Seventy Three

1.5K 24 6
                                    

***

Ellah POV:

Naglalakad lang ako sa hallway at pinagmamasdan ang mga estudyante na may kanya kanyang ginagawa. Hindi pumasok sina Margie kaya mag-isa lang ako dito. Hindi naman nila sinabi kung bakit. Tinawagan ko din sila isa isa pero lahat sila hindi sumasagot. Even Cyrus and Tristan. May ginawa na naman siguro yung mga kalukuhan.

Pero bakit ganun parang iba ang kutob ko sa hindi nila pagpapakita sa akin ngayon. Lunch na rin kasi at tinatawagan ko sila pero wala parin. Ano yun isa isa sila nagkawalaan.

Yung tungkol naman kay Claire ay umaayo  sa akin ang lahat. Mukhang mabibigyan ko na ng hustisya ang ginawa sa akin ni Claire. Warrant of arrest na lang ang kulang para pagbayaran niya lahat ng kasalanan niya. Nawawala nga siya rin siya eh. 3 days na after nung sagutan namin.

Walang Margie, Dara o nino man sa kanila ang nagpakita sa akin hanggang sa nag-uwian na. Unti unti na akong naiinis sa kanila. Hindi man lang nila magawang tumawag.

______

Nakauwi na ako sa bahay pero wala parin. Nganga. Tinawagan ko na sila pero wala na naman. Pagka-akyat ko sa kwarto ko ay humilata na ako. Hindi  narin ako nag-abala na magbihis. Nakatitig lang ako sa kisami at iniisip kung bakit hindi man lang nila nagawang magparamdam sa akin. Usually ay hindi nila matiis na tumawag para kamustahin ako kahit pa nung nasa America ako. Nawala ang pagmumuni muni ko nang marinig ko ang phone ko na may tumatawag. Tumayo ako sa kama at pinuntahan sa ibabaw ng side table ko.

"Hello." Walang gana kong sabi sa kabilang linya. I'm so bored

"Ms. Ellah. Nailabas na ang warrant of arrest na hinihintay mo."

Napatayo naman ako dahil sa narinig ko.Yung kaninang bored na nararamdaman ko ay Biglang napalitan  ng saya. Sa wakas. Ang matagal ko ng hinihintay na hustisya.

"Thank you. Sasama ako sa pag-aresto sa kanya. Mauna na kayo. Susunod ako." Saad ko at nagmadali na akong bumaba. Hindi ko na rin magawang magpalit ng damit. Naka uniform pa ako. Hindi ko ito pwedeng palampasin.

Nadaanan ko pa si Mommy at Daddy na nagtataka dahil sa pagmamadali ko.

"Saan ka pupunta? Nagmamadali ka ata. May nangyari ba?" Tanong ni Mom na lumapit sa akin. Even Dad ay lumapit sa akin.

"Magpalit ka muna bago ka umalis." Sang-ayon din sa kanya ni Dad.

Nakangiti naman akong umiling.

"Mom, Dad, ito na po yung time na hinihintay ko. Lumabas na ang warrant of arrest kay Claire. Makukuha ko na ang hustisya sa ginawa niya sa akin."

"Ganun ba? Gusto mo samahan ka namin?" Dad Said. Umiling na lang ako

"No need na po. Kaya ko na po ito. Aalis na po ako." Hindi ko na sila hinihintay na magsalita dahil nagmadali na akong umalis.

Hindi ko na hinihintay ang butler ko. Pagkasakay ko ng kotse ay pinaharurot ko na Ito papunta sa bahay ni Claire. Buti na lang at hindi traffic kaya madali akong nakarating. Pagkarating ko ay agad na akong bumaba. Nakasalubong ko si Officer Nam at ang tatlong pulis. Paalis na sila pero hindi ko nakita na kasama si Claire.

Nasaan siya? Akala ko ba aarestuhin na siya?

"Nasaan si Claire? Dapat hinuhuli niyo na siya diba?" Agad kong tanong nang tumigil sila sa harap ko

Iling naman ang sinagot sa akin ni Officer Nam. Nagtataka naman ako kung bakit.

"Why?" Malamig ko nang saad. Nawala ang saya na kanina ko pa nararamdaman.

"Nakatunog siya. Ang sabi ni Mr. De Chavez ay tatlong araw ng nawawala ang anak niya. Nag-away daw kasi sila dahil nalaman niya ang pagnanakaw ni Claire sa kompanya nila. Mukhang alam na niya na anumang oras ay huhulihin na siya kaya tumakas na siya." Sagot ni Officer Nam

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon