***
ELLAH POV:
Busy kaming lahat ngayon dito sa H.U dahil sa isang linggo ay may gaganaping anime costume party. Ewan ko ba kung bakit mayroon pang ganun pero wala na akong pakialam. May mahalaga rin akong announcement na siguradong magugustuhan nila. I can't wait to see their priceless faces. Hahahha.
Yung tungkol naman kay Chloe ay hindi ko alam kung nasaan na siya. May nakapag sabi lang sa akin nakalaya na daw siya. Hindi narin daw siya makita. Marahil ay umalis muna ito at pinaghahandaan ang pagpapabagsak niya sa akin. Pero pasinsyahan na lang kami.
Lumabas na ako ng office ko dito sa H.U. Pupunta muna akong cafeteria Pagkarating ko doon ay natanaw ko sina Dara na kumakain na. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Denise.
"Hi." Bati ko pero hindi nila ako napansin.
Mukhang hindi nila ako napansin dahil may kanya kanya silang ginagawa habang kumakain.
Si Dara ay nagla-laptop habang kumakain. Si Margie naman ay kumakain din habang may isinusulat sa notebook niya at si Denise na kumakain habang nagbabasa. Hindi ko makita kung ano yung literal na ginagawa nila. Tumayo na lang ako at bumili ng food ko bago bumalik sa upuan ko. Kumain na ako. Natapos na akong kumain pero hindi parin nila ako napapansin.
"Sobrang busy niyo naman." Saad ko pero no response parin.
Huminga muna ako ng malalim bago ko hinampas yung table kaya napatingin sila sa akin. May tumingin din sa amin na iba pero hindi ko pinansin. Tss
"Oh. Ellah, nandiyan ka pala? Bakit hindi ka nagsasalita." Saad ni Margie
"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong naman ni Dara
"Kumain ka na?" Saad naman ni Denise
Nginitian ko na lang sila.
"Actually kanina pa ako nandito. Mga 30 minutes lang naman. Kumain na rin ako at kina-usap ko kayo pero no response parin."
"Ahh. He he he." Tawa ni Denise
"Sareh. Busy lang talaga." Saad ni Margie
"Okay lang. Ano ba yang ginagawa niyo?" Tanong ko
"Yung mga requirement na ipapasa namin. Bawal kasi ang hindi kompleto dahil hindi makakasama sa anime costume party." Reklamo ni Margie
"Ikaw naman kasi Ellah, bakit mo pa yun idinagdag sa rule. Ayon tuloy. First sem palang pero ganito na kahirap. Kung alam ko lang na kailangan ang requirement edi sana ginawa ko na ito noon pa." Reklamo din ni Denise
Noong naging school president na ako ay binago ko ang mga rules and regulations dito sa H.U.
Isa na doon ang kailangan mag complete ng requirement upang kasama sa mga okasiyon tulad ng costume party. Pero hindi dun kasama ang mga activities na gagawin. Ang isa ko pang ipinatupad ko ay bawal ang PDA dito sa loob ng school dahil kapag may nakakita sa kanila na school officer ay dadalhin sila sa dean office at may naghihintay sa kanilang parusa. Okay lang naman yung holding hands at yung kiss pero wag lang yung halos maghubaran na sila sa sobrang PDA nila at humiga na sila sa kalsada dahil lang sa kaharutan nila."Wag na nga kayong magreklamo " Bulyaw ni Dara
"Palibhasa isa lang ang iko-kompleto mo." Saad ni Margie
"Oo nga." Sang-ayon din ni Denise. Inirapan na lang sila ni Dara.
"Ikaw ba tapos na?" Lingon sa akin ni Margie
"Yeah." Simpleng sagot ko. Hindi na muli silang nagsalita at tinuloy lang nila ang ginawaga nila.
"Aalis na ako." Paalam ko sa kanila
BINABASA MO ANG
NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)
Roman d'amourPaano kung ang nakaraang nilimot ng lahat ay biglang magbabalik? Paano kung ang nerd, pangit,mahina, mahirap at salot sa paningin nila, na akala nila ay wala na sa buhay nila ay biglang magbalik? Ang tanong kakayanin mo ba ang pagbabalik niya k...