***
Trap
_____
SOMEONE POV:Naka-upo ako habang naka cross arms na nakatingin sa lalaking kaharap ko. Parang hindi maipinta ang mukha nito dahil sa isang dahilan. Habang palapit ng palapit ang araw na pinakahihintay ko ay lalo siyang nababalisa.
"Kailan natin gagawin ang plano?" Tanong ko habang nakatingin parin sa kanya.
"Kailangan ba talaga yun? Hindi ko siya kayang saktan. You know how much I love her." Humina ang boses nito sa dulo pero narinig ko parin ng malinaw at hindi ko mapigilang magalit dahil ako dapat yun.
"Nagpapatawa ka ba?" Hindi niya maitindihan kung paano nabulag ang lalaking to sa babaeng yun samantalang wala namang magandang katangiang sa kanya. Utak lang ang meron siya pero isa lang siyang mahirap ang pangit. Mas maganda pa nga ako sa kanya.
"Makikipag break na lang ako. That's it." Pinal niyang turan. Umismid siya at umiling iling. No. Hindi ako papayag na ganun lang ang maramdaman niyang sakit. Gusto ko doble dobleng sakit ang maramdaman niya. Ah. Hindi. Gusto ko siyang mawala sa buhay ko. Tss.
"No. Itututloy natin ang napagplanuhan sa ayaw at sa gusto mo. Wag mong subukan na sirain ang plano ko kung ayaw mong mas masakit ang maramdaman siya sa gagawin ko."
"Are you crazy? Sinabi ng hindi ko kaya. Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?" Sigaw niya sa akin.
"Subukan mong sirain ang plano ko at makikita mo na lang ang babaing yun na naliligo sa sarili niyang dugo."
Pagbabanta ko. Hindi ako papayag na may humarang sa akin. Tumalim ang tingin niya sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ang braso ko. Kahit na masakit ang ginawa niya ay pilit kong itinago ang sakit."Subukan mong galawin ang kahit hibla ng buhok niya at ako mismo ang papatay sayo." Pagbabanta nito at mas lalo pang hinigpitan ang kapit sa braso ko. Hinila ko pabalik ang braso ko at itinulak siya. Umayos ako ng pagkakatayo ay huminahon.
"Bakit di mo na lang kasi gawin. Pasalamat ka nga at yun lang yung mangyayari sa kanya, mananatili pa naman siyang buhay at makikita mo parin siya sa school. Wag mo kung subukan dahil kapag ako ang kumilos baka hindi mo na siya abutan pa na humihinga. Ikaw ang sisira sa kanya o ako ang gagawa nun? Mamili ka sa dalawa."
"DON'T YOU DARE." Tumaas na ang boses niya
"Kung ayaw mong mangyari ang kina tatakutan mo, sundin mo ko at ipinapangako ko na walang mangyayaring masama sa kanya. You have my word."
"Fine. Basta tuparin mo ang pangako mo na hindi mo na siya sasaktan kahit kaylan." Napangiti na ako sa sagot niya
"Good choice." Lumabas na ako ng kwarto niya. Sorry pero ako ang masusunod dito. Hindi ako papayag na manatiling buhay ang babaing yun. Alam kong nagawa mo na siyang mahalin. Pero hindi ako papayag na agawin ka niya sa akin ng tuluyan. Akin ka lang. Kaya humanda ka sa akin babae ka. Ipaparanas ko sayo ang impyerno. Gusto kong makita kang umiiyak ng dugo... ah hindi pala dahil mas gusto kong makita na naliligo ka sa sarili mong dugo. Kaya sorry ka na lang dahil gagawin ko ang plano kong pagpatay sayo. Nagkamali ka ng binangga.
________
ELLAH POV:
Nandito ako sa labas ng gate. Hinihintay ko si Vash. Buti na lang bumili ako ng ticket sa sinehan. Yayayain ko kasi siyang manood mamaya. Inayos ko ang dress ko nang makita ko ang kotse ni Vash na papalapit sa akin. Huminto siya sa harap ko at binuksan ang bintana ng kotse niya.
"Sakay na." Lumapit na ako sa kotse niya at pumasok. Pinaandar na niya ang kotse. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa isang hotel. Lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok na kami sa loob. Buti na lang pala at maayos ang suot ko.
BINABASA MO ANG
NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)
RomancePaano kung ang nakaraang nilimot ng lahat ay biglang magbabalik? Paano kung ang nerd, pangit,mahina, mahirap at salot sa paningin nila, na akala nila ay wala na sa buhay nila ay biglang magbalik? Ang tanong kakayanin mo ba ang pagbabalik niya k...