Tawag

92 4 0
                                    

Malalim na ang gabi nang ako'y magising. Kinapa ko ang aking cellphone na patuloy pa rin sa pagvivibrate.

'Sino na naman ba 'tong istorbo na 'to?' bulong ko sa aking sarili. Napakaganda na ng panaginip ko at tuloy-tuloy na ang tulog ko kung hindi dahil sa tawag na ito.

"Hello?" tanong ko sa tonong wari'y inaantok na sinundan pa ng paghikab.

"Babe! Sorry sa biglaang tawag ah, namiss kasi kita sobra e. Ano? Kain naman tayo later?" napasimangot naman ako sa bungad niya. Akala ko naman kung ano na.

"Bakit naman kasi ganitong oras ka pa tumatawag, pwede namang itext mo na lang sa'kin. Alam mo namang hindi kita matatanggihan, diba?"

"Awww... hindi ka pa rin talaga nagbabago Jeremy. I love you"

"I love you too"

Ibinaba ko na agad ang tawag at saka muling nahimlay sa malalim na pagtulog. Ilang oras ang lumipas at sumapit na ang ikapito ng umaga. Dali-dali akong naligo at nag-ayos ng sarili. Napag-usapan kasi namin ni Diana na sabay kaming mag-aalmusal ngayon. Kaunting drive lang at narating ko na ang sinasabi niyang restaurant. Pagpasok ko, bumungad sa harapan ko si PO1 Mendrez na matalik kong kaibigan, madaming beses niya na akong natulungan ilang beses ko na rin siyang nakainuman.

"O, Jeremy bakit andito ka?" nagtatakang hitsura niya. Ako dapat ang magtatanong nun pero naunahan niya ako. Tumingin muna ako sa paligid ng maliit na restaurant na ito at matiyagang hinanap kung saan nakaupo si Diana. Kaunti lamang ang tao kaya mamamasdan mo agad ang luwag ng lugar. Nagpabalik-balik ako sa pagtingin pero wala akong nakita ni isang bakas niya. Marahil sa pagtataka ay nagtanong si PO1 Mendrez.

"Sino ba hinahanap mo?"

"Ahhh... Si Diana kaso wala pa siya eh. Dito pa naman namin napag-usapang  mag-almusal." sagot ko. Napagdesisyunan kong suriin ang buong restaurant para muling icheck kung nandito nga si Diana. Subalit, natigil ako nang magsalita si PO1 Mendrez nang hindi pa ako nakalalayo sa kinatatayuan niya.

"Sa tingin ko, nahanap ko na ang sagot sa problema mo" sabi niya at walang pakunda-kundangan akong pinosasan. Dahil sa gulat, napamura ako ng makailang beses.

"You have the right to remain silent. Everything that you say might be use against you under the court of law."  dagdag pa niya na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko.

"Nakalimutan mo na atang patay na ang misis mo 2 years ago. Natatandaan mo pa ba? Dito mismo sa restaurant na 'to siya natagpuang wala ng buhay. Well, congrats, justice is already in the air to end your lies."  saka niya ako isinakay sa police car. Doon lamang ako natauhan.

Balintataw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon