ENTRY 5

38 2 0
                                    

Oliver POV
“Poteeeek ano ginawa mo kay Ms. Transferee Altairrrr”
Paglabas ni Altair ay biglang sumakit tuhod ko. Akala ko may katarantaduhan na naman siyang ginawa. Potek si Ms. Transferee pala yung nadisgrasya. Tas potek anoyun kasama rin siya sa kahakdugan na nangyayari sa aming pito?
“Taeee ano nanaman itooo akala ko pa naman sa ating pito lang ito nangyayari”
“Eto na mga pre nararamdaman ko na, parang nasa anime na talaga tayo” biglang sambit ni Sync
“Wait nga lang tatayo lang ba tayo dito at pagmamasdan habang nakahandusay si Ms. Transferee?”
“Eh ano pa ba gagawin natin, di pa naman natin siya ganon ka-close”
“Ganto na lang buhatin nalang kaya natin siya papunta sa clinic or something”
“Oh sino magbubuhat sa atin eh wala nga siyang ka-close diba? Nakakaawkward naman eto”
Mga sampung minuto ata sila nagtalo kung ano gagawin. Habang ako nama’y nag-iisip kung ano at bakit ito nangyayari sa amin. Medyo gets ko naman na nangyayari ito sa aming pito pero tila naguluhan ako lalo nang malaman naming kasama pala sa katarantaduhang ito si Ms. Transferee. Lol Ms. Transferee parin tawag naming sa kanya, di pa namin talaga kakilala.
“Oi potek nag-aantay lang tayo ng pasko dito oh, buhatin na nga natin papuntang clinic at nang matapos na itong araw na ito”
“Teka sa braso at legs niyo hawakan ah wag niyo hawakan ung ibang parte mamaya may magawa pa tayong kasalanan”
“Ako na moral support! Go guys!”
Potek itong si Samuel HAHAHAHA. Pero ayun na nga ako at si Darrius na yung nagbuhat kay Ms. Transferee since ayaw nilang hawakan siya. Ang aarte talaga ng mga k*pal na ito eh. Pero ang weird lang voluntary kasing nagbuhat si Darrius. Parang may something ata. Pero nevermind that at medyo malayo pa yung clinic.
“Teka lang this is not working mukha tayong mga serial killer na may ibabatong bangkay sa ilog”
“De wala this is the path to being the greatest students of history”
“Oi seryoso mung ewan tayo sa pag-buhat natin Darrius, Isang tao nalang magbuhat kaya”
“Darrius ikaw nalang magbuhat para mabilis gumalaw”
“Gege lezgo nibbas”
Edi madalian na kaming naglakad papuntang clinic. Naglakad ah hindi tumakbo. Mamaya madapa pa si k*pal maramdaman pa ulit naming lahat yung sakit. Although expected naman na naming na Efficascent Oil lang naman yung ibibigay nung clinic, it’s still better than iwanan naming si Ms. Transferee na nakahandusay sa sahig.
“Ayan nasa clinic naren sa wakas ambagal mo kasi maglakad Darrius”
“Ulol ka ba gusto mo bang matumba pa ako kung tatakbo ako?”
“Dechar lang peace na tayo, oh ayan na ipasok na natin sa loob ng clinic”
Madaliang nilapag ni Darrius si Ms. Transferee sa higaan sa clinic. Nagulat yung nagbabantay pero nung inexplain namin yung nangyari ay naintindihan niya at agad-agarang gumalaw. Kala pa naman naming kung anong medical treatment gagawin niya, nilabas lang pala yung Efficascent Oil.
“Papahiran ko lang siya sa noo at sa leeg para maginhawa yung ulo niya pag nagkamalay na siya. Kaklase niyo siya diba? Kayo nalang rin magbantay sa kanya.” bilin ng nagbabantay ng clinic.
“Ahh sige po salamat pooo” pabibong sagot ni Orio
“Luh ambibo naman nun” bulong ni Samuel
Pak! Hinampas ni Orio si Samuel sa likod. Potek ANSAKIT. Napamura kaming lahat, buti nalang lumabas yung nagbabantay ng clinic.
“P*TA AMBOBO MO ORIO ALAM MO NAMAN NANG MARARAMDAMAN NATING LAHAT YUNG SAKIT NA MARARAMDAMAN NG ISA EH” pasigaw ni Darrius
“Eh paano yung feelings niya sa’yo naramdaman mo rin ba?” biglang banat ni Calypso
“OOOOOhhhhhh panes ka Darrius, b*bo mong hatdog ka”
“Lah isa ka pang bonak ka, gusto mo rin ba ng hampas sa likod?!”
“P*ta wag na bobo Darrius mashaquet na”
Sa katarantaduhang ito na pinaggagagawa naming ay hindi naming namalayan na nagising na pala si Ms. Transferee. Ako pa yung unang nakapansin. Biglang tumahimik yung clinic eh. Pati yung tawa ni Samuel nauwi sa ubo eh.
“Uhm hello pooo okay lang ba po kayo?” tanong ni Orio
Tumingin si Ms. Transferee kay Orio ng mga ilang segundo. Tapos tiningnan ang bawat isa sa amin. Grabe yung mata niya parang maglalabas ng laser sa talas eh. Tapos bumalik ang kanyang paningin kay Orio.
“Kaklase ko kayo diba? Bakit ako nandito ngayon? Tsaka paano ako napunta dito eh ang huling pagkakaalala ko nasa tapat ako ng room natin kanina?”
Kagulat mga tanungan ni Ms. Transferee sunod-sunod at on-point eh. Nagtinginan kaming pito na tila ba’y nakikipag-usap telepathically kung ano at paano sasabihin kay Ms. Transferee ang mga nangyari. Pero teka nga lang ang haba masyado pag lagi naming siyang tatawaging “Ms. Transferee” kaya nama’y tinanong ko muna ang pangalan niya.
“Uhm bago po naming sagutin mga tanong mo, sorry pero di pa kasi namin alam yung pangalan mo. I mean alam namin but we want you to officially introduce yourself to us. To be honest nakalimutan ko pangalan mo from dun sa mga pa-introduce yourself sa mga subject eh.”
Tahimik na prinoseso ito ni Ms. Transferee. Biglaan siyang Tumingin sa akin at binuka ang bibig, tapos sinara ulit. Tila’y nahihiya o nahihirapan magsalita. Pero siyempre dahil lang naman sa hiya.
“Ahhh ganun po ba? Uhmm, pasensiya na po kung hindi niyo po naalala pangalan ko nun masyado atang mahina boses ko sorry po talaga…”
“Ay hindi po okay lang sabihin mo nalang sa amin ngayon yung buong pangalan mo para hindi na namin makalimutan”
“Ahh sige po pasensiya na po talaga. Bali po ang pangalan ko ay Rin Zacharielle Edjan Olivarez pero you can all call me Rielle para hindi po kayo mahirapan.”
“Owww kaya pala hindi namin maalala medyo mahirap rin pala bigkasin loll” banggit ni Darrius
Tumango si Rielle sa binanggit ni Darrius. Yung iba naman ay nagtanong kung paano bigkasin yung “Zacharielle” at “Edjan” sa pangalan niya. Lumabas muna si Calypso papahangin lang muna raw. Tapos dahil nga nagtanong si Rielle tungkol sa mga nangyayari, ako na yung kusang sumagot.
“Ahh oo nga pala rin sasagutin ko pa mga tanong mo noh? Una sa lahat, oo Kaklase mo kami. Ang nangyari kasi ay bigla ka raw tumakbo paglabas ni Altair sa room natin tapos nadapa ka. Kaya napagdesisyunan namin na dalhin ka namin dito sa clinic.”
“Ahhh ganon ba? Sige-sige naintindihan ko na, salamat sa pagsagot.”
Masayang ngumiti sa akin si Rielle. Samantala ay bigla kaming nakaramdam ng biglang kalabog sa labas.
“BLAAAG” (nahulog yung mga upuan sa labas)
“POTEK ARAY KO ANG SAKIT PARANG MAY TUMUSOK NA EWAN SA LIKOD KO!” sigaw ng bawat isa sa amin sa loob. Maski si Rielle ay napapikit sa sakit na naramdaman sa likod.
“ARAY! TEKA SINO BA WALA DITO NGAYON SA CLINIC?!”
“SI CALYPSO NAGPAHANGIN DIBA? POTEK ANSAKIT TALAGA!”
“BAKA NADAGANAN SI CALYPSO SA KUNG ANUMAN YUNG NARINIG NATING BUMAGSAK SA LABAS!”
Sabay-sabay kaming lumabas habang nakahawak sa mga likod namin na parang bang maiiyak na kami sa sakit. Dalian naming hinanap si Calypso at ayun nga! Nadaganan nga ng mga upuan na magkapatong-patong. Tumakbo kami agad habang nagmumura sa sobrang sakit ng nararamdaman sa likod namin. Maski si Rielle na nakahawak rin sa likod niya ay nakihalubilo na sa ginawa namin.
“Oi tanggalin niyo na agad yung mga upuang nakadagan kay Calypso! Sync, patulong!”
Binuhat namin ni Sync yung mga upuan at hinatak naman palayo sa mga upuan si Calypso nina Samuel at Altair habang ginigising ni Orio.
“Calypso! Anong nangyari?! Bakit at paano ka nadaganan nung mga upuan?”
Nagkamalay bigla si Calypso at bigla tumayo. Ngunit napahawak siya sa kaniyang likod at muntikan nang matumba.
“Calypso hoi ano nga yung nangyari?!”
“Teka wag niyo ako sigawan! Painom muna ng tubig nahihilo pa ako”
Daliang tumakbo si Samuel sa bag niya para kunin yung tubigan niya. Mukhang sabog na si Calypso at kitang kita ang sakit sa kaniyang mukha.
“Salamat Samuel. Eto kasi yung nangyari. Galing ako ng canteen kasi bumili ako ng pagkain. Bali bumili ako ng dalawang hotdog tulad ng binibili ko lagi. Tapos inubos ko na sa canteen sabay bili rin ng gulaman. Nung naubos ko na bali pabalik na ako dito sa clinic, tapos bigla nalang nandilim paningin ko, natumba, at sakto pa dito sa mga upuan na ito.”
“Nandilim paningin mo? Baka pumikit ka lang nun”
“HAHAHAHAHAHAHA” nagtawanan kaming lima nina Darrius, Altair, Samuel, at Orio. Bigla namang naging seryoso ng todo si Sync.
“Wtf you peasants would you all just shut up and consider how serious the situation is? Someone could literally die here!”
“Oi chill ka lang Sync wag ka iiyak”
“HAHHAHAHAHA” potek isa pa itong si Orio eh, ganda lagi ng timing.
“Stfu Orio, you’re literally not helping at all in our current situation. Just f*cking consider the current situation and broaden up your minds you fools”
“Ayan na po gg na talaga si Sync, magseryoso na nga tayo”
“Sakit parin ng likod ko parang hindi ako makahinga kanina”
“Hayst oks ka na ba Calypso?”
Medyo nahihilo pa rin si Calypso pero nakakalakad naman na. Hay andaming nangyari ngayong araw. Makakatulog pa ba ako nito mamaya?
“Tara na uwi na tayo andami na masyadong nangyari”
Sabay-sabay na kaming nagsi-uwian na may buong pag-iingat. Kanina pa kami nasasaktan at ayaw na namin kaya madalian kaming umuwi. Hindi nga ako nakatulog ng maayos noong gabing iyon.

The SEVENS OF HIGHSCHOOLWhere stories live. Discover now