ENTRY 2

102 1 0
                                    

Orio's POV

"BUMANGON KA NAAA!, First day na first day late ka na agad. Hala bilisan mo na at baka lumamig ang niluto ko"

Bwisit! Ang sakit pa ng ulo ko,"Ma, 5 minutes pa" Kahit mahina,sa tingin ko naman ay narinig niya yun.

"Tatayo ka diyan o bubuhusan kita ng kumukulong tubig"

Agad nagising ang sistema ko at dali dali akong bumaba sa sala. Alam kong pag nagbanta si mama,ginagawa niya. Pero agad bumilik ang antok ko nang makita ko ang orasan. "3:30 pa lang!! Ma ang aga pa masyado!" Takte. Ibig sabihin tatlong oras pa lang ang tulog ko.

Wala pang isang oras ay tapos na akong maghanda. Kahit di pa sumisikat ang araw ay napilitan na rin akong umalis. Wala rin naman akong magagawa sa bahay. Pagkasakay ko ng bus ay isinalampak ko agad ang earphones at umidlip muna ng saglit.

"4:45 pa lang",sambit ko sa sarili,"Sobrang aga pa tsk,nakakainis"

Sa sobrang aga ay halos wala pang tao sa covered court kung saan ang assembly. Kahit ang guard nagkakape pa lang at di pa naka uniporme. Sa malayo ay kita na agad ang mga sign na may nakasulat na grade level at section para sa bawat estudyante. 8-Newton. Iyan ang magiging section ko para sa taong ito. Nagulat ako nang may makita akong babae na nakapila roon pero hindi naka uniporme.

"8-Newton ka rin?",tanong ko.
"Oo,ikaw?"
"Oo eh,ibig sabihin kaklase pala kita hmm pero kase di ka pamilyar saken"

Bago niya pa masagot ang tanong ko ay may tumawag na sa kanyang teacher. Sigurado akong ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Maikli ang buhok na natatago pa ang batok. Nakasalamin. Di ko masabi kung singkit ba o hindi. Maputi. Mataba ang pisnge at ang cute niya. Pero sorry siya hahaha,loyal ako eh.

Di nagtagal ay dumami na rin ang mga estudyante. Unti unting napuno ang covered court. May mga magulang rin na naghahatid sa mga anak nila. Matapos ang maikling speech ng principal ay pinaakyat na rin kami sa kanya kanyang silid-aralan.

Room 204,mukhang ito yung magiging roon namin.

5:56 pa lang at dalawa pa lang kami ni Siobhan na nandito. Kayumanggi,bilugan ang mukha,at masasabing isa siya sa pwede naming ipanlaban sa mga pangeant dito sa school. Isa-isang dumating ang mga magiging kaklase ko. May mga bagong mukha pero sa mga dating kaklase lang ako naka focus. Isa-isang dumating ang mga ka tropa ko. Pinakahuling dumating si Sync. Laging huling dumadating pero ngayon di pa naman siya late.

"Psst dito ka na,tabi-tabi na tayo,dalian mo habang unti palang tao"

Tumabi ang kupal pero yung mata na kay Siobhan. Yup,since Grade 7,crush na ni Sync si Siobhan. Nagkwento sila ng kung ano-ano. Mga ginawa nila nung summer vacation,love life,pati kahit mga walang kwentang bagay pinaguusapan na namin. Tagal naman kasi dumating ng adviser namin.

Pagkatapos ng ilang minuto ay may babaeng pumasok sa pinto. Ang gandaaaaa. Yan yung masasabi ko. Bagay na bagay yung brown na uniporme ng mga teacher sa kanya. Singkit, maputi,at mararamdaman mo yung masayahing awra sa bawat paghakbang niya. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at lahat sila nakatulala sa bagong dating. Si Samuel ay literal na tulo-laway na. Gusto ko siyang picturan pero wag na lang.

"Good Morning Everyone.I will be your Adviser for this school year and your teacher in English,I am Ms.Marie Antoinette Ilagan.I expect a lot from all of you as you expect a lot from me"

Bagay na bagay yung pangalan niya sa kanya. Isa-isang nagpakilala ang mga kaklase ko at nung kami na ang magpapakilala....

"Gregorio Salazar Macaraeg,15 years old... "

"Calypso Saavedra Villafuente... "

"Ezio Altair Rioflorido..."

"Oliver Antonio Crisanto..."

"Samuel Mephisto Orozco... "

"Darrius Adrian Sayson Lim... "

"Lucifer Syntax Buenaventura,15 years old."

"Not really surprising,Not often times you get to encounter someone named Lucifer"

"Pwede niyo kong tawaging Lucifer Maam pero kung mas gusto niyo tawagin niyo na lang akong Sync"

Kahit yung mga nakaraang teachers namin,halos lahat ay nagulat sa pangalan ni Sync. Ikaw ba naman,pangalan mo Lucifer diba. Ewan pero sabi ng iba cool daw. Ay! Di pa pala ako nakakapagpakilala. Hahahahaha. Ako nga pala si Gregorio Salazar Macaraeg. Masyadong matanda ang Gregorio kaya ang tawag nila sa akin ay Orio. Hindi Orio na biscuit ah. Ang basa diyan ay "Orayo". 15 years old at mahilig akong magbasa ng libro. Hindi ako friendly na tao, approachable lang. My favorite subject is History.

"Erina Faye Denali,15 years old..."

Agad akong napalingon sa babaeng nagsalita. Hindi ko alam pero ang lakas ng dating niya para sa akin. Kulot ang buhok,kayumanggi,cute size yung height pero nakakatakot yung awra niya. Ano pa ba? Hindi ko na alam. Wala na akong maisip pag siya na yung pinaguusapan.

Buong araw,pare-parehas lang ang nangyari. Introduce yourself,gawa ng essay about sa ginawa sa bakasyon,at kung ano-ano pa.

"Sige mauuna na kami ah,kayo nang bahala dito sa room"

Pagkatapos magpaalam nila ate Jazheiah ay kakaunti na lang ang naiwan. Pinagtabi na agad ni Darrius at Ezio ang mga kamao nila at tiningnan ako. Hayyy alam ko na ibig sabihin nito. Inilapit ko na rin yun kamao ko at....

"Bato bato pik"

Bato ako,bato rin si Altair,gunting si Darrius. Talo siya. Pumwesto na si Altair at..

"ARGHH!!! "

"ARAY!!!"

"T*NGINA ANSAKIT"

SHET! Nanuot yung sakit sa kanang braso ko.

Kahit si Samuel na tulog,nagising at hawak yung braso niya. Putek ano yun?

The SEVENS OF HIGHSCHOOLWhere stories live. Discover now