Kaway

49 4 0
                                    

Hindi malakas na tugtog ng kapitbahay o sigaw ng kaniyang ina ang gumising kay Karen, kung hindi ang init. Tumingala sa bubong at sa mga butas nito ibinase kung anong oras na. Bumaba na siya at naabutan ang nakahaing almusal.

"Pumasok na sila" malungkot niyang sambit sa sarili. Hindi na naman niya nakasabay ang mga magulang sa umagahan. Paghigop ng kape ay naalalang simula na ng online class. Nagmadaling binuksan ang pinaglumaang laptop ng kaniyang pinsan. Naabutan niya ang klase. Isa-isang tinawag ng guro ang mga apelyido.

"Arsela"

"Present po"

"Uhmmm Miss Arsela, can you do me a favor?"

"Yes po, ano po iyon Ma'am?"

"Pakisabihan naman iyang kapatid mo. Kaway nang kaway eh"

Nanindig lahat ng balahibo sa kaniyang katawan. Siya ay unica hija.

Balintataw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon