ENTRY 4

52 2 0
                                    

Altair  POV

"RIIIIING!!!"

Pagkagising sa alarm ng phone ko ay bumangon na agad ako sa kama at dumeretso sa sala.

"Ma, sa school na lang po ako mag-uumagahan. Nagmamadali po ako."
"Aba sige basta wag ka magpapalipas ng gutom ha."

Pagkaligo ko ay nagbihis agad ako at dumeretso na sa school. By the way, ako nga pala si Altair. Simula nang humantong kame sa Grade 8 ay marami na kaming pagbabagong naranasan. Bagong teachers, bagong classmates, at bagong experiences. Di ko alam kung iniimagine ko lang eto pero parang mas doble ang pagod na nararanasan ko kumpara sa Grade 7 days namin kasi ngayon, bigla-bigla nalang sumasakit ng katawan ko sa napaka "Unnatural na paraan". Ito rin ang sabi ng iba kong mga katropa pero pagod lang daw eto.

" ARAY! "

Habang nasa jeep ako papuntang school, bigla nalang akong napasigaw. Nahiya tuloy ako sa mga pasahero ng jeep kaya yumuko nalang ako. Ang weird kase biglang sumakit ang ulo ko. Eto ang sinasabi kong "Unnatural na paraan" ng pagsakit ng katawan ko.  Dahil ba to sa stress? Pero pakiramdam kase para akong inuntog sa poste. From time to time bigla nalang sumasakit ang ibang parte ng katawan ko at hindi ito nakakatawa. Ay SH*T lagpas na pala ako sa babaan

" Para po!"

Pagpasok ko sa classroom ay nakita ko ang mga katropa kong sina Darrius, Orio, Calypso, Samuel at Oliver. Linapitan ko si Orio para makipagkwentuhan at sabihin sa kanya ang naramdaman ko kaninang umaga.

"Orio, anong masasabi mo sa nangyaring insidente kina Darrius at Ms. Transferee?"
"G*GO talaga si Darrius pre. Naaawa ako kay Ms. Transferee. Biruin mo unang treatment na matatanggap niya sa pagtransfer niya dito ay ang iconic na bibig ni Darrius. Pero sa tingin ko bagay sila pre."

Speak of the devil. Biglang pumasok ng classroom si Darrius ng may maga sa ulo. Bakit kaya? Anong katangahan nanaman nangyari sa kanya?

"Pre anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya
"Nauntog ako sa tricycle pagbaba ko POTEK!"
"T*NGA T*NGA mo naman!" dagdag ni Orio.
"Mga boi, may ikukuwento pala ako sa inyo. Kaninang umaga-

Biglang pumasok na teacher. Anong oras na bat pa siya pumasok ng Room eh ilang minuto nalang natitira sa oras niya. Naunahan pa ni Teacher si Sync. Siguro nagpapakadepress nanaman yung batang yun

Pagkatapos ng klase ay tumambay muna kameng magtotropa sa room kase wala kaming magawa. Umuwi na ang mga iba naming kaklase at kami nalang ang natira sa loob ng classroom.

"G ba tayo?"
"Wag muna ngayon"
"OO nga, tambay nalang muna tayo"
"Wews"

Napansin ko na papalapit si Darrius sa akin. Parati kase ako nitong sinusuntok ng walang dahilan kaya ngayon magiging cautious ako.

"Altair!"

Sabay biglang umamba na para bang ibubuhos niya ang buong lakas niya para suntukin ako, but B*TCH this time alam ko pakay mo. Kaya inunahan ko siya ng isang malutong na sampal sa pisngi

"PAAAAK!!!"

P*TANG INA! Anong nangyari? Si Darrius lang naman sinampal ko eh bat pati ako naramdaman ko.

"AAAAAAHHHH#£&@:%"
"ARAY PUNY*TA!!!!!"
"TANG *NA ANO YON!?!"
"WHAT THE F*CK"

Biglang napansin ko pati mga katropa ko humahagulgol sa sakit kahit hindi naman sila yung sinampal ko. Pero hindi ito normal. Ito ba ang explanation kung bakit bigla nalang nangangatog ang katawan namen simula ng humantong kame sa Grade 8?

"Guys, di ko alam kung imagination ko lang to, pero nararamdaman ba natin yung sakit ng isa't isa?" Tanong ko sa kanila.

"G*GO kaba? Sa tingin mo isa tong anime pre? Nilamon ka lang ng sistema ng pagiging weebshit mo."

"OO nga, tigang ka lang yata pre"

"Yeah yeah, just stop with your delusional bullcrap"

"Baka yung Black lady ng building na to ang may kagagawan!" Sumbat nila.

These dudes are getting on my F*CKING nerves. Rinoroast pa nila ako at times like this. Pano kaya nila yon nasasabi matapos nilang maranasan ang pangyayari kanina?

"You guys are the delusional one. Di ako makapaniwala na kaya niyo yang masabi pagtapos niyong maranasan yung kakaibang pangyayari kanina. Orio, alam mo kung ano dapat ikukuwento ko sayo?"

"Ano? Tungkol sa mga Grade 6 mong crush?"

"G*GO Kaba?!? Gusto mong suntukin kita hangga't sa umiyak ka?"

"HAHAHAHAHA joke lang boi"

"Kaninang umaga ikukuwento ko sana sayo yung nangyari saken kaninang umaga. Biglang sumakit ulo ko sa jeep ng walang dahilan. Pagkatapos pagpasok ni Darrius ay maga ang ulo niya at dahilan neto ay ang KATANG*HAN niya sa tricycle. Ito rin ang mag-eexplain sa kung bakit piling natin mas doble ang pagod na nararanasan natin simula nang naging Grade 8 tayo. Kung bakit bigla nalang sumasakit katawan naten."

"Kaya pala minsan bigla nalang sumasakit katawan ko. Akala ko imagination ko lang yon"
"OO nga no"
"No Way!"
"Siguro di ko lang napansin"
"WEEEHHH!?!?
"Now that you mention it.."

"Sige nga testingin nga naten." sabi ni Calypso habang bumebwelong hahampasin sa likod si Sync

"PAK!" 
"F*CKING HELL!!!" napasabi ni Sync at mukhang gaganti pa yata siya.

"Tama na mga TARANT*DO! Nararamdaman din namin mga hampasan niyo!" Pasigaw na sinabi ni Oliver habang si Samuel ay humahalakhak sa gilid.

"Oh ano, di paren kayo naniniwala?"

Tama nga ang hinala ko! Lahat ng sakit na nararamdaman namin physically ay nararamdaman naming lahat. At mukhang kaming magkakatropa lang ang nakakaramdam. Pero what bothers me is kung pati yung iba naming kaklase ay nararamdaman din nila ito.

" Guys, what if kung napugutan ang isa sa atin or namatay, hindi ba't mararamdaman natin yon lahat?"

Biglang nag-iba ang atmosphere sa classroom. Tumahimik ang lahat since kami-kami lang magkakatropa ang nasa classroom. Hindi pa namin nagagrasp ang situation dahil hindi kapani-paniwala ang nangyayari sa amin. Nag-impake kameng lahat at nauna akong lumabas. Pagkalabas ko ng classroom ay nakita ko si Ms. Transferee

"Gasp!"

Tumakbo bigla siya. Wala akong balak na habulin siya kase socially-awkward ako lalo na't transferee pati siya.

"BLAAAG" (Nadapa si Ms. Transferee)

ARAY KO P*TA! Napaluhod ako sa sakit. Anong ibig sabihin neto!?! Pati si Ms. Transferee kasama dito sa SH*THOLE na nararanasan namen? Nagdagsaan sila kagad palabas dahil siguro naramdaman din nila ito.

"P*NYETA KA ALTAIR ANONG K*TANGAHAN NANAMAN GINAWA MO!?" Sigaw ni Darrius.

"Ah SH*T, here we go again"

Nagulat silang lahat sa kung bakit nakahandusay si Ms. Transferee sa sahig. Anong enkwentro nanaman kaya ang aming haharapin?


The SEVENS OF HIGHSCHOOLWhere stories live. Discover now