ENTRY 6

43 1 0
                                    

Calypso POV

"Tara na uwi na tayo, andami na masyadong nangyari".

Kasabay ko palagi si Oliver kapag umuuwi. Siya rin ang matalik kong kaibigan sa aming pito. Mausok at maputik ang  sumasalubong sa amin tuwing umuuwi. Syempre EDSA,  ano bang inaasahan natin.

Mahilig kaming magkwentuhan about random stuffs, katulad nung nangyari kanina. Bago pa man ako magblack out kanina, may hindi pa ako sinasabi sa kanila.

"Oli, nahilo ka rin ba kahapon bago pumasok? Tanong ko sa kanya.
"Oo, ang sakit nga eh parang hinampas ng hammer yung ulo ko". Ilang sandali pa ay may naramdaman na naman kami ni Oliver
"ARAY,  gusto mo ba mamatay?"
"Ha?  Wala akong ginagawa baka sila Orio at Darrius na naman ang may kagagawan nito."

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga weird and strange shits na nangyayari sa amin. May ikukwento pa sana ako kay Oli. 'Di ko namalayan na malapit na pala kaming maghiwalay ng daan ni Oliver.
"Ge Oliver ingat!", masayang paalam ko sa kaniya bago kami lumihis ng direksiyon.
"Gege"

Yown. Ako si Calypso Saavedra Villafuente. Kinse anyos at panganay ako sa magkakapatid kadalasang napupuna sa bahay. Extended Family kami kaya naman maraming tao sa bahay namin. Mahilig akong gumawa ng mga tula pero, ni isa doon wala akong ipinarinig sa mga kaibigan ko. Sa aming magkakaibigan ako yung least active kapag nagkayayaan ng laro sa computeran. Kahapon nga wala naman masyadong gagawin nagpass ako. Ewan, pero last year active naman ako, eh ngayon parang ayaw ko ng maglaro. Parang napahaba ko na ata intro ko. Let's get it on.

Pagkauwi sa bahay. Agad akong humiga sa kama. Iniisip ko na naman kung paano nangyari yung mga ganitong bagay sa amin. Nahihilo, nasasaktan, pare-pareho kami ng nararamdaman. Saan kaya 'to nagmula?
"PUCHA", malakas kong sigaw matapos kong maramdamn na parang nabubog ako sa paa. Sino naman 'tong tangang nabubog

"TING"

May nagnotify sa messenger ko. Pagkaopen ko nito ay bumungad ang picture ni Samuel kasama ang kanyang paa na duguan
"Guys, sorry"
"Mag-ingat nalang tayo guys, as much as possible" sabi ni Orio.
"Humiga nalang kayo" pahabol kong sabi. 

Alas nuebe na ng gabi ng makatulog ako ng maayos hanggang sa maalimpungatan ako. Tinignan ko ang orasan at alastres na ng madaling araw. Plano ko sanang saktan ang sarili ko, para damay damay kaming magising ng alastres. Kaso 'wag nalang dahil inaantok pa ako. Bago pa man ako dalawin ng antok ay nahilo na naman ako. This time ang sakit talaga sobra parang yung sinabi ni Oliver na parang hammer na pinokpok sa ulo, 'di siya katulad nung last time na sumakit yung ulo ko. Kaya pinilit kong matulog sa kabila ng sakit ng ulo ko.

"AAAAAAAAHHHH"

Napasigaw na ako dahil 'di ko na kaya yung sakit. Nagising ang lahat ng tao sa bahay at unti-unting nawala ang sakit ng ulo ko.

I'm wondering kung sumakit din ba ang ulo ng mga kaibigan ko. Kaya naman nagchat kaagad ako sa gc namin kung sumakit ba yung ulo nila.

*First day of school(Flashback)
"Tara G"..
"Arat"
Mga demonyong nagaaya ng laro matapos ang hindi maipaliwanag na nangyari kani-kanina lamang
"Pass, next time nalang ako", sabi ko sa kanila.

Hay, nakauwi na rin. Lantang lanta na kaagad ang katawan ko kahit ang ginawa lang namin sa school ay magpakilala. Dumiretso ako sa kama at pilit inaalala ang mga pangyayari kanina. Nakaidlip na pala ako at tumingin ako sa orasan sa kwarto. Nagising ako sa ingay ng isang construction site sa tapat ng aming bahay. Alasinko na pala ng hapon. Papungay-pungay man ang katawan,  sinubukan kong tumayo at kumain. Nang biglang...

"AYYYY, NAWALAN NA NAMAN NG KURYENTE!!" sigaw ng pinsan kong naliligo sa CR.

Lumabas ako ng bahay at nagikot sa aming lugar. Habang umiikot ako ay may pumukaw ng aking mga mata. Ang gara, parang makalumang tindahan pero may class. Agad kong pinuntahan ang tindahan at sa loob nito ay nakita ko si Samuel na nakatalikod at may hinahanap na kung ano.
"Uy, Samuel, bat ka nandito? "
Nagtatakang tanong ko sa kanya
"Gabi na ah"
Walang kibo si Samuel na para bang hindi niya ako narinig.
"UY"
"Samuel, anong ginagawa mo rito"?

"TING"
May nagchat sa gc namin at bigla akong kinilabutan ng makita kong si Sam yung nagchat. Wala namang hawak na cellphone 'tong nasa harapan ko. Naghahanap nga ng libro eh.
"Tangena si Samuel ba 'to",
Tanong ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng tindahang iyon kung saan nakaharap ang "Sam" na kaibigan ko. Ngunit 'pag labas ko ng tindahan ay wala ng tao doon sa loob, patay ang ilaw at may nakalagay sa pintuan na "CLOSED"

SHIT.

Tumaas ang balahibo ko dahil wala akong narinig na kahit anong pagpatay ng ilaw at pagsara nito. Kung gaano kaganda ang tindahang iyon ay ganoon din siya kacreepy. Nanginginig man ang aking paa, sinubukan ko pa ring lapitan ang pinto.
Isa…
Dalawa….
Tatlo….
Napahinto ako at huminga ng malalim.
Apat..
Isang hakbang nalang at masisilip ko nang muli ang tindahan. Transparent kasi yung pinto nito, parang salamin.
Lima..
Mas kinilabutan ako sa mga nakita ko. Bukas ang ilaw nito sa loob. Ngunit kung
tignan mo sa labas ay wala man lang kailaw ilaw ito. Tumakbo ako pabalik sa aming bahay. Tinanong ko ang aking pinsan na palaging dumadaan sa kantong iyon. Kung anong pangalan ng store at kung kailan pa iyon naroroon. Ngunit ng sabihin ko sa aking pinsan kung ano ang hitsura ng store, ay wala raw siyang nadadaanang ganiyon. "Imahinasyon mo lang ata iyon, Caly". Muli akong bumalik sa store na iyon, nagbabakasakaling imahinasyon ko nga lang iyon. Paikot ikot ako sa kantong iyon ngunit hindi ko na matagpuan ang store.

Alas nuebe na ng makabalik ako ng bahay. Naglalaro pa rin sa aking isipan kung paano nawala yung ganoong kalaking tindahan na parang mansiyon. May mga sabi-sabi na nagpapakita lamang ito sa mga taong may matinding pangangailanagan

*FLASHBACK ENDS*

"KORDERO NG DIYOS NA NAGAALIS NG MGA KASALANAN NG MUNDO."

Iyan palagi ang tunog na naririnig ko tuwing umaga. Siraulo kasi tong pinsan ko, ringtone niya yan sa kaniyang alarm na
4:00..
4:01..
4:02..
Hanggang 4:10 yan..
Sabi niya kaya raw ganiyan ang kaniyang rington ay upang hindi siya mairita at maganda ang gising niya. Nakakatawa kung iisipin. Pero minsan natatakot ako kasi parang kakaiba yung dating ng kanta ng ganyang oras. 'Di bale na malapit na rin naman ang simbang gabi. 

Pagdating sa eskwelahan ay agad kong ikinuwento kay Oli ang mga pangyayari sa akin.
"Pagod ka lang Caly"
I thought maniniwala siya pero, hindi kaya naman kineep ko nalang yung mga nangyari sa akin.
Isa-isa ng nagbibigay ng assignment ang bawat subject teachers hanggang sa nabwisit na si Darrius at sinapak muli si Altair. Lahat ng nasa silid ay nakaramdam ng pananakit ng braso, maging ang teacher namin sa oras na iyon na si Mrs. Ilagan napatingin. Sabay-sabay naming minura si Darius ng pabulong.
"TANG INA KA TALAGA"

The SEVENS OF HIGHSCHOOLWhere stories live. Discover now