She's right. Paano kung may masama ding balak si Dani sa akin. Atsaka bagong kilala ko lang si Dani at hindi ko pa lubos na kilala ang tunay niyang pagkatao at kung bakit siya nakipagkaibigan sa akin.

Pero kung sakaling gawin man niya yun ay sinisigurado ko na hindi siya magtatagumpay. Marami na akong pinagdaanang pagsubok na muntik ko ng ikamatay. Sa dami ng mga yun at sa dami ng hinarap kong halang ang bituka na mas masahol pa kay Lucifer, siya pa ba ang aatrasan ko.

Huminga ako ng malalim at ako na rin ang bumasag sa katahimikan.

"Wag kayong mag-alala, kaya ko ang sarili ko. Kung si Claire nga na paulit ulit akong ginawan ng masama nakayanan ko siya pa kaya." Nakangiti kong tugon sa kanila.

"Ganya dapat! Be confidence kahit sa harap na ni kamatayan. Laban lang! Para saan pa ang make over mo kung magpapatalo ka sa mga kalahi ni Claire, diba. And Dara, suggestion lang huh. Pakibawas bawasan yung pag-inom ng kape. Nagiging nerbiyusin ka na eh. Masama yan sa health. Dapat healthy lang like me. Duh!" Nakangiting saad ni Denise habang kumakagat ng burger at nakatingin kay Dara

Si Dara naman parang sumama ang timla ng mukha dahil sa sinabi ni Denise at ang sunod sunod niyang pagkagat sa burger at pagsubo ng fries.

"Healthy..like...you? You mean gagayahin  kitang kumain na parang baboy? Uh-huh. No way! Thank you na lang." Tugon ni Dara at umiiling uling na parang kinikilabutan pa habang nakatingin kay Denise

Pfftt....

Kami naman ni Margie ay halos lumagapak na sa kakatawa. My God.
Si Denise naman ay ang sama ng tingin niya kay Dara at naka position pa ang pangalawang burger sa bibig niya para kainin at nakabukaka pa ang bibig niya para kagatin ang hawak niya.

Naibaba niya ang hawak niya at tumingin sa paligid bago binalingan si Dara na hindi mawala wala ang disgust sa itsura niya.

"Grabe siya. Sa dami pa talaga na pwede mong I-example baboy talaga? Sakit mo magsalita ah. Ano bang masama sa pagkain huh. A-at saka.... MUKHA BA AKONG BABOY HUH." Bulyaw niya ka Dara at kinuha ulit ang burger bago kagatan.

Nagtinginan pa sa amin yung Tao dito sa jollibee dahil sa pagsigaw niya.
Kami namang tatlo ay tumatawa ng palihim. Burn.... Hahahhahaha.

***

Short update lang po😟😢😭

Sorry po sa matagal na pag UD. Naging busy lang po talaga at walang badget pang LOAD. HUHUHHU😢😭😭

_Leydeereyhn

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon